Search

The Surgeon's Logbook

surgery + medicine + photography + food + travel

Category

Old Entries

back-to-blogging

Matagal na rin bago ako muling nakapagtipa ng mga letra dito sa screen na ito.

Matagal na rin bago ako nakapagtipa dito nang walang iniintinding dapat pang gawin. Mga bagay na mas importante kaysa pagsusulat ng mga walang katuturang letra, salita, at mga kataga.

Ang tagal ko na ring hindi nakapagsusulat ng matinong talata.

Fragmented kumbaga sa Ingles.

+++

Dumating na rin ang pinanabikan kong araw ngayong Marso. Kahapon yun, March 23. Dahil sa araw na iyon, opisyal nang NATAPOS pagiging INTARMED ko. Huling araw ko na ng kolehiyo noong Martes, at pagdating ng Miyerkules…ano na ako? Isang mabuting batang magsasaya buong summer habang hinihintay ang June…ang pasukan sa Medicine Proper. Oo, FRESHMAN na naman uli ako. Baguhan na naman sa panibagong serye ng katoxican. Pero dito, mas may halaga na ang TOXIC. Dahil hindi na pangkolehiyo ang antas ng kahirapan, bagkus, pang…MATANDA?

Lumabas na ang listahan ng mga magiging kaklase namin. Sila yung mga nakatapos ng apat o limang taon ng pre-med. Sa amin? Hamak na dalawang-taong paghihikahos at kahirapan ang tanging pantapat sa kanila. Magiging kaklase ko ang ate ng kabatch ko nung highschool. Dati, ate olvia ang tawag ko sa kanya…ngayon, Olivia na lang. Weird meehhhnn…

Pero ganyan talaga ang buhay. Kasama yan sa package deal na sinang-ayunan namin nang pasukin namin ang programang Intarmed. Kasama ng kawalan ng tamang maturity, at katibayan ng loob…sa pagpasok namin sa med proper, nawa’y hindi kami mabigla masyado.

Iniisip ko na lang, pang 31 na kami na batch ng Intarmed. May nauna nang 30 pulutong na ng mga immature, isip-batang mga bugoy ang nag-aaral, nakapag-aral, at nakapagtapos na ng Medisina. Kung kinya nila, bat hindi namin kakayanin?

+++

May exam pa ako sa Biochem ng Lunes. Technically, hindi pa talaga ako TAPOS. Kung hindi maeexcempt sa finals sa Biochem at Zoo 30, edi may finals pa ako next week. Ewan. Sana naman wala na.

Kaya ayoko munang matapos ang pagiging emosyonal ko sa pagtatapos ko ng dalawang mahhiirap ngunit makakabuluhang mga taon ko sa kolehiyo. Mashadong preemptive. Tsaka na, pag tapos na talaga. :p

+++

Pero siyempre, celebrate naman ako kahapon! Hehehe. Kasama ko ang tatlo kong kaibigan sa Diliman, ang aking Muvifriends. Nanood kami ng CONfidence sa Galle, pero tangina, MALING PAGPILI NG MOVIE. It sucked…BIGTIME! As in wala akong mahanap na magandang point ng movie. WAG NA WAG NYONG PANONOORIN oki? Sayang lang tuloy ang P106 ko. Nyar!

Gauynpaman, pumunta kaming Metrowalk na lang para kumain at magbonding. Hehe. Angtagal ko na silang hindi nakakasama. Masyado kasi kaming naging abala sa kanikanyang mga requirements. Kumain kami sa Chicken Bacolod…at doon nagstay hanggang 11pm.

Hehehe, para lang kami uli nung highschool. Lalabas ng Sabado ng gabi, manonood ng movie (hence the name), at magkukwentuhan sa isang restaurant na bukas hanggang hating gabi. Pero ngayon, hindi na kami highschool, at hindi rin Sabado. Pagkatapos sa Metrowalk, nagkayayaan pa sa Starbucks. At doon kami nagkwentuhan pa nang nagkwentuhanm kasaliw ng nikotina at kape.

Deng..doon ko lang naramdaman na sobra ko pala talaga silang namiss.

Naaliw ako kapag nag-uusap kami. Eto kasi composition namin, dalawang lalaki, dalawang babae. May isang Engineering, may isang Psychology, may isang Business Administration, at ako…isang Med. Dalawa sa amin, org ang buhay, ako kasama yung isa pa, wala man lang isang org. Silang tatlo, galing Diliman, ako sa Manila. Kaya ang daloy ng storya…paiba-iba. 馃檪

Kahapon na kami lumabas imbis na hintayin pa ang next week kasi kahapon lang talaga kami libreng apat. Next week, puno na naman sila ng exams. Ako, iisa na lang. Siguro magiging madalang ang panonood namin ng movies ngayong summer. Busy kasi lahat…

Natapos kami nang pagsarahan na kami ng Starbucks. Mga 1:30, hinatid ko na sila (ako yung may kotse), at umuwi na ako. Iniisip ko habang pauwi na sana, kahit nasa medproper na ako, makasama ko pa sila. Drama.

+++

Ang ganda ng summer schedule ko! Hehehe…Excited na ako talagang-talaga!

Wala pa akong schedule ngayong mga huling araw ng March…nakatuon lang sila sa pagtatapos ng mga requirements etc, pero pagdating ng April…

*APRIL 7-10 – Bacolod
Gusto yata akong isama ng nanay ko sa convention niya sa Bacolod e! Hehehe…iniisip ko pa kung sasama ako.

*APRIL 10-13 – BORACAY!
Yay! Babalik na naman ako sa Boracay! Dapat kasama ko si Maan dito, pero mukhan di siya papayagan. 馃槮 Kasama ko si ate mimi at mommy dito. Si Gerson din at kanyang pep drummer friends ay kasama din namin sa private resort na tutuluyan namin. OOOHHHH YEAAHH! Bora!! :p

*APRIL 19-22 – Cagayan de Oro
Nagkayayaan kami ni Gid, yung roommate ko, na pumuntang CDO ngayong summer. Dapat talaga kasi, pupunta kaming Davao noong Sembreak nung freshmen kami. Pero hindi na natuloy. Eto, dahil libre na kami ngayong summer…mukhang tuluy na tuloy na kami! Plano naming mag white-water rafting sa CDO river. Ang masaya pa nyan, kina Gillian kami tutuloy, at sasama siya sa amin sa adventures namin! Yey! 馃檪 Mukhang magiging masaya itong trip na ito!

*MAY 1 to JUNE 2 – US & Singapore 馃檪
Yahoo! Tuloy na tuloy na talaga! May itenerary na kami! Punta kaming New Jersey, New York, LA, Las Vegas, Florida, Toronto, atbp! 馃檪 EXCITING! 馃榾

Blech. Pagdating ng June, pasukan na agad. Wahahaha! Hello new classmates and new friends! 馃檪

+++

Nagmember ako sa Fitness First sa Rob. Mashado kasing enticing yung deal e, limited pa sa first 300 na magsasign up. :p ayun lang. Nung babayaran na, mom ko yung magbabayad. At aba! Naloko din ang nanay ko! hahahahaa! Nagsign-up din siya! Pero since dito siya sa QC nakabase, at hindi sa Manila…dun niya sa Fitness First sa ABS-CBN! Nyahahahaahaha! kasama niya sina Diet, Echo, atbp stars ng ABS! WAHAHAHA! (*if i know, kaya siya nagmember dahil doon.) mwahahahaha!

Ang hirap nga lang, ako ang magbabayad ng monthly dues. Putek…gotta save up!

+++

I’m moving to Rob Towers this June, in time for med proper. Imed pa rin ang roommate ko, at may unitmate kaming radiology resident sa pgh. Hehehe. Ayus, may kuya-kuyahan kami dun…mga mapagtatanungan ng mga bagay-bagay sa medschool. Wahahaha…

+++

Dami ko pang gustong ikwento…pero tsaka na. Hehehe. I think this is long enough for a back-to-blogging entry.

Kudos to all the grads! And to everyone else, have a meaningful Holy Thursday, Good Friday, Black Saturday and Easter Sunday ahead of you! 馃榾

Advertisements

for the sake of posting

I’m posting just for the sake of posting…hohumm…

Pictures na muna, may exam kami bukas sa Zoo lab tungkol sa 2 day at 3 day old chick embryo. Hay nako…


Nagpahenna tatoo ako sa mini-fair ng UP Manila sa may AS namin. Astig no? Dapat sa kamay ko ipapalagay e, ala power rangers, pero hindi daw pwede kasi madaling matatanggal dahil mabuhok daw yung kamay ko…kaya ayan, sa underside na lang ng braso nilagay. Ang ganda niyang tignan pag nakataas ng kamay sa teacher (as if nagrerecite ako), kasi para siyang naka-sneer sa prof, mwahahaha…lalo na kay Ma’am Co, ang Embryology prof namin na sinasabing maaaring maging Anatomy prof namin sa Med Proper…nyar..HAD enuf of protins, dep, der, and microtubols already!!!! Hehehehe…


UP, you never fail to amuse me. Hehehe…sa isa sa mga upuan sa Physics lec room namin, nakita namin ni Maan itong vandal na ito. Liquid paper. Hehe…tRNA, short for transport ribonucleic acid…at infairness, tama nga naman yung structure. Bwahahahaha….

Sige yun lang muna…nga pala. Napostpone yung biochem exam namin this sabado…kaya happy-happy sa Friday Med fair na pinamagatang: “A FAIR to Remember” Putek yan, napaka…uhmmm…creative naman ng title no? Hahaha…owell, barbell…till then dear blog!

PS. inedit ko yung pics para naman di dull tignan. hehe… :]

Bloginality

I took a test…a personality test actually for bloggers (hence, the name Bloginality). Hehehe…And I think the results are quite true. *wink wink*

Oh how I wish na may smileys dito sa blogger. *sigh*

Eto results:

My Bloginality is ESTP!!!

You are an ESTP!

As an ESTP, you are Extraverted, Sensing, Thinking, Perceiving.

This makes your primary focus on Extraverted Sensing with Introverted Thinking.

This is defined as a SP personality, which is part of Carl Jung’s Artisans (Sensation Seeking) type, and more specifically the Promoters or Doers.

Because you aren’t as excited about routine, your blog may be more journal-like, without as much consistantcy in time between posts. But because you like getting things done, coupled with your need for style and appreciation for the sense, you will be more likely to have a gorgeous design and set up for journalling.

kwento lang

Last saturday, I was at Bill’s place. It was his 19th birthday and he had a small kainan prepared by his mom for him. May caldereta (which we both looove), baked tahong, pansit (for longer life), chicken and pork bbq, at palitaw. Konti lang kinain ko kasi nagdinner na ako bago pumunta sa handaan niya. 馃檪

Kaunti lang din ang pumunta, short notice kasi. Tinext nya lang kami noong kinaumagahan ng Sabado. Pero ok lang, kaya naman naming magsaya kahit kaunti lang kami e. Hehehe.

Dahil dala ko ang digital cam namin, napakadami na namang mga litrato ang nakuha mula sa party. At isa sa mga litrato ay ito:



frustrated

Kinuha iyan ni JA (at inedit ko), habang ako’y nagdadrama sa drumset ni Bill. Hehe. Ilang beses kong pinapractice yung tinurong beat ni David pero hindi ko pa din magawa hanggang mag-umaga na. Hindi ko alam kung bakit hindi ko talaga makayanang matutong magdrums. Laging sablay yung paa ko at kamay. Masasabi na nga sigurong wala akong hand-foot coordination (kung meron man nun). Mashadong mabilis ang pick-up ng kamay ko, at nahuhuli lagi ang paa ko. Hay nako…kakafrustrate talaga. Kaya ko naman kapag kamay lang, kaya ko din kapag paa lang. Pero kapag nagsabay na sila, naku…patay na. 馃檪

Kinaumagahan, nagkukukuha pa rin ako ng pictures. May kyuuut na tuta kasi sina Bill. Noong gabi, sinusubukan kong kunan yung tuta nang parang yung nakikita sa mga notebook (yung may malaking ulo na mga aso tas maliit yung katawan). E ang likot likot nung tuta…’di ko makuhanan. Sinubukan kong tuksuhin gamit ang pagkain para sumunod yung ulo niya sa kamay ko, pero ayaw pa rin. Pero nung umaga, sunud-sunod ko lang siyang kinuhanan hanggang *click* pag nganga niya, naghikab siguro, at voila!



nyaaaarrr!

Kahit na di gaano katulad nung mga nasa notebook…ok na rin. At least Kamukha naman. *wink wink*

———————–

Wala na ang aking trusty 6610. Kanina pa ako namaalam sa kanya…dahil…

TADAHHH!!!!



Mya bago akong fone!!! Wee! May camera na ito, may bluetooth pa, tsaka magandang color display! Weeeeeeee…..Hehe. Mas madami na akong pics na maipopost ditoooowwowowow!!! Yahoo! At ang pangalan nga pala niya, ayon kay Maan, ay Zoe. Di ko alam kung babae ba o lalaki. hehe…ewan. Basta, siya si Nokia 6230 ko. Yahoooo!!!

huling linggong akademiko

Pagtingin ko sa orasan ko sa kwarto kanina nang ako’y gumising, nakita ko 3:30 na.

BUMANGON AKO BIGLA AT NAGPANIC. 3:30 pa lang nang umaga?? shet. pero maliwanag sa labas…

3:30 na nang hapon. oo. kagigising ko lang nun.

HUWEBES

4am na ako umalis sa christmas party ng barkada (at ‘di ko magets kung bakit ako nagpanic na 3:30 am ang una kong basa sa orasan ko). Iilan ilan na lang kaming natira sa party. Kumakain lang kami nang chichirya at softdrinks. Ubos na kasi ang beer. Anong ginagawa namin? Edi kung saan pa kami magaling…nag-uusap at nagkukwentuhan lang.

Kung maituturing na boring na ang usapan sa tuwing napupunta sa pulitika at iba pang isyu ng bansa ang usuapan, marahil mamatay na kami sa pagka boring ng gabi. Ilang beses kaming nagusap tungkol sa isyu ng kapitalismo – imperyalismo, sa pagkapanalo ni FPJ, sa pagiging defunct ng lipunang Pilipino…hay nako. siryoso ito. 馃檪

Sa totoo lang, 12 ng umaga ako dumating sa party. Pagdating ko, nagkakantahan sila ng mga christmas songs sa saliw ng pagpapiano ni Bryan. Taun-taon na kaming nagdiriwang ng christmas party simula Grade 8. Noon, may exchange gift pa kaming nalalaman. Ngayon, basta’t kaunting salu-salo na lang (o pot money kung tawagin namin) ayus na. Nasisiyahan ako sa tuwing may mga ganitong klase ng party ang barkada.Dahil kahit papaano, nakakasama ko rin sila kahit sandali lang, sabay ng pagdiriwang ng isang makabuluhang okasyon: pasko.

Sa mga susunod na taon, habang ako’y nag-aaral na nang medisina, at sila sa kanilang mga majors sa college…magagawa ko pa kayang makasama sila sa mga ganitong okasyon?

———————–

Ayon nga kay Tina, “Ge, it’s really your day!” Oo. Araw na araw ko talaga ang Huwebes. Kinaumagahan, naghahanda ako ng isusuot ko para sa party nina Kathy, Abe at Tippee sa Krocodile Grill sa Greenbelt. Dapat shirt lang isusuot ko, pero wala akong mahanap na maganda, kaya naisipan ko na lang na maglongsleeves na nakatiklop yung sleeves para magmukhang polo. Black Chucks ang sapatos ko para naman maging mas casual yung damit ko. Ay shet. Pagdating ko sa meeting place namin, nakamed-shirt yung mga magpapaparty. Hayup. Mas nakabihis pa ako sa mga celebrants. :

Nagconvoy kami papuntang Makati. Dala ko yung starex namin, at sinakay ang ilan kong mga kaklase. Tatlong vans ang dinala namin sa Makati. Si Ants nagdala nung isa, tas yung isa si Abe. Ako yung nasa huli ng convoy. Pagdating namin sa intersection ng EDSA at Ayala, hinbol ko ang red light pakanan sa Ayala dahil ayokong mahuli sa convoy namin. Nakalusot naman ako, whew! Pero…may nangyaring sunod. Di ko na lang kukwento dito, hirap na…Sabihin na lang natin na “There’s always a first time…”

Nakarating din kami sa Greenbelt eventually. Unang beses ko doon, promise. Hindi naman kasi ako Makati person. Mabibilang ko sa iisang kamay ang beses na pumunta akong Glorietta. Last time ko ata ay 3 years ago pa. Ang ganda pala talaga doon! EXAJ. Sabi ni Kathy, di daw dumadami tao dun…sana nga ganun, para mapreserve yung kagandahan ng place. 馃榾

Pagdating ko sa Kroc Grill, isang nakahihindik na tanawin ang tumambad sa aking mga mata: BUHAY NA CRODOILES!!!! Putang ina…gumana agad ang aking Sympathetic Nervous System…nagpawis ako, namutla (kung makikita lang sa maitim kong balat), at bumilis ang tibok ng puso! Shet na malagket. Ako ay may her路pe路to路phobia or ba路trach路o路pho路bi路a o fear of reptiles. Oo, takot ako sa mga ahas, butiki, pati dinosaurs (kahit sinasabing hindi sila reptiles bagkus ay mammals na ibon)! Poonyeta. Minsan din saking sinabi ng kaklase ko na nakatingin daw sa akin yung crocodile…Shet. Kininkilabutan pa rin ako hanggang ngayon. *shivver* It really was my day.

Maan and Me at the Greenbelt fountainKailangan naming bumalik nang 2pm sa UPM dahil 2 “daw” magsisimula ang lantern parade. Dahil doon, pagkatapos naming magpictorial ng klase sa may central garden-slash-fountain ng GB3, bumalik na kami agad. Pagpunta ko sa Roxas Bvd., traffic dahil sa may stoplight sa CCP. Dahil nakakita ako ng mga kotseng dumadaan sa service road, doon na din ako dumaan. Pakiramdam ko kasi, mas mabilis doon. BUT NO. MAS trafik pala doon. POONYETA. Mga 15 minutes siguro kaming nakatigil lang doon sa service road, habang pinagmamasdan naming mabilis na tumatakbo yung mga sasakyan sa Roxas. Araw ko talaga iyon.

Nang makalampas kami sa may Quirino, sinubukan kong dumaan sa Mabini hanggang makarating kaming Pedro Gil. SHEEET. TRAFFIC DIN SA MABINI! Gawd. 2:30 na iyon…sina Ants at Abe ay nasa UP na, kami? Nasa may Malate pa lang. Aynako. Buti na lang nakalusot kami sa isang eskinita na itinuro ni Benjo at tuluy-tuloy na patungong UP Manila. *buntung-hininga*

———————–

Note: Wag basahin ang susunod na parte kung ayaw makabasa ng tungkol na naman sa aking pinakamamahal na kurso…

May panibago na namang karir ang Intarmed sa lantern parade. Dahil walang kabuhay-buhay ang contingent ng College of Medicine, nagsuggest ang mga kaklase ko ng cheer ng Med hango sa isang cheer na ginamit sa Sinosisans. M-ED-ICI-NE-MEDICINE! At habang nagpaparada kami paikot ng campus, nabuo din ang cheer na Medisina! Medisina! At kinalauna’y nadagdagan pa ito ng CM! CM! CM! CM! na may matching hand movements pa. Kanino galing ang lahat ng cheers? Sa imed. Sinong nagchicheer at sumisigaw? Imed. Ang suporta ng buong contigent ng Med ay nakasalalay sa Imed.

Med lantern, tied-up with Nursing at 3rd placeNaisip ko na kung bakit ganoon ang nangyari. Kung bakit imed lang ang nagchicheer samantalang ang Year Level 3 (1st year proper) ay naglalakd lamang, at walang ginagawa…kasi kami lang naman ang lehitimong undergrads ng kolehiyo. Kami lang ang pantapat nila sa mga BS Nursing students o kaya mga BS PT, BS OT, BS Pharm, BS PH ng ibang mga kolehiyo. Kami ay mga bachelor of science undergrads pa. Silang mga nasa upper year levels? Tapos na sila sa ganoong stage. Marahil yung iba’y ilang beses nang nagsisigaw sa kanikaniyang kolehiyo nang sila’y undergrad pa sa Diliman. Matatanda na kamo, kami…fresh. WAHAHAHA!

Kalahati pa lang ng parada, kalahati na ng boses ko ang nawala. Nang magtapos ito, mas malala pa sa boses ni Inday Garutay ang boses ko. Pagod na pagod ako sa kasisigaw at katatalon at katatakbo at kalalakad. *sigh* Buti naman pagdating ng gabi, bumalik uli ang kalahati ng boses ko. Ngayon, buo na uli. Yehey! 馃榾 Sana nga lang ‘di gaanong nagagasgas yung lalamunan ko…dahil kung gano’y ‘di na ako muling makakanta…iskeyri.

3rd lang ang nakuha ng Med sa Lantern (tignan ang litrato sa taas), at 3rd lang din sa Facade competition. Wala kaming special award…I guess hindi sapat ang pinaggagagawa naming pagsigaw at pagchicheer. 馃槮 Pero ok lang, at least, mas napamukha namin sa upper classmen namin na ang imed…buhay na buhay!

Matapos ang lantern parade, nagkaroon ng xmas party ang MSC. Super saya nung party! Kahit ‘di lahat ng members pumunta, masaya pa rin. Nagspin the bottle kami! HAHAHA! How high school. Nakakatuwang isipin na kahit mga 20+ na mga tao ang kasama mo, hindi mo maiisip na ganoon kalayo ang agwat nyo sa mga ganoong klase ng okasyon. Si chairman Lachica, daig pa si Boy Abunda sa pagiintriga kay Ate Roselyn. HAHAHA! Grabe talaga…nakakatawa!

———————–

Umalis ako agad sa xmas party dahil may “date” pa kami ni Maan. Pinagpasyahan naming magcelebrate na ng christmas nang maaga since hindi na kami magkikita pa pagkatpos kong umuwi papuntang QC at siya naman sa Laguna. Nanood kami ng Magnifico sa dorm at kumain ng mga take-out food sa Mario’s kitchen at Figaro Chocolate Cake (the best! talaga! i-try nyooo!). 11:30 nang umalis ako sa dorm…at 12 ako nakarating sa xmas party ng barkada. 馃榾

Nakakaiyak yung Magnifico. Ang galing ni Jiro Manio. Ang bait bait ng character niya! AYUS!!! A must see, at super deserving siya sa mga awards na nakuha niya.

———————–

MIYERKULES (oo paatras itoh)

Pumunta kami ni Maan sa huling araw ng UPIS fair. Hehe. Gaya ng dati, kaunti lang din ang pumunta. Pero mas OK kasi mas OK yung mga tumugtog. Cambio, Sugarfree at Imago! Whooppee!!! Si idol Ebe ay napapirma ko! Wahoo! At may picture pa kami ni Maan kasama siya! 馃榾 Yehey!



Nakakatuwang isipin na sa mga panahong ngayon din, dalawang taon na ang nakalilipas, nag-aayos din kami ng UPIS fair ng mga kasama ko sa student council; na nasestress din kami’t lahat dahil sa fair na iyon…haay..



Cambio



Imago



Picture with Ebe, vocals ng Sugarfree

———————–

Iba pang mga bagay:

  • Birthday ni Bill bukas! At kinabukasan noon, Frist Anniversary na ng Peasnt Friends! Yehey! 馃榾 hehehe…
  • Nababagot na naman ako dito sa bahay. Walang magawa. Kailangan kong umalis. Pero ayokong gumastos. *sigh sigh*
  • Lagot kami sa January. Since wala kaming major exams ngayong December, lahat yun napostpone sa Enero! TOXIC TOXIC TOXIIIIIC!!!!

Noong Linggo

Yahoo! Wala kaming Natsci 50 ngayon kaya free na kami sa buong maghapon! Pero dahil kailangan na naming ipasa ang Chapter 1 ng paper namin for STS, mukhang magtatagal na naman ang araw ko ngayon. Hayy. Pero siyempre, update muna ako ng blog ko bago research. Mwahahaha…

Eto ang nangyari noong nakaraang Sunday…

Tapos na rin ang NMAT sa wakas. Shet na malagket pa sa putek…ang hirap ng SocSci at Biology talagang talaga! Puro hula na lang ang ginawa ko. Pano ba naman, wala naman talaga kaming matinong SocSci na subject. Tapos puro Botany yung nasa Bio part, e Zoo lang naman ang meron kami…Ayus. 馃檪 Di ko naman talaga dinibdib ang pagrereview e. At infairness, mabilis kong natapos ang quantitative analysis o math kahit iyon ang pinaka kinamumuhian koong asignatura kahit kelan. NYAAAR! Hehehe.

Maaga kaming pumunta doon ng mga kaklase ko para kumain muna ng breakfast bago magsimula ang exam. Sa Jollibee kami kumain at marami din kaming co-NMAT takers na nakita doon. Paano mo malalaman na kukuha din ng NMAT yung mga katabi mo?

    1. May hawak na Admission Slip at/o Identification form sa isang kamay at dalawang Monggol pencil No. 2 sa isa pang kamay.

    2. May hawak na brown envelope kung saan nakalagay ang Practice Set.

    3. Nakalabas na ang Practice Set sa table at sinusubukang maglast-minute review.

Pagkatapos naming kumain, may mahaba nang pila sa labas ng Jollibee. Simula sa gate ng Benilde hanggang sa Vito Cruz kahaba ang pila! Exoj. Daming mga magtetest! Pero ayon sa isa kong kaklase, sabi nung isang doctor na kilala niya, itong batch daw ng NMAT may pinakakaunting mageexam. 700 lang daw. Ibigsabihin, paunti na nang paunti ang mga may gustong mag medicine (at padami na nang padami ang mga may gustong mag Nursing…sigh…)

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong mafeel…gusto ko mang maramdamang maging excited at masaya dahil kung iisipin, yung mga kasabay naming magexam ay malamng maaari naming maging ka-batch sa UP Med, pero natatakot pa din ako sa tuwing maiisip ko na sila, nakapagtapos na sila ng isang bachelors degree, kami? wala. *double sigh*

Noong lunch (sa Jollibee na naman dahil punung-puno ang lahat ng kainan), mayroon pa rin kaming mga nakikitang pilit na nagrereview. SERYOSONG nakatutok sa kani-kanilang mga review materials. Yung iba, nag-enrol pa sa mamahaling review centers at bumili ng mamahaling review materials…ako? practice set lang binasa, tapos na. Doon ko lang naramdaman kung gaano kaswerte, sa kabila ng ilang paghihirap at matinding pressure, ang makapasok sa intarmed.

Kinahapunan, pumunta kami ni Maan sa bahay sa QC. Nag-bake kami ng white chocolate chip cookies bilang mga regalo namin sa mga kaklase namin. Yey! 馃榾 Namili kami ng mga gamit ng mga 5:30. Pagkatapos, dala ang mga pinamili namin, nag-simaba kami ng 6:30 sa malapit na simbahan. Nakauwi kami mga 8:30pm na dahil kumain pa kami sa Jollibee (for the third and final time of the day) ng hapunan. At pagkatapos ng mahabang proseso ng pagsasalin-salin ng mga sangkap, paghahalo at paghuhurno (baking sa Tagalog), eto ang lumabas na produkto:



saraaaaap!

Yehey! Tapos, nilagay namin sila sa mga lalagayan na plastic at nilagyan ng disenyo! Karir talaga, shet. Hehehe. Natapos kami mga 1:30 na nang umaga at bumalik kami sa dorm ng mga 2am na. Grabe, sobrang pagod talaga… *buntong-hininga* Pero masayaaa! 馃榾

———————–

Iba pang mga bagay:

  • nakikidalamhati ako sa lahat ng taong nagdadalamhati sa pagkamatay ni Da King.
  • naging OK na rin these past few days ang service ng SUN. Salamat!
  • STS na naman bukas. Ayoko talagang tumunganga at makinig sa boring na report, for that, magdadala ako ng crossword puzzles bukas! Yahoo!
  • Super saya nung debut ni Cza sa Fernwoods noong nakaraang Biyernes!
  • di ko na muna ipopost yung Hacienda Luisita entry ko, di pa tapos e. nyahaha…

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑