Search

The Surgeon's Logbook

surgery + medicine + photography + food + travel

Category

Intarmed

off to makiling

Today is the 1st day of April. It’s 2:14 in the morning, and ZOO 30 still haunts us until now. See, our prof gave us a class project to make our grades higher…apparently, a lot of us are not satisfied with just mediocre grades. Sigh…
 
Maan and I teamed up to make a section of the project — Amphibian Fertilization. We’re actually cramming it tonight (err, this morning) since we’re leaving for Makiling this morning for the annual summer camp of Kythe kids. Kythe is the foundation for children with cancer co-founded by my mom, and I’ll be spending this weekend with them. Hehehe. 
 
This is already the 10th camp, and this is the first time that I’ll be volunteering for the camp. Reasons for not joining before? I was too busy, conflict with my summer schedule, etc etc. But now, I’m going.
 
I dragged Maan and another friend Tina along with me to help with the camp activities. Sana mag-enjoy kami! 😀
 
We’ll be back Sunday evening. ’til then, my blog will be, once again, on a hiatus. :p
 
*hehehe, walang mashadong insight itong post na to. nyekekekekek. bangag na ako, maaga akong gumising kaninang umaga, at di pa ko natutulog ngayong araw. nagcommute pa ako to Manila, then to Cubao. haay…*
Advertisements

back-to-blogging

Matagal na rin bago ako muling nakapagtipa ng mga letra dito sa screen na ito.

Matagal na rin bago ako nakapagtipa dito nang walang iniintinding dapat pang gawin. Mga bagay na mas importante kaysa pagsusulat ng mga walang katuturang letra, salita, at mga kataga.

Ang tagal ko na ring hindi nakapagsusulat ng matinong talata.

Fragmented kumbaga sa Ingles.

+++

Dumating na rin ang pinanabikan kong araw ngayong Marso. Kahapon yun, March 23. Dahil sa araw na iyon, opisyal nang NATAPOS pagiging INTARMED ko. Huling araw ko na ng kolehiyo noong Martes, at pagdating ng Miyerkules…ano na ako? Isang mabuting batang magsasaya buong summer habang hinihintay ang June…ang pasukan sa Medicine Proper. Oo, FRESHMAN na naman uli ako. Baguhan na naman sa panibagong serye ng katoxican. Pero dito, mas may halaga na ang TOXIC. Dahil hindi na pangkolehiyo ang antas ng kahirapan, bagkus, pang…MATANDA?

Lumabas na ang listahan ng mga magiging kaklase namin. Sila yung mga nakatapos ng apat o limang taon ng pre-med. Sa amin? Hamak na dalawang-taong paghihikahos at kahirapan ang tanging pantapat sa kanila. Magiging kaklase ko ang ate ng kabatch ko nung highschool. Dati, ate olvia ang tawag ko sa kanya…ngayon, Olivia na lang. Weird meehhhnn…

Pero ganyan talaga ang buhay. Kasama yan sa package deal na sinang-ayunan namin nang pasukin namin ang programang Intarmed. Kasama ng kawalan ng tamang maturity, at katibayan ng loob…sa pagpasok namin sa med proper, nawa’y hindi kami mabigla masyado.

Iniisip ko na lang, pang 31 na kami na batch ng Intarmed. May nauna nang 30 pulutong na ng mga immature, isip-batang mga bugoy ang nag-aaral, nakapag-aral, at nakapagtapos na ng Medisina. Kung kinya nila, bat hindi namin kakayanin?

+++

May exam pa ako sa Biochem ng Lunes. Technically, hindi pa talaga ako TAPOS. Kung hindi maeexcempt sa finals sa Biochem at Zoo 30, edi may finals pa ako next week. Ewan. Sana naman wala na.

Kaya ayoko munang matapos ang pagiging emosyonal ko sa pagtatapos ko ng dalawang mahhiirap ngunit makakabuluhang mga taon ko sa kolehiyo. Mashadong preemptive. Tsaka na, pag tapos na talaga. :p

+++

Pero siyempre, celebrate naman ako kahapon! Hehehe. Kasama ko ang tatlo kong kaibigan sa Diliman, ang aking Muvifriends. Nanood kami ng CONfidence sa Galle, pero tangina, MALING PAGPILI NG MOVIE. It sucked…BIGTIME! As in wala akong mahanap na magandang point ng movie. WAG NA WAG NYONG PANONOORIN oki? Sayang lang tuloy ang P106 ko. Nyar!

Gauynpaman, pumunta kaming Metrowalk na lang para kumain at magbonding. Hehe. Angtagal ko na silang hindi nakakasama. Masyado kasi kaming naging abala sa kanikanyang mga requirements. Kumain kami sa Chicken Bacolod…at doon nagstay hanggang 11pm.

Hehehe, para lang kami uli nung highschool. Lalabas ng Sabado ng gabi, manonood ng movie (hence the name), at magkukwentuhan sa isang restaurant na bukas hanggang hating gabi. Pero ngayon, hindi na kami highschool, at hindi rin Sabado. Pagkatapos sa Metrowalk, nagkayayaan pa sa Starbucks. At doon kami nagkwentuhan pa nang nagkwentuhanm kasaliw ng nikotina at kape.

Deng..doon ko lang naramdaman na sobra ko pala talaga silang namiss.

Naaliw ako kapag nag-uusap kami. Eto kasi composition namin, dalawang lalaki, dalawang babae. May isang Engineering, may isang Psychology, may isang Business Administration, at ako…isang Med. Dalawa sa amin, org ang buhay, ako kasama yung isa pa, wala man lang isang org. Silang tatlo, galing Diliman, ako sa Manila. Kaya ang daloy ng storya…paiba-iba. 🙂

Kahapon na kami lumabas imbis na hintayin pa ang next week kasi kahapon lang talaga kami libreng apat. Next week, puno na naman sila ng exams. Ako, iisa na lang. Siguro magiging madalang ang panonood namin ng movies ngayong summer. Busy kasi lahat…

Natapos kami nang pagsarahan na kami ng Starbucks. Mga 1:30, hinatid ko na sila (ako yung may kotse), at umuwi na ako. Iniisip ko habang pauwi na sana, kahit nasa medproper na ako, makasama ko pa sila. Drama.

+++

Ang ganda ng summer schedule ko! Hehehe…Excited na ako talagang-talaga!

Wala pa akong schedule ngayong mga huling araw ng March…nakatuon lang sila sa pagtatapos ng mga requirements etc, pero pagdating ng April…

*APRIL 7-10 – Bacolod
Gusto yata akong isama ng nanay ko sa convention niya sa Bacolod e! Hehehe…iniisip ko pa kung sasama ako.

*APRIL 10-13 – BORACAY!
Yay! Babalik na naman ako sa Boracay! Dapat kasama ko si Maan dito, pero mukhan di siya papayagan. 😦 Kasama ko si ate mimi at mommy dito. Si Gerson din at kanyang pep drummer friends ay kasama din namin sa private resort na tutuluyan namin. OOOHHHH YEAAHH! Bora!! :p

*APRIL 19-22 – Cagayan de Oro
Nagkayayaan kami ni Gid, yung roommate ko, na pumuntang CDO ngayong summer. Dapat talaga kasi, pupunta kaming Davao noong Sembreak nung freshmen kami. Pero hindi na natuloy. Eto, dahil libre na kami ngayong summer…mukhang tuluy na tuloy na kami! Plano naming mag white-water rafting sa CDO river. Ang masaya pa nyan, kina Gillian kami tutuloy, at sasama siya sa amin sa adventures namin! Yey! 🙂 Mukhang magiging masaya itong trip na ito!

*MAY 1 to JUNE 2 – US & Singapore 🙂
Yahoo! Tuloy na tuloy na talaga! May itenerary na kami! Punta kaming New Jersey, New York, LA, Las Vegas, Florida, Toronto, atbp! 🙂 EXCITING! 😀

Blech. Pagdating ng June, pasukan na agad. Wahahaha! Hello new classmates and new friends! 🙂

+++

Nagmember ako sa Fitness First sa Rob. Mashado kasing enticing yung deal e, limited pa sa first 300 na magsasign up. :p ayun lang. Nung babayaran na, mom ko yung magbabayad. At aba! Naloko din ang nanay ko! hahahahaa! Nagsign-up din siya! Pero since dito siya sa QC nakabase, at hindi sa Manila…dun niya sa Fitness First sa ABS-CBN! Nyahahahaahaha! kasama niya sina Diet, Echo, atbp stars ng ABS! WAHAHAHA! (*if i know, kaya siya nagmember dahil doon.) mwahahahaha!

Ang hirap nga lang, ako ang magbabayad ng monthly dues. Putek…gotta save up!

+++

I’m moving to Rob Towers this June, in time for med proper. Imed pa rin ang roommate ko, at may unitmate kaming radiology resident sa pgh. Hehehe. Ayus, may kuya-kuyahan kami dun…mga mapagtatanungan ng mga bagay-bagay sa medschool. Wahahaha…

+++

Dami ko pang gustong ikwento…pero tsaka na. Hehehe. I think this is long enough for a back-to-blogging entry.

Kudos to all the grads! And to everyone else, have a meaningful Holy Thursday, Good Friday, Black Saturday and Easter Sunday ahead of you! 😀

update lang…

I’m currently downloading AVG Free, an anti-virus program. Apparently, Marley has been a host to much viruses for past few weeks and they fucked him all up…yeah. My Windows Media Player’s not working, some of my files are missing, and they even fessed up my good ‘ol Norton AntiVirus. Sayang, may isang taon pa naman ang virus definitions ko dun. Hehe. I’m switching to the free version of AVG na lang…at least libre.

The thing is, I’m at the dorm right now, na sapilitang nagdadwonload ng 10.3 MB na program gamit ang 56kbps dial-up. Nyahahaha…ayus diba? Antagal mehhhnnn…

Kaya ayan, I forced myself to whore myself to the world once again and write something here.

Gaya ng sabi ko, update lang ito. Marahil ito na ang last post ko before March 23…kasi eto ang sked ko for the following days:

3/12, Saturday – Biochem 4th departmental exam
3/12, Saturday – STS Paper writing
3/15, Tuesday – Natsci 50 Debate on X-Men
3/16, Wed – due: STS Research Paper
3/16, Wed – STS 2nd exam
3/16, Wed – FCH 101 final exam
3/17, Thursday – Zoo 30 lab 4th exam
3/18, Friday – Natsci 50 finals
3/18, Friday – Physics 52.1 finals
3/19, Saturday – Biochem 5th departmental exam
3/21, Monday – Physics 52 3rd departmental exam
3/22, Tuesday – Zoo 30 lec 4th exam

Ang saya-saya diba? Putek yan…nagpile-up na sila ngayong huling dalawang linggo!!!! Help me God, please?

*edited: Marh 17, 1:23AM. Hehehe…ang sarap tignan na marami nang natapos at naka-strike out. Nakakakalahati na kami sa requirements and exams namin. Ohhyeeeahhh…one test at a time. No apparently sa Friday, two exams. nyahahaha….Saya.

===

Updates? Updates…hmm, what have I been up to lately? Well, ummm…I was Marley-less for 3 days since Sunday up until yesterday. The adaptor of my laptop just stopped working as I was about to charge Marley last Sunday. Ayun, so my Ate had to go to Makati and pester Toshiba for a replacement. Aba! Under warranty pa ata ito…hehe. 😀 Thanks ate mi!

===

For the past schooldays, I’m able to sleep for at least 5 hours! Ohh yeah! Maganda na yun! Kasi ba naman, pagdating ko dito sa dorm from school, mga 8pm na, nag-aaral na ako agad. Tas makakatulog ako ng 10pm. Tas magigising, aral ng onti…tas iidlip lang dapat ng 12mn. Pero hindi…tutuloy-tuloy na siya, hanggang mga 8am! Hahahaha. Putek yan…ayan, di na ko puyat. Stressed naman ako ng umaga kasi nagaalala ako sa pagcacram sa mga hindi ko naaral para sa exams sa araw na yun. Bwahehehehe…huwag tutularan. 🙂

===

Last saturday, my groupmates in STS went to our house to write our research paper. We had 3 laptops, all the materials we needed, internet, Encarta, and whatnot…PERO…hindi pa rin kami nakagawa! Hahahaha…Nagmagic sing lang kami, then Kathy, Ants and I taught Dada, Maan and Abe how to play Mah Jong, talked a bit, wathced Drumline on DVD, and slept. HAHAHA. Did some progress happen on our research paper? Hahaha, apperently none. NYAHAHAHA….

Bahala na si Batman sa paper namin…hehe.

===

Kahapon, nag-skit kaming buong klase para sa FCH class namin. Super galing ng lahat ng groups! Hahaha, kahit na 1 araw lang ang preparation naming lahat, bumenta ang lahat ng presentations! For that, nais ko na talagang imungkahi na palitan na ang pangalan ng Intarmed from INTegrated liberal ARts – MEDicine to INtegrated Theater ARts – MEDicine. Bow. 😀 hehehehe…

Wala lang. Kapansin-pansin kasi ang hilig namin sa teatro, lahat kami pwedeng maging artista o direktor. Nyahahahaha. :p

the great depression

This is only my fifth post this month…hay buhay. Kahit na 19.5 units lang kami, kung ikukumpara sa 22 at 21 unit loads namin sa nakaraang dalawang sems, para kaming may 30 units ngayon! POtah…gaya nga ng sabi ni roni, eto daw pinakamahirap na sem sa intar…sabay-sabay kasi exams. Di tulad sa ibang sems, puro mid terms lang at finals ang inaatupag…dito, puro long exams. Ibigsabihin, may 4 hanggang 5 kang exams na nakaspread sa buong semestre…sa apat na subjects: Zoo lec, Zoo lab, Physics at Biochem. Idagdag mo pa roon ang FCH, IPC, NatSci at PE. putang ina, ayoko nang mag-aral…

Pagod na ako. Sana may mid-sem break.

pero patapos na rin naman kami…Kung tutuusin, last 3 weeks na ng COLLEGE ko ito. Oo, dahil pagdating ng June, nasa med proper na ako. Kung anong kinukuha ng karamihan na apat na tao’y, sa ami’y dalawa lang. Dalawang taong nagpapakatoxic, walang pahinga…kahit summer last year, nag-aaral pa rin kami ng Stat at Philippine Institutions. Ngayong summer lang kami magkakaroon ng break. Salamat naman….

Ang bilis nga ng panahon…dalawang taon na rin pala ang lumipas pagkatapos kong grumadweyt ng hayskul. tumatanda na ako, tanginangyan…mag bebente na ako sa novermber…hindi ko pa rin nararamdaman na matanda ako.

Bente, oo, dalawang dekada ng pagkabuhay sa mundo…*buntung-hiniga*

natatakot akong tumanda…ayoko pa. Pero gusto ko nang magtrabaho! Ayoko nang mag-aral. Shet, ang gulo ko naman. Hehehe…

Gaya ng sabi ni Robbie Williams sa interview sa kanya, “I could start a sentence and contradict myself 2 to three times when I end it.” Wala lang…hehee…naastigan ako sa kanya e, wala namang konek dito sa pinagsasabi ko. :]

Nadedepress ako noong nakaraang linggo. Hindi ako masaya, may paminsan-minsang mga ngiti, pero sa loob, malungkot pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit, pero may ilan akong mga hinuha…

1) Nabuburaot na akong mag-aral. Yung pagdating mo sa dorm, kakain ka lang, tas bubuksan mo na yung mga libro mo, tas dirediretsong aral hanggang mabagot ka’t makatulog sa desk, at magigising ka na lang ng 3AM *music: “It’s 3AM I must be lonely…”* nang masakit ang mata at ngipin dahil nakalimutan mong magtutbrush at magtanggal ng contacts…at marerealize mo, wala ka pa palang naaral talaga…

2) Namimiss ko na ang mga hayskul friends ko. Silang lahat nandun sa Diliman, nagsasaya kasama ang isa’t isa, habang ako, nagpapakatoxic sa Maynila. Hindi naman ako nakakadalaw dun, pano ba naman kasi ang sked ko, pag wala akong pasok, may pasok sila, pag sila walang pasok, ako meron. Ang saya…nakaumpucha…sana magkaroon uli kami ng party…..

3) Naisip kong marami akong gusto pang gawin…gaya ng: kumanta, kumanta habang nagigitara, magswimming, mag bungee jumping, magskydiving, pumunta sa US, sa thailand, sa China, sa Korea, sa France…gusto kong magmagic! gusto kong kumuha ng mga litrato, gusto kong sumali ng org, gusto kong maging student leader, gusto kong magrally laban sa UP budget cut, gusto kong magtrabaho, gusto kong magkapera, gusto kong magluto, magbake, magdrive ng motorsiklo, gusto kong magBLOG, magsulat ng nobela, magpiano, maglaro ng volleyball, magdirek uli ng PLAY! na hindi ko magawa ngayon dahil nag-aaral ako, nonstop, 24/7…ala-SUN cellular. Tangna…

Ayoko na talaga…putek yan. WAHHH…kill me now. :[

FAIRplay

*nararamdaman kong magiging photoblog na rin tong blog ko eventually, at tuwing bakashon lang ako nakakasulat ng matitinong posts…[sigh…]*

Noong Huwebes ng gabi, pumunta kami nina Tara, Ants, Kathy, Maan at ako sa UP Fair sa Diliman. Hehe. Tutugtog kasi yung 3 paborito kong mga banda ngayon na OPM, Moonstar 88, Sugarfree at Spongecola. 😀 Idagdag pa roon si Kitchie Nadal at ang shawarma na isa sa mga pinakapaborito kong meryenda. :]

Unang beses kong pumuntang UP Fair, kahit na buong buhay ko’y sa UP ako nag-aaral. Last year, hindi kami nakapunta dahil may exam yata kami noon sa Zoology 10. Pero ngayon, dahil may kotseng dala si Ants, at napostpone ang exam namin sa Biochem ngayong linggo…CHENEN! nagkayayaan kami sa FAIRplay, ang UP Fair 2005.

Beta Sigma Sorority ang sponsor sa araw na pumunta kami. Kinagabihan, (wednesday), Scintilla Juris Fraternity (frat ng dad ko). Nandoon daw yung buong pamilya ko nung Wednesday…nyahaha. :]

Pagdating namin sa fair, nakita ko si Mela na nakapila sa ticket line. Buti na lang, mahaba-haba kasi yung pila…kaya nagpabili na lang kami ng ticket sa kanya. Nandoon na rin sa loob ng fair yung dalawa ko pang kapatid…si ate mi, may booth, si Gerson, nandun lang. 😀 Hehe.

Nakakatuwa at napakaraming stalls o booths, ‘di tulad sa mga napupuntahan kong fairs dati (lalo na sa UP Manila at UPIS fairs). Maraming mga tinda, mga pagkain, mga damit, mga kung anu-anong mga abubot. Heaven na sa amin ni Maan yun…mahlig kasi kami sa mga Tiangge…WEEE…kaya madalas na nauubos pera namin…:] Ang masaya pa, nasasaliwan ng magagandang tugtog ang paglilibot mo. Tsaka may mga rides pa!

Sumakay kami nina Maan at Tara at Ants sa Octupus. Alam kong maraming mga nadisgrasya na sa pagsakay doon, pero whaddahell…experience din ito no! Masarap kaya yung feeling na binabalibag ka. Nakakatawa ding isipin na yung controls nito ay purong mechanical lamang, walang compu-computer! Nakita ko na yung control booth ay may dalawang metal levers lang na pinag-iiba-iba yung levels! Dapat pipikchuran ko, pero pinasakay na kami, kaya hindi ko na napikchuran…


Noong nasa taas na kami, (habang sumasakay pa yung ibang mga tao sa baba), nagpicture kami ni Maan. Hahaha. 😀 Dala-dalawa lang bawat karo sa ride, puro mga couples…Hehe. 😀 Wala lang.

Kung gaano man ka-low-tech yung Octopus, may hightech naman na screen dun sa may gilid ng stage! Astig! Pwede kang magsend ng picture o text via Bluetooth doon mismo sa screen at lalabas na in REAL TIME yung pic mo sa screen for all the people in the fair to see! Hehe. Nag pictire kasi kami nina Maan, Ants at Tara bago sumakay ng Octupus, at yun yung sinend ko…at chenen! Nag-appear nga! 😀

ASTIG talaga! So i tried sending more pics tulad ng solo pic ni Kathy, group pic uli namin, tsaka logo ng Intarmed. Ahahaha…putek…wala nang hiya-hiya! Kapalan na lang ng mukha ito!

Ayun, tas sakto…tumugtog na nang sunud-sunod ang mga paborito kong banda! Yey! Ganda ng timing! At putek talaga, idol ko na si Yael ng Spongecola! Kahit na sumigaw siya, at mag growl na at lahat…pagkumanta siya pagkatapos, hindi pa rin paos!!! Pulido at buo pa rin ang boses!!! Sobra, bileeeeebbb! 😀 At kinanta nila yung Lunes, na paborito kong kanta nila! OHYEAH. kewlness.

At wala pa ring tatalo kay idol Ebe sa pageentertain ng kanyang mga tagapanood. Hehe…gaya nga ng sabi ni Maan, performer talaga siya, hindi lang siya kumakanta…napapatawa pa niya ang lahat! Hehe. 😀 Astig! Yeyeye.

Si Kitchie, nung kumanta, naka T-shirt lang na white. Hindi baby-tee a…as in T-shirt na panlalaki. Gayunpaman, maganda pa rin siya at magaling kumanta! Kaya kahit nakat-shirt lang, OK pa rin! 😀

Moonstar, siyempre kinanta yung forever song na Torete, kahit hindi na sa krashable Acel ang kumakanta…hehehe. Sana magrelease na sila ng bagong album…para may bago akong bibilhin na CD. Hehehe.

Alas dos na nang umaga kami umalis, pagkatapos ng Sugarfree, kahit na pupunta pa kaming Manila Zoo ng 9AM ng Biyernes. Hehe. FIELD TRIP kasi namin para sa Natsci 50. Putek, Manila Zoo…ang saya-saya! :

Masaya yung gabin yun, lalo na’t dahil nakapunta akong fair kasama si Maan. 😀 Hehe, sana next year maulit uli yung pagpunta namin…at sa mga susunod pang taon…nga pala, monthsary namin ngayon, kaya ikaw na babae ka, kung binabasa mo to:


HAPPY 9th! Ambilis ng panahon…hehe. ;p

Yun lang po…may TEMPORARY quiz pa kami sa Zoo lec bukas. Hindi daw matutuloy pag behaved kami. (Para talagang Elementary amputa).

Sa Sabado naman, tuluy na tuloy na ang 3rd Biochem exam! Ang saya-saya!

buti na lang at walang pasok sa Firday! Yehey! 😀

Iba pang mga bagay:

  • nagpalit ako ng XP theme to Panther theme ng Mac. Astig! Ganda ng screen ko, tsaka ng icons tska ng mga kulay! Galing talaga ng Mac sa pagdedesign…hehe. Alam ko, mapagpanggap na ako…nyahahaha…
  • gaya ng sabi ko sa sideblog, nakabili na ako ng k-hon!!! yahooo! 😀
  • unang live performance ko sa med bilang percussionist noong Biyernes sa Acoustic Nights…hehe. 😀 mejo sumablay, pero kaya naman. 🙂
  • Ang labanan sa UPM USC Chairpersonship ay piangtutunggalian ng dalawang med students: si Nickson Austria ng Class 2009 at si Albert Domingo ng Class 2008. Hehe…world war na ito sa College. Hahaha…
  • nalaman ko lang last week na may libreng wifi access spot sa Med!!! Hehehe, ibigsabihin nun na kung WiFi enabled ang iyong gadget (laptop, o PDA), pwede kang magsurf sa internent nang libre. Kailangan ko pang bumili ng PCi Card para magwork ang WiFi nitong laptop ko, mga P2,500 yun. E dahil nakabili na ako ng khon (at pinabili ko yun sa tatay ko), eto na ang bago kong piang-iipunan. 😀 Para pagpasok ko sa med proper sa Hunyo, ready na akong magbabad sa libreng internet sa college! ASTIG!
  • May med mission kaming pinaplanong samahan sa Abra. April 16-20, hehe. 😀 Kung matutuloy kami, ikalawang immersion trip ito naming magkaklase…ang una bilang yung field trip namin sa Sto. Tomas, Batangas ngayong Miyerkules. Yay!
  • Tuluy-tuloy na ang mga interviews ng mga lateral na magiging kaklase namin sa med proper…hehe. 😀 Magiging kaklase ko ang ate ng highschool friend ko, o diba? Hahaha. 😀 Tas yung kaklase ko naman ngayon, magiging kaklase namin yung kuya niya! Hahahahaha…
  • May sakit pa rin ako, 2 linggo na. Hay nakooo….wowowowowowwwww….
  • Ang dami ko palang sinabi dito sa post na to no? Kahit na 3 na nang umaga…shet na malagket…sige, may PE pa ako ng 7am bukas. Paalam!

sick.raLd

i’m sick.

*ubo ubo ubo*

Noong isang linggo pa ito. Noon, hinog pa ang ubo…(ibig-sabihin, may plema…yaki) hehe. Pero ngayon, DRY COUGH. ugh. masakit sa lalamunan, tas kapag nagsasalita ka, tsaka ka lang ma-uubo. Hay nako. Buti na nga lang at ‘di ito nasabayan ng sipon.

*ubo ubo ubo ubo*

Katatapos lang ng 2nd exam namin sa Biochem. Ok lang, at least ngayon, dama kong mas marami akong nasagot kanina kaysa dun sa 1st exam. Pero hindi din ako ganun kasigurado. Ganun din feeling ko nung 2nd exam ko sa Gen Chem, leche…tumataginting na 54% ang nakuha ko. O diba? Hehe…gaya nga ng sabi ni Prof. Yao sa Organic Chem, “We’ll never WILL know!!!”

Sa totoo lang, marami naman talaga akong libreng oras ngayong linggo. Libre na ako ng Tuesday ng gabi. Pero pinagtyagaan ko pa ring basahin ang module sa Biochem, at kaunting hapi-hapi kasama si Maan my baby. Hehe. 😀 Kasi, naisip ko…sa buhay ngayon, di na pwede yung walang bahala lang pagdating sa pag-aaral…kailangan mo ding maghikahos, pero kasama din siyempre nun ang paminsan-minsang hapi-hapi! Hehe. 😀

Gere and LopezNoong Miyerkules, bagong salta na naman ang mga pelikula sa Rob. Nacancel yung 1pm class namin, at eto’t saktong nanlibre si Val ng movie! Hehe. Nanood kami ng SHALL WE DANCE? nina Richard Gere, J. Lo, at Susan Sarandon. Nagustuhan ko yung movie. Napaka-moving niya, at naiisip ko na naman ang aking passion sa pagsasayaw dati..*sigh* Masaya kayang mag-ballroom dancing, sa una akala mo madali lang, pero paginaral mo talaga, maiisip mo na skill iyon talaga na dapat mong idevelop…hindi lang siya basta-basta natututunan. Kahit na ayoko yung role ni J. Lo dahil super babaw niya at lahat na…all in all, yung message na gustong sabihin nung movie was really meaningful….bsata, panoorin nyo na lang. Sobrang OK yung ending, grabe…lalo na pag kasama yung background song na “the Book of Love” ni Peter Gabriel. *inlab si rald, pagbigyan…*

Feeling ko, pagtanda ko, mag-aaral na rin ako ng ballroom, at sana…ang kasayaw ko yung asawa ko diba? Hehe…para masaya! :]

Nagpagupit na rin ako sa wakas. Hehe. Patawad, at hindi ko din nasunod yung mga sinabi nyo…gustuhin ko mang pahabain ang buhok ko, sadyang hindi talaga ako gusto ng barbero…

Ang sabi ko kasi, “Manong, pakiiklian lang ho”

Barbero: “Ahh, ano ba? Shower cut?”

Ako: “Ahh, ano ho ba yun? Pakisundan na lang ho yung korte ng buhok ko, mas maikli nga lang ho, tsaka mas manipis…”

Barbero: “Ganun nga. Sige.”

Ako sa sarili: “Siyet, bakit ba kasi ako sa barbero nagpagupit? Mamassacre-in nito ang buhok ko!” [habang patuloy na nagdadasal na maganda ang kalabasan ng gupit barbero]

Pano ba naman, ayoko nang magpagupit sa Bruno’s o kaya sa Bench Fix dahil kapus na ang pera ko…kaya doon na lang ako sa P50 na gupit sa kanto ng Apacible at Agoncillo, sa malapit sa dorm. Paiiklian ko lang naman e…siguro naman kaya na nila yun diba?

BUT NO.

Gaya ng suspetsa ko, minsassacre ang buhok ko…nilabas ang pangshave…at unti-unting lumamig ang pakiramdam ng ulo ko. Senyas iyon na tuluyan nang naputol ang mga buhok kong dati’y nakatakip sa tenga’t batok ko. Potah…ayokong tumingin sa salamin nung una…natatakot na baka pangit ang kalabasan. Pero ano pa nga bang magagawa ko, naputol na e, wala nang atrasan ito pare.

Kaya hinayaan ko na lang ang tadhanang maghatol kung ano ang nararapat na bagong gupit ko. At eto ang lumabas:

Sabi naman ni Maan, ok sa akin. Hehe. Kahit pinagpipilitan kong mukha akong taga-militar. Hahaha. 😀 Ok na rin, kailangan kong tanggapin…najan na e. :]

ayun na lang muna. 😀 may mga kailangan pa akong gawin. skul stuff. :p

Blog at WordPress.com.

Up ↑