Search

The Surgeon's Logbook

surgery + medicine + photography + food + travel

Category

Intarmed

QC

Masaya ako. 🙂

Dumito muna ako sa kizon-siti ngayong gabi upang magpalipas ng ilang sandali sa aking pinakamamahal na bahay. Plano ko kasing mag-week-end stay sa Maynila dahil sa eksam namin sa Neurosciences sa Martes. Ang haba kasi ng coverage, humgit 7 lectures ang coverage, puro trans (transcriptions) na lang siguro ang babasahin ko…sana ayus na yun. 🙂

Sa totoo lang, OK na rin yung pre-med namin sa imed. Sapat na yung mga ZOO 10, 20 at 30, CHEM 40 at 31 para sa medisina. Ngayong binabalikan naming muli ang mga leksyong iyon, iniisip kong madami-dami na rin pala akong natutunan — mga kaalamang hindi pasok-labas lamang. Laking pasalamat ko sa mga naging propesor namin sa Zoology at Biochemistry, lalo na kina Prop. de Guzman, Prop. de Vera at Dean Nicolas. Da best talaga kayo! :p

Pero siyempre wala pa rin kaming laban sa alam ng mga BS Pysch sa Neuroanatomy. Bwehehehe…sila ang mga diyos at diyosa ngayon. :]

+++

Huling linggo na namin ng pagsusuot ng sibilyan sa susunod na linggo. Sa ika-4 ng Hulyo kasi namin unang isusuot ang aming mga uniporme. Naeexcite ako sa pangyayaring iyon, matagal-tagal ko na rin kasing inaasam na magsuot ng unipormeng puti, simula pa nang pumasok ako sa kolehiyo ng medisina. Para kasing mukhang kagalang-galang kapag suot mo yun e, parang hindi ka na pwedeng mag-asal bata, o kaya’y maging pilyo. Kailangan mo nang maging parating malinis nang hindi ito madumihan. Kapag suot mo yung uniporme, para kang magiging isang bagong tao. Sa totoo lang, noon ko lang siguro mararamdamang ako’y isang nang ganap na med student. 🙂

Pero sabi ng ilang upperclassmen, masasanay ka din. Sa una, siyempre excited ka, pero ‘pag lumaon, magsasawa ka na at mas gugustuhin mo na ang mga weekends kung saan pwedeng pwede ka nang magsuot ng sibilyan…

Ha ewan, basta ngayon, excited na ako. 😀

Madetalye talaga ako nung pinapagawa ko yung uniporme. Ayoko kasing pangit ang sukat sa akin. Lahat ng sukat, sinisigurado kong tama. Naisukat ko na yung unang gawa ng mananahi pero hindi tama yung mga sukat. Ang tagal kong nagpapabago ng lalim ng leeg, kapit sa katawan, luwang ng bewang at manggas, bagsak ng pantalon, at iba pa. Mariin ko ding pinapaalala sa mga mananahi na ingatan ang uniporme ko, na gandahan ang pagkakagawa. OC na kung OC, pero maging sa kaliit-liitang kalahating pulgada’y tino-toxic ko pa rin.

Sa Lunes ko na makukuha ang aking uniporme, limang pares iyon lahat-lahat. Sana naman, lahat sila’y magaganda ang pagkakagawa…

PS. Dibale, pag nakauniporme na ako, magpapapiktyur ako. Hehehe. 🙂

+++

ISANG SURVEY PARA SA MGA MAY BLOG:
Take the MIT Weblog Survey

+++

Bisitahin nyo rin ang aking LJ account. 🙂 Hehehe, it’s up and running!

+++

POP

DADA: May kaklase kasi kaming ang pangalan ay Dada. Lagi siyang najejebs habang nasa klase kami. Nakasanayan na naming tawagin ang jebs bilang dada, alang-alang kay Dada. Kaya kapag ako’y nadadada, ako’y najejebs o natatae. At iyon ang pakiramdam ko ngayon. :]

Iginuhit ko ang larawang ito sa placemat ng Burgoo sa Podium kung saan kami nag-date ni Maan noong pumunta kami sa Fete 2005 noong nakaraang June 18. Napakadami naming kinain, at hindi ko napigilang magparaos ng sakit ng tiyan sa pampublikong palikuran ng Podium, hehehe. Paumanhin sa sinumang makakabasa nito. >:)

Advertisements

Surviving this Situation

Lol.

I received this email from gdwn thru our batch’s egroups.

Hilarious, I tell you. Corny, but hilarious. 😀

Enjoy!

How will you survive this situation?

think reaaaallly hard before clicking

HERE

for the answer.


Hehehe. Cge na, tawa lang. :] Mautot ka pa jan e. 🙂

This is dedicated to Gillian Michele btw, who’s celebrating her debut in Cagayan de Oro tonight!

Happy Birthday Gill!

+++

My imed classmates and I went to ATC kanina and watched CAN THIS BE LOVE! Hahaha. 😀 Nice summer gimik!!! I would like to express my deepest gratitude to Anthony for your magic van. 😀 It was nobody’s fault that all our cars (Abe’s, Kathy’s and mine) have plate numbers which end with 7 or 8. Next time, no more Thursday gimiks ayt? Hahahaha. 😀

Triple dates aren’t bad after all. Wahahahahaha!!!

+++

POP

El gimikeros at the ATC: Abe, Maan, Kathy, Tara and Ants. :] Gerald behind the cam.

Mindanao: Cagayan de Oro!

April 19-22: Cagayan de Oro

Unang taon pa lamang kami sa kolehiyo, nagpaplano na kami ni Gideon na pumuntang Mindanao. Dapat noong sembreak noong first year namin kami pupunta sa Davao. Makikitira dapat kami kina Lyle. Ngunit hindi kami natuloy. Naging roommates kami ni Gideon, at maraming beses na naming napag-usuapan muli ang pagtuloy sa isang trip sa Mindanao, pero dahil sa kakapusan sa oras at pera, hindi pa rin kami matuloy-tuloy.

Dumating din ang katapusan ng ikalawa naming taon, at muling tinanong ako ni Gideon kung gusto ko bang ituloy yung plano namin dati. Tutal, wala na naman kaming gagawin ngayong bakashon. I answered him with a resounding…

Waynaaatt???

Kaya ayun, pinlano na namin. Umisip kami ng tamang petsa para sa pagpunta. Pero hindi na sa Davao, kundi sa Cagayan de Oro.

Bakit nga ba doon?

  1. Gusto naming i-try ang white whater rafting! Hehehe! Masaya yun! Adventure buffs pa naman kaming pareho.
  2. Masarap daw pagkain doon…for some reason. 😀
  3. It’s friggin Mindanao! The southern most part of the country we both have been too was Bohol lang, Visayas lang. E dahil masyado naming mahal ang ating bansa, at gusto naming pataasin ang turismo dito…gusto naming pumuntang Mindanao! Kahit saan sa Mindanao!
  4. At dahil may kaibigan kaming doon nakatira, si Gillian. Kasi nga naman, kailangan namin ng translator. Mejo lang naman purong Tagalog kami ni Gideon (siya Laguna, ako Bulacan at Nueva Ecija).
  5. Nais din naming maging kinatawan ng aming mga kaklase sa nalalapit na debut ni Gillian doon. At least diba, may nakarating, kahit na advanced ng isang linggo (April 29 kasi ang debut niya).

Nagyaya na rin kami ng iba pang mga kaklase. Si Abe ang sunod na sumama. Pagkatapos, si Maan na rin (na mirakulong pinayagan!) kasama ang kanyang batang kapatid na si Tinton. At kaming lima ay tumungo na sa CGY de Oro isang Martes ng umaga.

tinton (maan's brother), maan, gideon and abe sa tabi ng eroplano sa CDO tarmacPaglapag namin sa tarmac, pikchuran agad ang naisip namin. Kaya naman chenen! marami kaming litrato jan sa tarmac ng airport sa Lumbia, Misamis Oriental. Yung airport ng CDO, wala sa city, nasa bundok. Kaya nga nakakatawa pag pa-land na yung eroplano, akala mo ang taas-taas mo pa dahil nasa may bundok ka pa, pero bigla mo na lang mararamdaman na lumapag na pala kayo. Galing!

Shalo-halo sa bukoinundo kami sa airport ni Gillian at dinala kami sa bahay ng lola niya. Iyon ang magiging HQ (headquarters) namin sa susunod na apat na araw dahil hindi raw kami kasya sa bahay nila. Pagkatapos noon, pumunta kaming Jo’s Chicken Inato at doon kumain ng napakasarap na inihaw na chicken. Sa totoo lang, may Jo’s din dito malapit sa bahay, pero iba pa rin ang pakiramdam kung sa bagong lugar ka kakain! Mas masarap! 😀 Kumain din kami doon ng napakasarap na halo-halo na nasa bao ng buko.

Matapos noon, kami ay nagswimming sa clubhouse ng Xavier Estates. Nagalak ako dahil may mataas na slide doon parang sa Splash Island. Hehehe. Tsaka noon na lang ako muling nakalangoy sa swimming pool. Sayang wala akong litrato doon. 😦 Naglaro din kami ng billiards at table tennis. Pagkatapos, dumaan kami sa SM Cagayan de Oro, nagtingin-tingin ng mga bagay-bagay at umuwi na rin.

Sa mga panahong iyon, na-aamaze ako kung gaano katulad ng siyudad na ito ang Maynila o ang anumang siyudad sa NCR. Ganun na ganun din, may traffic, may suburbs, may mall (tatlong mall nga e, Gaisano, SM at Limketkai), may taxi (na kung tutuusin mas asenso pa kaysa Maynila dahil may mga taxing Altis at Sentra dito), may motorella, jeep, at iba’t ibang mga industriya. Hindi gaanong pangunahing industriya ang turismo sa CDO. (Hindi tulad sa Boracay, Baguio o kaya sa Tagbilaran kung ikukumpara). Ang mga bilihan ng pasalubong ay nasa mga mall, wala sa mga stalls. Ang mga tao ay halos puro Bisaya, kaya kung kakausapin mo ng Tagalog, Bisaya pa rin ang ibabalik sa iyo. Mas mainam nang kausapin mo ng Ingles para magkaintindihan kayo. 😀

Butcher's Best BarbequeSa Butcher’s Best Barbeque kami kumain ng hapunan. Buti naman at swak na swak ang pangalan nila sa inihahanda nilang pagkain! Tunay ngang masarap ang kanilang barbeque. Masarap din ang kanilang sisig! Wahh! Wala na lang akong ibang ginawa ngayong summer kundi kumain ng masasarap! Grabe…

Isang text ang gumising sa akin kinabukasan. “May bago nang pope!” Ayus. Si Ratzinger naging pope habang nasa Cagayan de Oro kami! We’ll forever remember this trip kasi kapag kami tumanda, at tinanong kung kelan na-elect si Pope Benedict XVI, well, we can all just easily remember…“ah, yun yung nasa CDO kami nung mga kaklase ko…” Nice. 🙂

cave trippin! gideon, tinton, maan and abeNoong susunod na araw, kumain kami ng breakfast sa McDo. Naghanda na rin kami para sa isang umaatikabong adventure sa white water rafting! Sinundo kami ng jeep na may dala-dala ng mga gamit pang rafting ng 9AM ng umaga sa may Mcdo. 45 minutes kasi ang drive papuntang drop off point. Pero may sidetrip pa muna sa isang Nature Park. Doon ako nag-rapell (tsaka na ang litrato nito) sa isang punong napaka taas! Mga 50ft siguro yun! Pagbaba ko, nandoon na ako sa may mga kweba. Grabe, ang ganda doon sa baba! Sina Maan bumaba na rin pero dumaan sila sa hagdan. Yung mga litrato dito, susunod na, nandoon sa digicam pa e.

tinton, gideon, maan and abe sa tabi ng unang rapidsSa wakas at narating na rin namin ang drop off point. Nagsuot muna kami ng gear, tapos tinuruan ng rafting basics, tsaka pa lang kami sumampa sa aming mga rafts. Maliban sa aming lima, may tatlo pa kaming kasama pero doon sila sa isa pang raft. Sa raft namin, may tatlo kaming guides, 8 kami sa raft.

Labing-apat ang lahat ng rapids, at sa pagitan ng mga ito, may mga sidetrips pa. Una na doon ay ang bridge jumping. Tumalon kami mula sa isang tulay, mga 20-30ft siguro ang taas mula sa tubig. Nakakatakot noong una, at aakalain mong napakababa lang nung tatalunin mo. Pero ‘pag tumalon ka na…grabe! Parang ang tagal mong nasa ere! Hindi naman nakakatakot malunod dahil naka-life vest naman kami e. Sususbukan dapat namin ni Abe na mag-tumbling sa aming pangalawang talon. Nauna siyang sumubok, pero sumobra ang kanyang ikot at naunang tumama sa tubig ang kanyang mukha. SAKIT!!! Hindi ko na sinubukang magtumbling at tumalon na lang ako nang regular. Hehehe.

Minsan din kaming pinayagang magpaanod sa current sa mga ripples (maliliit na rapids). Masaya! Para kang nasa wahsing machine at dinadala ka sa iisang parte ng tubig. Nakalutang naman kami dahil may life vest nga, kaya walang takot. 😀 Ngunit si Maan, noong panahon na ng pagbalik muli sa raft, mas lalo nang naanod papalayo sa amin! Hahaha! Kaya kailangan pa namin siyang i-rescue at hilahin paakyat sa raft! Para kaming may nahuling isang sirena! :]

during one of the dry parts of the adventure. Masaya talaga kapag dumadaan kami sa rapids! Para kang nilalamon ng mga alon na naglalakihan! Minsan na akong napahiga sa lakas ng tama sa akin ng tubig, pero masaya naman! Hehehe. Maganda at malinis yung tubig. Maganda ding makita ang pagkakaiba ng malalim at mababaw na tubig. (Ang malalim, walang ripples sa taas, ang mababaw, maalon ang ibabaw).

Isa pa sa mga sidetrips namin ay tinatawag nilang “Snake Preview” (kung ikaw ay mejo slow, ito ay hango sa katagang “Sneak Preview”). Isa itong stretch ng wall ng bato sa kanang dako ng ilog. Ang wall na ito ay puno ng butas, pinamamahayan ng mga ahas! Bago kami pumunta rito, tumama kami sa isang bato at muntik na daw mabutas ang aming raft. nagalit tuloy yung guide namin. Kaya ayun, sa Snake Preview…pilit siyang humanap ng ahas at hinuli niya ito!

PUTANG-INA! May phobia ako sa ahas at sa kahit anong reptiles!!!
PUTANG INA TALAGA!!!!!!
ILAYO NYO YAN SA AKIN!!!!!!!!

Sigaw ako nang sigaw doon! Nagnanais na nga akong tumalon sa tubig lalo na sa tuwing inilalapit sa amin nung guide yung kulay-tsokolateng ahas! Tang-ina! Kami ni Abe doon mukhang tanga! HAHAHAHA! 😀 Ansarap na lang tawanan ngayon, pero noong mga oras talagang iyon, kulang na lang himatayin ako! Tang-ina shet talaganga yan fuck fuck fuck!!!! Hanggang ngayon kininilabutan pa rin ako sa pangyayaring iyon. Hindi ako galit sa guide, hindi naman nila kasalanang may phobia ako. At least diba may excitement yung trip namin, ay may maalala akong napaka-hmm…vivid sa adventure na iyon.

Gandang SNAKE PREVIEW talaga ag pangalan.

Matapos kaming takut-takutin ng guide, pinakawalan na rin niya yung ahas. Aba! Kaya pala nitong lumangoy sa tubig! Para siyang nagski-skid sa ibabaw ng tubig patungo sa pampang. FUHREAKKKKYY MEEEHHHNNN!!! Hindi na ako muling lumabas sa raft magmula noon.

isang bato na nagbabalance mag-isa! astig!!! walang glue na nakalagay jan a!Tumungo rin kami sa isang cave, nagpeople power patulay sa isang rumaragasang ilog (para hindi kami matangay ng anod). Pumunta din kami sa pampang na maraming mga bato. Doon, may mga batong naka-balanse lang sa isa pang malaking bato nang walang pandikit! Astig nga e! Tignan nyo yung litrato sa kaliwa. Galing no?

Sa huling dalawang rapids, pinayagan na kaming tumayo ng aming guides. Ansaya! Para kaming mga hayok sa adventure!

Hindi ko pa rin nakakalimutan yung ahas. 😦

kami at ang aming raft matapos ang biyahe pababa sa ilog ng cagayan de oro. amoy life jackets na kami, kadiri!!!Natapos ang aming adventure nang wala man lang magandang finale. Bigla na lang natapos. Ayun. Hehehe. Nagsibilihan kami ng mga souvenirs, mga t-shirts at necklace.

Kahit gaano kasaya ang aming naging adventure, nalulungkot din ako dahil may isang casualty:

shades for the longest time

Nakakaiyak. Hehe, joke lang. Naaupuan ko kasi sa raft nung oras na takot na takot ako sa ahas! Hehehe. Itong pares kasing ito ay isang taon na ang tagal sa akin. Napakaraming lugar na nitong napuntahan: Subic, Banahaw, Baguio, Manila, Quezon City, Marikina, Pasig, Tagaytay Highlands, Canyonwoods, Tagaytay, Boracay, Batangas, Sta. Rosa, Calamba, Sto. Tomas, Makiling, at siyempre Cagayan de Oro. Marami na ring akong litrato na suot ko siya, ang pinaka una ay ito:

subic field trip, maan, ako, abe & ants (sa likod) and me

Sa Subic yan, nung field trip namin doon para sa Zoo 10 (Feb 29, 2004). Bumili kasi ako ng bagong shades para doon, ay iyon nga yung shades ko na nasira. 😦 kakalungkot. May it rest in peace.

O nga pala, nagtaping si Charlene Gonzales – Mulach doon sa Cagayn de Oro habang nandoon din kami para dun sa At Home Kayo Dito na show niya. hehe. Sayang, di namin siya nakita. :]

Habang hinihintay namin sina Gillian para sunduin kami, nakita ni Tinton na may nagaganap sa tabi niya. Jueteng operation pala. Hehehe. Pinikchuran namin, pero mejo hindi kita.

jueteng!

macumba signPumunta din kaming Macumba bar noong gabi. Nakinig ng Pop-Rock DAW, pero tunog POP lang. Aysus. Pumasok kami dahil akala namin yung mga tugtog mga Sugarfree, Bamboo, Rivermaya, ganon. But no. Plano nga naming magrequest ng Mariposa ng Sugarfree, titignan namin kung makakanat nga ng banda. Pop-rock pala ah. *lol*

adobong sea shells na may laman! masarap! ito ay sa may talisayanKinabukasan, pumunta kami sa Duka Beach Resort. Iyon ay 2 hours mula sa Cagayan de Oro at nafeature din sa show ni Charlene! Hehehe. Doon kami nagbeach, sumakay ng canoe at kayak, at nagtitingin-tingin ng mga isda. Nakita namin yung parang Dory na isda, at isang starfish na blue. Nakakita din kami ng mga crablets at iba’t ibang klase ng corals. Dapat magsosnorkeling kami, pero naubusan na kami ng oras. Hehehe. Kumain kami sa isang parang dampa, kung saan pipili ka lang ng seafood tas ipapaluto mo sa kanila. At doon namin unang natikman yung adobong seashell (see pic). Para siyang kuhol, pero malaki!!! Grabe. kakabusog! May inihaw pa na isda at sinigang na panga. SARAP!

Namili na rin kami ng mga pasalubong noong araw ding iyon. Nag-uwi ako ng siniguelas, bulad (parang daing), dilis at mga t-shirts. Kinagabihan, nagkaroon ng munting salu-salo sa bahay nina Gillian kasama yung mga highschool barkada niya. Saya! 😀 Sarap pa ng litson.

Nung gabi, nanood kami ng AI. Putek yan, natanggal si Anwar! Siya pa naman ang gusto ko sa kanilang lahat. ARGH! Bat hindi na lang si Anthony o kaya si Scott! ARRRRGGGGHHHH!!!!!! Hindi dapat si Anwar, maganda talaga boses nyaaa! as in! Harump.

mga hindi naligo...yakiii!!!!Oras na para umalis kinabukasan. Mejo late na rin kaming nagising. Nagsimula na ang liguan, at nagpahuli na akong naligo. At aba, naubusan pa ng tubig! hehehe. Ayun, kaya kami ni Maan, yung mga huling naligo, hindi na nakaligo. Konting wisik wisik lang, at pabango, solb na! Bwahahaha.

Pagkasundo sa akin sa airport ng ate ko, nagpahatid ako sa SM North. Bakit? Dahil may pupuntahan pa ako. Hehehe. Kung ano? Sa susunod na lang na entry.

Ang saya-saya ng Cagayan de Oro trip. Lalo na’t dahil kami-kami lang ang pumuntang magkakaibigan. Walang parental supervision o kung anuman. Ang saya-saya talaga! Yehey! Sana maulit ang mga ganitong klaseng outing sa mga susunod pang taon naming magkakasama! :p

-end-

Off to Cagayan de Oro

yeyeye! I’m off to Cagayan de Oro with my imed friends this morning! Hehehe. 9Am yung flight at 1:30 na, di pa ko natutulog.

I am supra todo grabeeeeennnggggg happy ngayon. AS IN. Wala lang. :] Basta, SUMMER HAS FINALLY BEGUN! 🙂

I’ll be gone for four days. Sabi ni Gillian, white water rafting namin ay Wednesday. Tas sa Thursday beach daw! YAHOOO! 😀 hehehe. ayus! I’ll be with Maan, his brother Tinton, my future roommate Abe, and my old roommate Gideon! Hehehe. Tas yun nga, kasama namin si Gill, who’ll be our host for the next four days! YEYEYE!

I still can’t stop smiling! GRABE! Ang saya saya ko talaga!!!! WAAAHHHHHHHH!!!!! Finally, it’s done…sana wala nang hahadlang pa sa summer vacation ko!

Hehe. Ang schizo nitong post na to. papalit-palit.

Deng. Di ko pa naayos yung summer edition ng T&B (Toxicity and Beyond). Nyahahaha…after na ng CDO. :]

Chige, gotta have some sleep. Nantook na din ako, finally.

+++

Nakakatawa talaga yung show sa Disney Channel na My Wife and Kids. Hehehe! Sobre-sobrang bumebenta sakin yun, kahit na anong episode! Parang Friends. Hehehe.

Gusto ko lang ishare yung sinabi nung pinakacute na bunsong bata nang tanungin siya ng nanay niya ng “What are you up to baby?”

“I eat, and I poop, that is all I do!”

Hahaha! Basta, ang cute kasi dahil ang witty witty nung bata kahit mga 8 years old pa lang siya. Hehehe. Well, siguro kung ako ang tatanungin nung nanay ang sagot ko, “I eat, I sleep, THEN I poop.” Ayus!

+++

POP (Pic Of the Post)
-ngayon, susubukan ko nang maglagay ng isang picture sa bawat post ko dito. Para maging blog-slash-photoblog na rin ito. Pero yung pics dito, not necessarily artsy a…camera phone lang kasi ang gamit ko. :]


My cousin Ayen, me, and sister Mela during the debut of my cousin Mira last April 16 at the Patio Ibarra, Quezon Ave. The place was fine, the food was even better. Yumm! 😀

Kwentong EpEx

Kanina, pauwi ako galing sa UP Manila, sumakay ako ng FX. Habang masaya kong kinakain ang Avocado Ice na tinake-out ko sa Ice Monster, may sumakay na isang kolehiyalang may kausap sa cell phone. Maganda, maayos ang pananamit, at Inglesera.

Kolehiyala: Manong, here o.
Manong: San ‘to?
Kolehiyala: (tigil muna sa kausap sa cell phone) EDSAhh pohh. (pronounced edsuuuhhh pohh)
Ako: (sa sarili) Aba, okey to a…conyo in da house!!!

Habang binabaybay namin ang Quezon bridge patungong Quiapo, biglang pumreno si Manong driver! Montik na kasi kaming mabangga!

Ako: (biglang kumapit sa sabitan)
Kolehiyala: ANAK NG PUTANG INA!!!
Ako: nyi!
Kolehiyala: (wa-poise) Ay sorry po. (sabay tawa…)
Ako: *tawa tawa tawa*

hehe, un lang. :p Ang saya talagang sumakay ng FX! *lol*

+++

Papuntang UP Manila, bus naman ang sinakyan ko. Hehe. Siksikan na e, pero nakaupo naman ako sa may EDSA na. Pagdating sa may Banawe, may sumakay na matandang babae at wala siyang maupuan. Tumayo ako at binigay sa kanya ang upuan ko. Masarap talaga ang pakiramdam kapag may ginawa kang maganda sa kapwa. 😀

+++

Next trip out of Manila? Cagayan de Oro! WAHOO! April 19 hanggang 22. Kina Gillian kami titira at mag wa-white water rafting kami doon sa Cagayan de Oro River! Nice eh? Mini-imed outing ito dahil bukod sa amin ni Gideon, sasama na rin si Maan, Abe at si Kathy. Hehehe. Ayus! :p

+++

Ako’y kulay tsokolate na talaga. Hehehe. Tas may shades “tan-line” ako sa mukha. Nyahahaha! (Dat may itawag na sila doon e). Para akong may “invisible” shades dahil may lighter na part sa sa mukha ko dahil sa pagkakabilad sa araw habang nakasuot ng sun glasses. Wahehehe. Babalik pa kaya ako sa dati kong kulay?

+++

Wala na akong oras para palitan itong layout ko. Hehe. Ok na yan, bahala na. Gumagana pa naman e.

bits and pieces

I’m off to Tagaytay later this morning! Hehe. Raracket ako sa wedding photography business ni ate mi at kuya lem. Nyahahaha! Hmm…they promised me P1000 for my services, but I told them it really depends on how many muscles i’ll strain or how much i’ll sweat. Rayt?
 
Physical Exam
Wednesday was a blast! Dumaan ako sa pagkahaba-habang traffic sa C5 at sa EDSA para lang sunduin si Maan in Sta. Rosa at bumalik sa Maynila para umabot sa 11am na cut-off sa physical exam schedule ko sa PGH. Hehehe. Ayus! Dumating kami sa Health Service ng 10:55, nung una ayaw na akong bigyan ng PE form ng nurse, bumalik na lang daw ako ng 2pm! HAYNAKO! gigimik nga kami, di yun pwede!
 
Kaya nagmakaawa ako.
 
Sinabi ko luluwas akong probinsya nung araw na yun at hindi na ko uli makakabalik sa Maynila. Tinanong niya kung saan ako luluwas. *At dahil galing akong Sta. Rosa kinaumagahan, naisip ko…LAGUNA!*
 
Siyempre, bumenta! Yehey! Pinag-PE din ako.
 
Dali-dali kong finill-outan yung form. Montik ko na ring makaligtaan ang pinakaimportanteng kataga sa form na iyon:
 
“I refuse to undergo rectal and genital examination. Thank you.”
 
Buti na lang at pinaalala nung nurse. Hehehe.
 
Homecoming
Pagkatapos kong magpaphysical exam, pumunta kami nina Maan at Kathy sa…GREENHILLS! Hehehe. Matagal na rin akong hindi nakakapunta doon! Huli kong punta ay nung 4th year highschool pa ako. (Well, actually pumunta ako doon nung Octobver nung nanood kami ng Cabaret ng nanay ko, pero gabi yun e, di bukas ang tiangge.)
 
Noong huli akong pumunta doon, sinabi ko na babalik ako dun pag marami na akong pera. Kasi nung pumunta ako noon, wala akong dala, nagkayayaan lang kami ng mga kaibigan ko. Hindi na ako nakablik mula noon.
 
Kaya ayan, nung nandoon na ako, hindi na ako nagaksaya ng panahong isipin pang “makakabalik pa naman ako dito, kaya di muna ako bibili.” Kaya, chenen! Nakabili ako ng isang pares boardshorts na magagamit ko sa Boracay! Yahoo! 😀
 
Para sa karagdagang impormasyon sa aming gimik, basahin niyo na lang ang blog ni Maan. 😀
 
Nyahahaha! Agad ko ring nabawi ang iniisip kong hindi  na uli ako makakabalik sa greenhills…kanina lang dun kami galing nina Mela at Ate Mi! At…chenen! Bumili ako ng bagong sandals/slippers na gusto talaga ni Maan para sa kanya pero ako pa yung unang nakabili, hehehe. Havaianas Surf! Hehe. Akala ko kasi doon lang nabibili yun e, kaya dun kami pumunta.
 
But no! Pagpunta namin sa Podium (dahil may gazillion meetings si ate mi doon) Aba! binebenta din pala ang havaianas sa Celio, Gas, Sessions, at may isa pang store na hindi ko na maalala. Wala lang…summer na summer na talaga ngayon!
 
Kumain ako kanina, mag-isa, sa Pinoydon sa Podium, kasi iniwan ako ni Mela dahil may sinamahan siyang boylet. Asus! Si ate mi naman nakikipagmeeting. Nakakainis pala mag-mall mag-isa no? Hanakngtokwa, naubusan pa ako ng battery! Panic naman ako kaagad. Buti na lang at alam ko kung saan nakikipagmeeting si ate mimi at pinuntahan ko siya agad doon.
 
Buti na lang at hindi ako sa Megamall o kaya sa Festival nawalan ng battery! Baka makarinig ang mga shoppers ng:
“Calling the companions of a lost boy, wearing a yellow shirt, blue shorts and green havaianas. Please proceed to the customer service counter. Thank you!”
Hehehehe. Ayus!
 
Boracay  
Sa Sunday na ang alis namin to Boracay, aka Bora! Yahoo! 😀 Wala lang. Ibigsabihin, hiatus na naman itong si blog ko. Hehehe. Parang di na to nasanay.
 
 

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑