Search

The Surgeon's Logbook

surgery + medicine + photography + food + travel

Category

Favorites

My Pummelvision

Tried pummelvision.com where you get to create your own slideshow from all the photos you’ve uploaded from either flickr or facebook. It’s amazing. 🙂 You get to have a short but sweet trip down memory lane! Arranged pa siya according to the date you’ve posted the album…so kung regular poster ka, talagang chronological ang pagkakasunod-sunod! =)

Advertisements

I am Happy

Lately I’ve been feeling a little bit confused over my BIG life decisions coming my way. For the last 7 years, I’ve been confined only to the walls of UPCM and PGH just living my life determined ONLY by a very small box I ticked when I filled up my UPCAT application form last August 2002. I think the last MAJOR MAJOR decision that I made that made me a more specific person in society was to pursue the interview for Intarmed. I told myself then that if I didn’t make it, then medicine is not for me. But I did. And out of pure jest, I accepted my life and just went with the flow for the past 7 years…

Now that it’s all over, I’m at another MAJOR MAJOR crossroad. Last week I passed an application form for Surgery residency in PGH. How I made my decision is a another story on its own. On one hand, I amused myself with going into Pediatrics — the easier way since my mom is a Pediatrician. On the other, of course, I wanted to pursue a career I’ve been dreaming of since I first laid my eyes on FHM our first lecture in surgery.

Pediatrics was my actually first love, and when I entered medicine in 2005, that was my goal. Eventually, the crying kids and disrespectful mothers caught up with me, and soon I found myself liking surgery more and more.

Training in surgery is great, and the lifestyle of a surgeon fits my personality more. I really want to become a surgeon, but it’s the long, arduous, and hardcore training years is what I’m reluctant to go through. Practice wise, I’m definitely going to have a DIFFICULT time establishing my own practice. Definitely NOT the easier path.

Until that day in PGH when I finally filled up my application form, I prayed and heard a voice in my head to tick “[ ] Surgery”. The hesitation was definitely there. Up until recently, especially that the entrance exam is about to take place in 2 days, my head is still in a blur. Am I ready to make THIS decision? A decision that I should NEVER EVER regret for the rest of my life? Is this what I really want? Will I be happy?

Then I read Kathy’s blog, and then Ivy reblogged the article below, and I began to enjoy reading Schwartz, and so many people affirmed my decision to pursue surgery…

I think I am happy. I should be. 🙂

What is happiness anyway? It hit me across the back of the head like an angry parent. There I was, minding my own business, wallowing about in a mopey state of woe at my dissatisfaction with my own life, when reality bit me fair on the butt. Hard. I regularly bang on (and on, and on) about the importance of independence, that is, not seeking a partner to complete ones-self, but rather, ones who complements us. I rant on about the importance of goals, incremental personal … Read More

via View from Wit’s End

Welcome to Toxicity and Beyond!

Hi! Welcome to Toxicity & Beyond! Here I’ll be posting pictures, stories and videos of my day to day experiences – through defeat, triumphs, frustrations and fulfillment – of my forever toxic life, so I can easily remember them even when I already have children (or even grandchildren).

I’ve started blogging since 2004, but due to the hectic schedule of med school and other obligations, I’ve been in a long standing hiatus from the blogging world. I’ve since maintained a Multiply site instead to serve as my photo and blog dump. But now, I’m trying to rekindle my lost passion to share stories online. Para din may mapagtawanan ako after ilang years, like how I laugh at myself reading my old blog entries.

So I hope you enjoy! Thank you for visiting Toxicity & Beyond!

Isang Pitik

In this blog, I used to have a list of all the things I had to do or go to. That was my way of keeping me on-track, and so that people would know what I’ve been up-to lately, well…even for me.

Sa sobrang daming mga bagay na nangyari at napuntahan sa mga nakaraang panahon, halos wala na akong matandaan.

Kung hindi ko nakita na naisulat ko pala dito *turo sa baba* na pupunta ako sa Dagupan two weeks ako, at pupunta kaming Bolinao last weekend at marami pala akong mga kailangang gawin, hindi ko maalala na nagpunta pala akong Dagupan two weeks ago, nagpunta pala akong Bolinao last weekend at na marami pala akong nagawa na.

Sobra na ba? Ulyanin na ata ako.

Sana’y hindi ito senyales ng katandaan. Bata pa naman ako. Kahit na med student, pitong taon naman ang med school ko. 😉 Siguro’y dahil masyado lang akong okupado sa mga ginagawa ko sa kasalukuyan, na kahit ang mga sandaling sana’y madali sanang tandaan ay nakakalimutan.

Gaya na lang kahapon. Nagkita kami ng kaklase ko sa isang padevelopan ng mga litrato na itatago na lang natin sa pangalang Photoline. Hehe. Nagkamustahan kami ng mga lakad sa summer. Kababalik lang daw niya kasi mula sa isang family-trip abroad, hindi siya updated sa mga lakad ng mga tao. At nung oras ko nang mag-share ng mga naging lakad ko, nahirapan ako. Parang hindi ko masabi sa isang pitik ang lahat ng mga nagawa ko. Kahit na alam kong marami akong tuli missions na pinuntahan, mga planning seminars kung saan-saan, mga beach, mga party at kung anu-ano pang lakad, hindi ko ito nasabi sa kanya.

Kaklase: You? How was your summer?

Rald: Ah, masaya naman. Daming mga lakad, hindi ko na nga matandaan e…

Kaklase: I see, i see…

Rald: (biglang may naalala) Ah, nanggaling nga pala akong Dagupan at
Bolinao two weeks ago!

Kaklase: Ok. Good..What about tomorrow?

Rald: Tomorrow? (isip kaagad ng mangyayari kinabukasan…may meeting ba
ako? may malaking lakad ba ako? kung meron man, nakalimutan ko na nga
siguro..)

Kaklase: Frisbee, Ateneo. You’re coming right?

Rald: Ah..yeah! Hehe, I totally forgot. (nanaman?)

Nakalimutan kong magfi-frisbee nga pala kami mamaya. Buti at napaalala niya.

Wala rin naman ako sigurong pagkukulang. Halos lahat naman ng mga miting at appointments ko ay nakasulat naman sa PDA. Mayroon din akong notebook na maliit kung saan nakalagay ang mga gagawin ko sa araw na iyon.

Marahil ang kulang sa akin ay, gaya ng sabi ni Maan ay ang foresight (at hindsight na rin siguro). Madalas kong nalilimutan na may gagawin pala ako, may kailangang tapusin, at may meeting pala ako sa araw na iyon. Minsan, kung ‘di maiibsan, huli na ang lahat. Pero mas madalas, nagagawan naman ng paraan.

Marahil dala na rin ng katamaran, at ng chronic procastination. Marahil dala na rin ng kapaguran at masyadong katoxican. Marahil dala na rin ng pagkadala sa mga bagay na aking mga ginagawa.

Nagpakatoxic ka kasi rald…ang bata mo pa. Tsk tsk tsk…

Pero ganun na nga siguro. Kailangan ko pang pagbutihan ang aking future-telling abilities. Kailangang paghandaan ang lahat ng bagay, maging isang buwan pa man yun mula ngayon, o kahit isang taon. Will power lang naman yan e. Ayon nga sa aking isang kaklase: cramming is sooooo last year.

At siguro, kung hindi na ako gaano nag-aabala sa kung anong mangyayari sa akin sa kasalukuyan, baka unti-unti ko na ring matutunang alalahanin ang mga kapapangyari lang. Sana nga ganun na lang kadali yun. Parang isang pitik.

+++

Mamayang hapon, magfifrisbee kami sa Bellarmine Field sa Ateneo. Kasama ko ang Disc Doctors, hehe. (ang unofficial ultimate team ng Class 2010). Hehehe. 😀 Sana isang masaya at umaatikabong disc-ing na naman ito! Yeah! Sa mga gustong sumama at matuto, punta lang kayo! 3PM, sa Bellarmine Field. Text nyo na lang ako kung hindi niyo alam kung saan ito.

+++

Mamayang gabi naman, pupunta akong Paoay, Ilocos Norte. May Planning Conference kasi doon ang APMC-SN (Association of Philippine Medical Colleges – Student Network) at ako ang representative ng UP Med. Kamusta naman ito? Kakatext lang sa akin two days ago. OO. TWO DAYS AGO, para sa isang conference sa ILOCOS. Huwaw. But a vice chair’s gotta do what a vice chair’s gotta do. Hehe.

Babalik naman ako ng Sunday e, kasi 1) susunduin ko si Maan sa airport, from Korea! 2) marami pang kailangang tapusin sa preparations sa Freshman Assistance Program ng MSC. Ganito siguro ang mangyayari, aalis kami papunta dun ng 8PM mamaya. 10 hours na trip. Darating kami mga 6AM ng Saturday dun. Tapos, kailangan ko na ring umalis ng 12MN dun, para by Sunday, nandito na uli ako. Kung may jet-setter, ano ang tawag sa isang batikang land-traveller? Bus-setter? Car-setter? Hehe.

+++

Pics


Brods and Sisses in Dagupan (Sierra Monte Resort)


Sunset in Bolinao


Being A Minor Surgeon 🙂

Sorry I wasn’t able to finish resizing all the pics, kaya di ko pa nauupload sa multiply. Hehehe. Hintay na lang uli! 😀

Medical Toxicity

Grabe, antagal ko na ring hindi nakakapagsulat dito. Malapit nang mag-isang buwan. Toxic talaga…hindi ko sukat akalaing ganito pala talaga sa med proper. Ubos na ang oras para sa mga maliliit na bagay tulad ng pagboblog…

Sa totoo lang, tatlo na lang ang oras namin, PRE-EXAM, EXAM-DAY at POST-EXAM. Ang PRE-EXAM ay yung mga araw bago ang exam kung saan gabi-gabi kang nagbabasa ng libro, transcriptions at powerpoint presentations. Ito yung oras mo ng pagrereview, mga araw kung saan “TOXIC” kang talaga. At siyempre dadating ang EXAM DAY kung saan mararamdaman mo ang halu-halong emosyon: kaba – dahil eto na talaga yung exam; kasiyahan – dahil matatapos na rin ang exam; lungkot – dahil wala kang nasagot at alam mong babagsak ka; galak – dahil sa wakas makakapag detox ka na rin. At diyan papasok ang POST-EXAM, kung saan maari ka nang matulog nang mahimbing dahil wala kang susunod na exam sa linggo.

BUT NO.

Dahil mahaba ang coverage ng susunod mong exam, madalas ay mapaghahalo na ang POST at PRE EXAM periods. Sasabayan mo ng tulog sa klase (detox) at paunti-unting gimik ang mga gabing nagsisimula ka na muling mag-aral para sa susunod mong exam. Benign (hindi toxic) ka na dapat, pero kailangan mo na ring mag-aral para sa susunod na exam…bali-wala na rin ang POST EXAM period mo…

Grabe. Paulit-ulit na lang na ganyan. Kung susuwertehin, kada-dalawang linggo umuulit ang siklo. Pero ngayong Setyembre, tig-iisang linggo na lang dahil bawat linggo may exam kami. Nakakapagod.

Hindi ko rin lubos akalaing magiging ganito ako ka-toxic. Yung nagbabasa talaga ng libro para sa exam, yung tunay talagang nag-aadvance reading, yung inaalala kung kailan may exam, kung ano ang dapat basahin…hindi naman ako ganito dati. Noon, dalawang araw lang bago ang exam ako nag-rereview at nag-aaral, at sa notes lang talaga. Bihira ako noon mag-aral sa libro. Pero ngayon, kulang pa ang isang linggo ng pag-aaral para sa isang exam. Kakaiba kasi talaga yung mga pagsusulit…matatanga ka talaga ‘pag hindi ka nakapag-aral. Sabi nga ng isa kong kaklase…iba talaga ang med school sa college…”NEXT LEVEL NA ITO!”

Pero kahit papaano, natutunan ko na ring i-enjoy ang ganitong buhay. Hindi din naman ako nalulungkot. Napapagod lang talaga ako.

Hindi naman madami ang ginagawa ko. Hmm…well, sabagay, madami na rin kung ikukumpara sa normal na med student. Sumali kasi ako sa Medchoir, e dalawang beses sa isang linggo ang practice doon. Kasama din ako sa isang banda, yung Soul Butterfly nga, at sa katotohanan, may “gig” kami sa Martes. Bukod pa doon, Sports Committee co-head pa ako sa Medicine Student Council, na may meeting every week, at player din ng volleyball ng class kaya halos may game din kami everyweek para sa sportsfest ng med.

Hehe, habang nagtitipa ako naisip kong andami ko nga palang ginagawa…

Nakakapagod din kung minsan…madalas akong late na talaga natutulog, at tulog din madalas sa klase, hindi nakikinig sa lectures at umaasa sa transcriptions. Pero ayus lang. Hindi ako nagrereklamo. Masaya ako ngayon, at least nagagawa ko yung mga bagay na gusto kong magawa. May outlet ako sa mga talento at hilig ko. At least hindi puro aral lang ang inaatupag. At buti na lang, sa awa ng Diyos, isa pa lang ang exam na naibabagsak ko. :p

Grabe, kakaiba nga talaga ang buhay med…

TOXIC nga talaga kung toxic. Pero masaya. 😀

+++

Iba pang mga bagay:

  • Kauuwi ko lang mula sa isang kasal sa Fernwood Gardens. Kumanta kasi kami ng Medchoir sa kasal ng isang doktor sa PGH. Hehehe. Masaya siya dahil unang kanta ko ito bilang trainee at kahit hindi ko pa gaanong alam yung ibang mga kanta, game pa rin! Bwehehe. Pagalingan na lang sa lip-synching. Hahahaha!
  • OK pa kasi libre yung dinner namin. Kahit hindi kami doon pinakain sa reception, binigyan naman kami ng money for dinner at kumain kami sa a Venetto. Yehey. Sarap ng pagkaing libre. 🙂
  • Exam na naman namin sa Thursday…OS 205 na, THORAX (Lungs, Heart and CVS). Good luck. Mas madali daw ito kaysa sa naunang exams namin. Sana nga. :]
  • Marami akong natutunan sa lectures last week (nung mga times na nakikinig ako…) tulad ng paano makikinig sa lungs at heart gamit ang stethoscope, at kung anu-ano pa. Ang saya kasi may clinicals na ring kasama yung lectures…at sabay ang physio at anatomy kaya naiintindihan mo kung anong function ng bawat parte. MAHAL KO NA ANG OSI. :]
  • Kailan kaya ako makakabili ng PDA…
  • Ano bang ginagawa ng medical transcriptionists? Hehehe, curious lang. 🙂

+++

POP

Akala ko dati pa-epek lang ng mga doktor sa cartoons yang device na yan. May tawag pala sa kanya: head mirror. Ginagamit para malagyan ng ilaw ang bibig sa pamamagitan ng pagrereflect ng ilaw. Sisilip ka sa butas sa gitna at doon mo titignan ang bungaga at lalamunan ng pasyente. Galing no? May gamit pala talaga yung “head gear” ng mga doktor. 😀

Nescafe

Pagkagising ko kaninang umaga, hawak ko pa rin ang handout ko sa Spermatogenesis at Oogenesis ng Zoo30. Nagising ako sa tunog ng aking selepono, toot-toot, toot-toot. 2 Messages received daw…yung isa galing kay Maan, yung kadarating lang, galing sa blockhead naming si Tina. Iisa lang naman ang dahilan kung bakit magtetext sa akin si Tina ng umagang-umaga, 7am nun…sasabihin niyang walang pasok. Hanggang binasa ko ang text niya:

UP Manila suspends classes and offices. CVTomas Pls Pas thanks

At para bang sa commercial ng Nescafe, sinigaw ko sa buong unit namin…”Walang Pasoooook!” nang buong loob. Panandalian kong inisip na uminom ng kape, gaya ng sa commercial, pero naisip ko mas ok atang matulog na lang. Kaya pagkatpos kong maipasa sa susunod na mga tao sa aming text-pass system, at matapos sagutin ang text ni Maan (na nagtatanong kung gising na ba ako)…natulog na lang uli ako.

Yes! Hindi natuloy ang quiz namin sa Zoo lab! Mwahahaha!!!

Blog at WordPress.com.

Up ↑