Search

The Surgeon's Logbook

surgery + medicine + photography + food + travel

Category

Family

Ge & Maan’s Party: MD Edition

Ge & Maan's Party: M.D. Edition Poster
Post-Boards High w/ Cupcakes!

Last Sunday, Maan & I had a joint thanksgiving party for family, friends & classmates to extend our gratitude to all those who made our becoming full-fledged doctors possible, and of course to celebrate our passing the medical boards! Booyeah! =) A great night of fun, drinks, and cupcakes!

Photo galleries of the event here & here. 🙂

Florida

Yes. I’m online. :p

Dami na naming napuntahan dito sa Florida. Ang saya mag-relive ng mga childhood experiences sa theme parks dito! Yeyeye! 😀

Yun lang. Tinatamad akong magkwento e.

Astig. Naka 10,000 na pala tong site kong ito. Hehehe. May 16, 2004 ako unang nagtrack ng hits. Mag-iisang taon na rin. Hehehe.

Mainit din nga pala dito, grabe, at ayokong magpabilad sa araw. Lagi na lang akong nakabilad, mukha na akong nog-nog. Hehehe.

Nga pala, ayus din dito dahil halos lahat ng tao ay malalaki. AS IN, SUPER SIZE. Bwahahaha. KAya naman kung ikukumpara, PAYAT ako dito. NYAHAHAHAHA! Grabe, anlalaki ng chan, boobs at puwet ng mga babae at lalaki dito! Nakakatakooooot!!!! Parang mabunggo ka lang nila puwede kang tumilapon. Hahaha. Siyeet. Isipin niyo, mas malaki pa kay Dabyana. Exaj. Ansama ko, ehehehe…stop. Gusto ko sanang magpublish ng photo pero nasa internet cafe lang ako at nasa laptop ko yung pikchur.

Siguro kaya sila ganun dahil sa serving ng pagkain nila dito. Alam niyo ba na ang REGULAR ng McDo dito ay LARGE na natin. ISIPIN nyo na lang kung gaano pa kalaki ang SUPERSIZE dito. After kasi ng Regular, may Large pa, tas may SUPERSIZE! Yung frenchfries parang nasa garapon na! Hahaha. Exoj.

Mahal ng lahat ng gamit at pagkain dito. Mas mura talaga sa PInas. Kaya lang mukhang mas mura dito (lalo na yung mga pinapadala ng mga kamag-anak natin mula dito) e dahil mas mataas ang sahod nila dito. Nakakainis. Tas ang gaganda talaga ng transportation system nila, pati ng mga kalye, disiplinado halos lahat. Hay nako…nakakafrustrate lalo’t dahil hindi ganito sa Pilipinas.

May kaibigang Medical Intern yung nanay ko dito, graduating na this May. Binigay nya sa akin lahat ng US Medical Licensure Exam (USMLE) reviewers niya. Iyun yung exam na kukunin mo para makapag train ka dito sa US at makapagstart ng practice dito. Tas sinabi niya kung gaano lang daw kadali yung exam…blah blah blah. At one point there, naimagine ko ang sarili kong dito mag-aral at magpractice….pero hindi. Hehehe. Mas mahal ko pa rin ang bansa natin. 🙂

Grabe, umaatikabong email-an ang nagaganap sa egroups ng klase namin. Mga tungkol sa Freshman Orientation (oo, freshies uli kami…hiyes!) mga MEd Books na kailangan, ang aming uniporme, ang aming class sched…hehehe. Pero gaano man ako na-eexcite, wala akong magagawa dahil nandito pa ako. Hehehe. 🙂 Gusto ko ding tumulong sa Freshman Orientation…but no. Hindi pwede. :[

Hehehe. Cge yun lang muna. :]

Rald, signing off.

The Garden State

Nandito na kami ng pamilya ko sa New Jersey pagkatapos ng 32+ hours na nasa eroplano at airport…Grabe. Pero masaya pa rin sa eroplano dahil may sari-sarili kaming TV screens at masarap yung pagkain! Yum yum! 😀 hehehe. Tas kain lang ng kain!

Natakot ako nung dumaan kami malapit sa Iraq. Feeling ko may missile na tatama sa amin…hehehe. Buti wala.

Spring season ngayon dito, nagbu-bloom ang karamihan ng mga bulaklak. Green na green ang grass at mejo chilly ang panahon. Ansaya dahil hindi ko na kailangang i-reset ang oras sa relo ko. Pareho lang kasi ng oras dito sa Pilipinas e, pero kung umaga dito, gabi na doon. 🙂

Pero hindi naman ako nahihirapan mashado sa jet-lag…dahil sanay naman akong matulog ng umaga, at gumising ng tanghali. Ayus. :p

Ang saya pa dito sa bahay ng tita ko dahil wifi hotspot yung buong bahay nila. Pwedeng pwedeng kumonek ang wifi-enabled devices, gaya ni Marley ko at si Sam ni ate mi, sa internet. Hehehe. Sana lahat ng puntahan namin ganito, para masaya!

Di ko pa alam kung saan kami pupunta mamaya…sabi kagabi sa NYC daw. Well, we have three days pa naman daw to do that e. No rush. Plus, inaayos pa ang tunay na itenerary namin kasi nga sa incident concerning my sister and dad. 😦 Sigh…sana maayos na nga.

Ayun lang for now.

———————–

Iba pang mga bagay:

  • ngayon na lang ako uli naglagay ng ganitong section sa blog ko. hehehe.
  • maganda ang Frankfurt airport, maganda in the sense na malinis, walang tao, at malamig? Hahaha. Wala pa ring tatalo sa ka-Okeyan ng Singapore Changi International Airport na maraming free internet spots at kung anu-ano pang mga ameneties and services! Astiggg talaga!
  • Masakit ang thumb ko ngayon kakalaro ng Super Mario sa eroplano. Niyahahaha.
  • Ansarap ng pakiamdam ng unan na goose-feather and laman. Wahh..pero di yun pwede sa Pilipinas, masisira kaagad dahil mainit doon. hahaha.
  • Kafa-finalize lang ngayon. We wont be going to NYC today, hehehe. Ikot-ikot lang muna dito sa NJ. Hehehe. 😀

———————–

POP


My mom and me sa Singapore Airport getting ready to board the plane. :]

Singing in Singapore

I’m singing in the rain. Tralalalalala…

Nasa Singapore na ako ngayon, sa airport nga lang. Mahabang stop-over kasi dito…6:30 na, 10pm pa ata connecting flight namin to Frankfurt. Nyar…

Naiwan sa Pilipinas si Mela at Dad ko. 😦 Na-overlook kasi yung visa niya, expored na pala nung 2002 pa…ayun…she has no choice but to stay muna sa Pinas. Sinamahan naman siya ng Dad ko. Sana mahabol nila kami sa US. Nakakalunkot talaga…

Enyway, saya dito sa airport! Libreng internet! Hehehe. Wala lang.

Pero 15 minutes nga lang per person. Pero since kaunti lang ang tao…hehehe, nakaka 20 minutes na ako. Yeyeye.

*Kanina napagkamalan akong “help desk” ng isang Indian na pasahero. Tangina…mukha pala akong counter dito dahil sa PC. Di nya siguro nakita ang malaking sign sa taas ng PC na nakasulat FREE INTERNET.

Speqaking of Indians, sa harap namin kanina sa eroplano, mga Bumbay na mababaho. Buti na lang at lumipat sila sa may likuran namin…Shet.

hehe. Cge, hanggang dito lang muna.

PS. Tiyak na magiging travelblog ito ngayong T&B v3.0! Hehehe, expect nothing but travel stories from rald! Bye!!!

Visayas: Boracay!

April 10-13: BORACAY

Sa totoo lang, si Gerson lang naman talaga ang dapat pupunta doon e, kasama ang UP PEP Drummers. Pero nagkayayaan din kami ng Ate ko na sumama, at sumama na rin yung iba kong mga kapamilya. Yehey! Hapi-hapi familee!

Sa resthouse ni Mr. Fred Elizalde kami tumutuloy kapag nandoon kami. Libre kasi, kaibigan kasi siya ng nanay ko. Pang-apat na beses ko nang pumunta doon, pero walang sawa pa rin akong na-eexcite tuwing makikita ko na ang pino at puting buhangin ng Boracay! Nice. Sinundo kami ng speedboat ni Mr. Fred sa port ng Caticlan. Yun daw ang pinakamabilis na speedboat sa buong Boracay. Asteeeg.

Sa unang araw ko doon, sumama muna ako kina Jaja, Cza at Chrissy, mga highschool friends ko. Nandoon din kasi sila, nauna nga lang ng dating. Sinamahan ko silang magshopping, uuwi na kasi sila kinabukasan. Kinagabihan, tumungo kaming COCOMANGAS Bar. Doon kami nagsayaw-sayaw, inom-inom at kung anu-ano pa. Hehehe. Doon ako nakakita ng neon blue na drink. Tinatawag itong SHAKER (see pic), at dahil may blacklights sa bar, yung blue nagiging neon blue. Asteeg nga e, pati yung mga ngipin namin nakikita kahit madilim! Hehehe.

Magaalas-kwatro na ng umaga nang ako’y umuwi, habang tulog pa ang aking tatay, nanay, ate mi, kuya lem, at mela. The moment i woke up the following morning noon, I realized that I was the only one left in our cottage. Oras na para kumain ng tanghalian. Sakit pa ng ulo ko dahil sa hang-over. Shit. Pero nawala din yun dahil madami kaming kinain nung tanghalian.

Nagswimming lang kami nung hapon at bumili ng famous shakes ng Jonah’s Fruit Shakes. Noong hapon ding iyon naganap ang aking photo shoot kasama ang aking photographer na si ate mimi. Hehehe. Ansaya magtatalon-talon! Nyahaha! Marami pang ibang litrato dito. Nagpamasahe din pala ako nung hapong iyon. Sarap! Hehehe. Pero nakakainis nga lang, kasi tuwing hinihilot yung binti ko, sumasama pati mga balahibo ko doon. Masakiiiit! Parang binubunot isa-isa! Hehehe.

photo shoot

Kumain kami ng hapunan sa Pier One. Doon kami sa beach front kumain, sa may sand, nakaupo sa bean bags sa ilalim ng liwanag ng buwan at ng mga tala. Kumain kami ng masarap na baked tahong with cheese among other delicious dishes. Namit gid!

The next day was spent bumming around the cottage. Kumain kami ng breakfast buffet sa Willy’s Resort. Natulog akong muli pagkatapos kumain (na isang magandang paraan para magpataba). Pagkagising ko, pumunta akong D’ Mall, para magikot-ikot at tumingin ng mga mabibili. Tumambay din ako muli sa beach front at nagtingin-tingin…ng mga naggagandahang katawan sa bikini! HAHAHAHA! 😀 Ayus.

Nakita kong may mga nagsisimula nang gumawa ng naggagandahang at naglalakihang mga sand-castles sa paligid ng beach habang ako’y naglalakad. Napagkasunduan namin ni Mela na gagawa kami kinahapunan. E bigla siyang nagpamasahe noong hapong iyon, kaya sinimulan ko nang mag-isa yung sand-castle namin. Ang lumabas, hindi sand-castle kundi isang sand sculpture ng isang Pawikan. Tinulungan din ako ni Ate Mi dito, naawa siguro sa akin dahil gumagawa ako mula 1pm hanggang mga 4pm. Nakabilad pa ako sa araw. Tsk tsk tsk…todo-tutong tuloy ang inabot ko. Hehehe.

Kahit papaano, maganda-ganda naman ang nagawa naming PAWIKAN sand sculpture. Sa katunayan, may mga Koreanong kumuha ng litrato sa tabi nito. Tignan ang litrato sa kanan. Hehehe. Asteeg! Tas sa tuwing may mga dadaan, sasabihin, “Wow! ang cute naman niyan! Sea-turtle!” Hehehe. Isa pa, naglagay ako ng donation pit sa tabi nito (yan din kasi yung ginagawa nung mga gumagawa ng sand-castles talaga e). At para masimulan ang paglalagay, nagpauna ang nanay ko ng P12 na barya. Iniwan namin hanggang maggabi. Aba! Pagbalik namin, P17 na yung nasa pit! Ayus! 😀 Limang piso ang kapalit ng pagod at paghihirap sa paggawa ng napakagandang Pawikan! hehehe. :p Ok lang, masaya naman.

Kinabukasan, araw na ng pag-alis. Doon uli kami sa breakfast buffet sa Willy’s Resort kumain. Grabe. At para malubos-lubos ang Boracay experience, pinilit ko tatay ko na magJet-ski kami! Hehehe. Masaya!!! Ang bilis-bilis-bilis! Nakaka-high talaga ang feeling. Nakakalimutan ko na may mga pating talaga sa dagat! Hehehe. Pinapagalitan nga ako ng tatay ko nung naka-angkas siya sa akin na ang tulin-tulin ko daw magpatakbo. Well, ganun naman talaga yun diba? Wala lang. Perstaym e. Saya! Nakakalungkot nga lang at wala akong litrato para maalala iyong experience na iyon! Kahit na tatlumpong minuto lang yun, masaya pa rin! Galing!

Pagkatapos magjet-ski, naghanda na ako para umuwi. Naglibot uli ako doon sa mga pasalubong shops, naglast-minute shopping para sa mga pasalubong at mga anik-anik tulad ng anklet, board shorts, tie-dyed pants, toe ring, at sling bag. At pagkatapos noon, umuwi na kami! Speedboat uli ang sinakyan namin pabalik sa Caticlan. Yay!

Oo nga pala, dala ko din si Marley sa trip na ito! Yahoo! Kaya hindi mawawala ang picture naming dalawa! Yehey!

Masaya talaga yung trip na ito! Pero siguro mas masaya kung mga kaibigan ang kasama mo, para mas marami kayong magagawa tulad ng banana boat rides, bar hopping, tambay at kwentuhan sa beach. Bonding shit kumbaga. Bwahahahahaha! Kadiri.

+++

Susunod na yung CDO story. 😀 Inaantok na ako e. Hehehe. Comment naman jan! :p

Mr. Egg


Due to lack of things to blog, (and my indeniable laziness), I’m posting again, another picture. Hehe. For those whom I’ve chatted with through YM must have seen this already…hehe, meet Mr. Egg, my Easter Egg! I drew him with a fine tip black marker, left it to dry overnyt, and when I woke up on Easter morning, I saw him all painted green! (I soon found outthat it was my ate who painted the remaining eggs with food coloring). Well, I didn’t get to keep Mr. Egg, of course. My pinsan ate him after our Easter Egg Hunt. Hehehe. Ohwell, at least i have a picture of him to remember him by. :p So long Mr. Egg!

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑