Nababaliw na sa Pharma
Day 25: Going crazy, but still up and about!

Today is the 25th day of my board review. It was only last June 1 when I started opening my books, actually, Lippincot’s Biochemistry. Labag pa sa kalooban kong mag-aral. Napilitan lang kasi may biochem review kami c/o Siena (hehe, Dr. Pilones pala). But I think it was a good start. Pa-easy-easy nga lang muna, that’s why it took me almost a week (6 days) to (barely!) finish Biochem. The review class helped me jump-start my neurons to actually accept the fact that I am about to bombard them with lots and lots of fragmented information.

Reviewing for the medical boards is hard. Really really hard. As in rurok ng kahirapan sa buhay. Some of my senior brods even told me that they’d gladly repeat initiations than repeat preparing for the boards. I definitely agree with them. I didn’t expect this to be this excruciatingly painful in both mind and body! Masakit sa utak sa sobrang daming kailangang aralin. Sa katawan sa sobrang kailangan mong gumising nang maaga araw-araw at tumutok sa libro (na may pa-facebook facebook sa gilid, hehe) at mag-highlight nang walang sawa hanggang madaling umaga.

TWELVE SUBJECTS in TWO months. Twelve subjects which took us 5 whole years to “learn” (and unlearn) and now re-learning. Well, it’s best if re-learning is the case. But why do I feel that I am only learning these concepts just NOW?

Nakakahiya man aminin, pero parang ang daming mga bagay na dapat pala alam ko bago ako nag-ICC, Clerkship at Internship years. Sabi nga ng kaklase ko, madaming mga un-answered questions before na ngayon may sagot ka na. Mga tanong na tinatamad kang magbasa para masagot. Mga tanong na nung 2nd year tayo feeling mo masasagot mo sa Clerkship o Internship dahil masyadong mahirap sa level natin, pero nung Clerk ka na, nakalimutan mo na at feeling mo masyadong basic at pang 2nd year lang ang tanong. Siympre, wala pa ring kasagutan hanggang napilitan kang mag-aral para sa board exams.

Come to think of it, may malaking point din pala ang boards. Kahit na gaano pa man tayo magreklamo kung gaano ka-absurd ang mga pinagkukunan nila ng mga tanong (at ng mga sagot); kahit anong sabihin natin na “the boards only measures your theoretical knowledge, and not your clinical judgement!“; o kahit isinasa-Diyos na natin o ipinababahala kay Batman ang kahihinatnan sa sobrang hit-or-miss o chance-chance lang ng lahat ng mga tanong, kahit papaano, napilitan tayong mag-aral lahat.

I’m on my 5th subject now on the basic sciences. “Tapos” na ko on my first reading of Biochem, Micro+Para, Physio, Patho, and now Pharma. Next up is Anatomy. Sabi nila, dapat may 2nd reading ang lahat, especially the BASIC SCIENCES. Basic. Ba-sic. I’m sick of it. Nakakasuka sa dami ng kailangang aralin! Di na siguro sanay sa sobrang hardcore science. Applied na kasi ang nakasanayan sa clinics. Puro diagnosis, treatment, management, patient care, nurse-hood and manong-ship.

Ngayon, parang mas gumanda-ganda na naman ang pace. Nakaka-100 pages na ako a day, nung isang araw naka-200 ako, dahil ki-nram (crammed, haha) ko yung Patho to start Pharma as scheduled. Minsan nakakalungkot din kasi kahit ang dami mo ngang nabasa pero parang wala kang naaalala.

Ask me anything about biochem now and chances are I don’t know an effin’ thing about it. That was 3 weeks ago. Demmit.

Oh well, in order to proceed, I must accept, thus this GRAND realization that keeps me going everyday:

Mangyayari’t mangyayari din naman siya. Mag-eexam ka din naman talaga ng August. Wag na magreklamo. Shat-ap and just do it! Just keep moving!

Kahit gaano pa man natin gustong mag-whine at magdelaying tactics, the inevitable is NOT as inevitable as it may seem. It WILL happen on August 7,8,14 & 15, 2010. Isipin mo na lang, matatapos din lahat ng ito, iinom, malalsing at mag-cecelebrate tayong lahat sa August 18 when we receive the news of a 100% Pass!😉

Sabi nga nila, we should own it to make it happen.

Papasaya tayo! Go 2010! We can do this! Let’s go for 100%! Let’s make UP proud.