In this blog, I used to have a list of all the things I had to do or go to. That was my way of keeping me on-track, and so that people would know what I’ve been up-to lately, well…even for me.

Sa sobrang daming mga bagay na nangyari at napuntahan sa mga nakaraang panahon, halos wala na akong matandaan.

Kung hindi ko nakita na naisulat ko pala dito *turo sa baba* na pupunta ako sa Dagupan two weeks ako, at pupunta kaming Bolinao last weekend at marami pala akong mga kailangang gawin, hindi ko maalala na nagpunta pala akong Dagupan two weeks ago, nagpunta pala akong Bolinao last weekend at na marami pala akong nagawa na.

Sobra na ba? Ulyanin na ata ako.

Sana’y hindi ito senyales ng katandaan. Bata pa naman ako. Kahit na med student, pitong taon naman ang med school ko.😉 Siguro’y dahil masyado lang akong okupado sa mga ginagawa ko sa kasalukuyan, na kahit ang mga sandaling sana’y madali sanang tandaan ay nakakalimutan.

Gaya na lang kahapon. Nagkita kami ng kaklase ko sa isang padevelopan ng mga litrato na itatago na lang natin sa pangalang Photoline. Hehe. Nagkamustahan kami ng mga lakad sa summer. Kababalik lang daw niya kasi mula sa isang family-trip abroad, hindi siya updated sa mga lakad ng mga tao. At nung oras ko nang mag-share ng mga naging lakad ko, nahirapan ako. Parang hindi ko masabi sa isang pitik ang lahat ng mga nagawa ko. Kahit na alam kong marami akong tuli missions na pinuntahan, mga planning seminars kung saan-saan, mga beach, mga party at kung anu-ano pang lakad, hindi ko ito nasabi sa kanya.

Kaklase: You? How was your summer?

Rald: Ah, masaya naman. Daming mga lakad, hindi ko na nga matandaan e…

Kaklase: I see, i see…

Rald: (biglang may naalala) Ah, nanggaling nga pala akong Dagupan at
Bolinao two weeks ago!

Kaklase: Ok. Good..What about tomorrow?

Rald: Tomorrow? (isip kaagad ng mangyayari kinabukasan…may meeting ba
ako? may malaking lakad ba ako? kung meron man, nakalimutan ko na nga
siguro..)

Kaklase: Frisbee, Ateneo. You’re coming right?

Rald: Ah..yeah! Hehe, I totally forgot. (nanaman?)

Nakalimutan kong magfi-frisbee nga pala kami mamaya. Buti at napaalala niya.

Wala rin naman ako sigurong pagkukulang. Halos lahat naman ng mga miting at appointments ko ay nakasulat naman sa PDA. Mayroon din akong notebook na maliit kung saan nakalagay ang mga gagawin ko sa araw na iyon.

Marahil ang kulang sa akin ay, gaya ng sabi ni Maan ay ang foresight (at hindsight na rin siguro). Madalas kong nalilimutan na may gagawin pala ako, may kailangang tapusin, at may meeting pala ako sa araw na iyon. Minsan, kung ‘di maiibsan, huli na ang lahat. Pero mas madalas, nagagawan naman ng paraan.

Marahil dala na rin ng katamaran, at ng chronic procastination. Marahil dala na rin ng kapaguran at masyadong katoxican. Marahil dala na rin ng pagkadala sa mga bagay na aking mga ginagawa.

Nagpakatoxic ka kasi rald…ang bata mo pa. Tsk tsk tsk…

Pero ganun na nga siguro. Kailangan ko pang pagbutihan ang aking future-telling abilities. Kailangang paghandaan ang lahat ng bagay, maging isang buwan pa man yun mula ngayon, o kahit isang taon. Will power lang naman yan e. Ayon nga sa aking isang kaklase: cramming is sooooo last year.

At siguro, kung hindi na ako gaano nag-aabala sa kung anong mangyayari sa akin sa kasalukuyan, baka unti-unti ko na ring matutunang alalahanin ang mga kapapangyari lang. Sana nga ganun na lang kadali yun. Parang isang pitik.

+++

Mamayang hapon, magfifrisbee kami sa Bellarmine Field sa Ateneo. Kasama ko ang Disc Doctors, hehe. (ang unofficial ultimate team ng Class 2010). Hehehe.😀 Sana isang masaya at umaatikabong disc-ing na naman ito! Yeah! Sa mga gustong sumama at matuto, punta lang kayo! 3PM, sa Bellarmine Field. Text nyo na lang ako kung hindi niyo alam kung saan ito.

+++

Mamayang gabi naman, pupunta akong Paoay, Ilocos Norte. May Planning Conference kasi doon ang APMC-SN (Association of Philippine Medical Colleges – Student Network) at ako ang representative ng UP Med. Kamusta naman ito? Kakatext lang sa akin two days ago. OO. TWO DAYS AGO, para sa isang conference sa ILOCOS. Huwaw. But a vice chair’s gotta do what a vice chair’s gotta do. Hehe.

Babalik naman ako ng Sunday e, kasi 1) susunduin ko si Maan sa airport, from Korea! 2) marami pang kailangang tapusin sa preparations sa Freshman Assistance Program ng MSC. Ganito siguro ang mangyayari, aalis kami papunta dun ng 8PM mamaya. 10 hours na trip. Darating kami mga 6AM ng Saturday dun. Tapos, kailangan ko na ring umalis ng 12MN dun, para by Sunday, nandito na uli ako. Kung may jet-setter, ano ang tawag sa isang batikang land-traveller? Bus-setter? Car-setter? Hehe.

+++

Pics


Brods and Sisses in Dagupan (Sierra Monte Resort)


Sunset in Bolinao


Being A Minor Surgeon🙂

Sorry I wasn’t able to finish resizing all the pics, kaya di ko pa nauupload sa multiply. Hehehe. Hintay na lang uli!😀