paumanhin sa matagal na pagliban sa pagboblog…

sadyang hindi kinaya ng powers ko ang pakikipagsabayan ng pagsusulat sa blog sa pagmememorize ng iba’t ibang bagay kasama na ng marami pang ibang requirements sa med.

napakarami nang nangyari sa aking buhay sa loob ng isang buwan. andami…

at nalulungkot ako na hindi ko man lang naisa-dokumento ang mga pangyayaring, bagamat mahirap, ay punong-puno ng masasayang ala-ala.

+++

ngunit malungkot mang sabihin, sa mga susunod na linggo’y ako’y lilisan muli…

maraming magbabago, maraming magaganap.

kailangan ko munang wakasan nang panandalian itong aking pagsusulat.

wakasan nang pormal. para hindi nakabinbin.

kaya’t paalam muna mahal na blog.

HANGGANG SA MULI!

*rald signing off*