Grabe, antagal ko na ring hindi nakakapagsulat dito. Malapit nang mag-isang buwan. Toxic talaga…hindi ko sukat akalaing ganito pala talaga sa med proper. Ubos na ang oras para sa mga maliliit na bagay tulad ng pagboblog…

Sa totoo lang, tatlo na lang ang oras namin, PRE-EXAM, EXAM-DAY at POST-EXAM. Ang PRE-EXAM ay yung mga araw bago ang exam kung saan gabi-gabi kang nagbabasa ng libro, transcriptions at powerpoint presentations. Ito yung oras mo ng pagrereview, mga araw kung saan “TOXIC” kang talaga. At siyempre dadating ang EXAM DAY kung saan mararamdaman mo ang halu-halong emosyon: kaba – dahil eto na talaga yung exam; kasiyahan – dahil matatapos na rin ang exam; lungkot – dahil wala kang nasagot at alam mong babagsak ka; galak – dahil sa wakas makakapag detox ka na rin. At diyan papasok ang POST-EXAM, kung saan maari ka nang matulog nang mahimbing dahil wala kang susunod na exam sa linggo.

BUT NO.

Dahil mahaba ang coverage ng susunod mong exam, madalas ay mapaghahalo na ang POST at PRE EXAM periods. Sasabayan mo ng tulog sa klase (detox) at paunti-unting gimik ang mga gabing nagsisimula ka na muling mag-aral para sa susunod mong exam. Benign (hindi toxic) ka na dapat, pero kailangan mo na ring mag-aral para sa susunod na exam…bali-wala na rin ang POST EXAM period mo…

Grabe. Paulit-ulit na lang na ganyan. Kung susuwertehin, kada-dalawang linggo umuulit ang siklo. Pero ngayong Setyembre, tig-iisang linggo na lang dahil bawat linggo may exam kami. Nakakapagod.

Hindi ko rin lubos akalaing magiging ganito ako ka-toxic. Yung nagbabasa talaga ng libro para sa exam, yung tunay talagang nag-aadvance reading, yung inaalala kung kailan may exam, kung ano ang dapat basahin…hindi naman ako ganito dati. Noon, dalawang araw lang bago ang exam ako nag-rereview at nag-aaral, at sa notes lang talaga. Bihira ako noon mag-aral sa libro. Pero ngayon, kulang pa ang isang linggo ng pag-aaral para sa isang exam. Kakaiba kasi talaga yung mga pagsusulit…matatanga ka talaga ‘pag hindi ka nakapag-aral. Sabi nga ng isa kong kaklase…iba talaga ang med school sa college…”NEXT LEVEL NA ITO!”

Pero kahit papaano, natutunan ko na ring i-enjoy ang ganitong buhay. Hindi din naman ako nalulungkot. Napapagod lang talaga ako.

Hindi naman madami ang ginagawa ko. Hmm…well, sabagay, madami na rin kung ikukumpara sa normal na med student. Sumali kasi ako sa Medchoir, e dalawang beses sa isang linggo ang practice doon. Kasama din ako sa isang banda, yung Soul Butterfly nga, at sa katotohanan, may “gig” kami sa Martes. Bukod pa doon, Sports Committee co-head pa ako sa Medicine Student Council, na may meeting every week, at player din ng volleyball ng class kaya halos may game din kami everyweek para sa sportsfest ng med.

Hehe, habang nagtitipa ako naisip kong andami ko nga palang ginagawa…

Nakakapagod din kung minsan…madalas akong late na talaga natutulog, at tulog din madalas sa klase, hindi nakikinig sa lectures at umaasa sa transcriptions. Pero ayus lang. Hindi ako nagrereklamo. Masaya ako ngayon, at least nagagawa ko yung mga bagay na gusto kong magawa. May outlet ako sa mga talento at hilig ko. At least hindi puro aral lang ang inaatupag. At buti na lang, sa awa ng Diyos, isa pa lang ang exam na naibabagsak ko. :p

Grabe, kakaiba nga talaga ang buhay med…

TOXIC nga talaga kung toxic. Pero masaya.😀

+++

Iba pang mga bagay:

  • Kauuwi ko lang mula sa isang kasal sa Fernwood Gardens. Kumanta kasi kami ng Medchoir sa kasal ng isang doktor sa PGH. Hehehe. Masaya siya dahil unang kanta ko ito bilang trainee at kahit hindi ko pa gaanong alam yung ibang mga kanta, game pa rin! Bwehehe. Pagalingan na lang sa lip-synching. Hahahaha!
  • OK pa kasi libre yung dinner namin. Kahit hindi kami doon pinakain sa reception, binigyan naman kami ng money for dinner at kumain kami sa a Venetto. Yehey. Sarap ng pagkaing libre.🙂
  • Exam na naman namin sa Thursday…OS 205 na, THORAX (Lungs, Heart and CVS). Good luck. Mas madali daw ito kaysa sa naunang exams namin. Sana nga. :]
  • Marami akong natutunan sa lectures last week (nung mga times na nakikinig ako…) tulad ng paano makikinig sa lungs at heart gamit ang stethoscope, at kung anu-ano pa. Ang saya kasi may clinicals na ring kasama yung lectures…at sabay ang physio at anatomy kaya naiintindihan mo kung anong function ng bawat parte. MAHAL KO NA ANG OSI. :]
  • Kailan kaya ako makakabili ng PDA…
  • Ano bang ginagawa ng medical transcriptionists? Hehehe, curious lang.🙂

+++

POP

Akala ko dati pa-epek lang ng mga doktor sa cartoons yang device na yan. May tawag pala sa kanya: head mirror. Ginagamit para malagyan ng ilaw ang bibig sa pamamagitan ng pagrereflect ng ilaw. Sisilip ka sa butas sa gitna at doon mo titignan ang bungaga at lalamunan ng pasyente. Galing no? May gamit pala talaga yung “head gear” ng mga doktor.😀