Ilang beses na akong pabalik-balik sa Create New Entry page dito sa blogger, hindi ko kasi alam kung may dapat pa ba akong ilahad sa mundong onlayn. Hindi ko lang ramdam ang pagiging makwento sa ngayon. Pero anong ginagawa ko ngayon? hehe. Ayan na o, nagsisimula na akong magtipa ng mga letra ditong sadayng walang saysay…anubayan.

Ayan, nawala na uli ang momentum ko. Wala na naman akong masabi.

Kasi kung magkukwento naman ako, malamang tungkol na naman sa buhay med student. Pare-pareho lang din naman ang sasabihin ko. Kung hindi “MAHIRAP YUNG EXAM!!! HUHUHUHU!!!” ay “AYOKO NANG MAG-ARAL!!! WAAAHHHH!!!!”

Pre-programmed na kumbaga ang mga reaksyon ko. Wala nang bago. Kaya nga tuwing may exam ngayon, tinatanggap ko na lang. Pumasa man ako o bumagsak, ayus lang. Sanayan lang. Mag-aral man buong gabi, okey lang din. Hindi man matulog dahil hindi natapos magbasa ng trans? Pwede na, basta’t masabi mo lang na nag-aral ka.

Ganito din naman ang gagawin ko sa susunod na mga taon, mabuti nang tanggapin ko na ngayon at hindi na magreklamo diba? Pare-pareho lang yan…mag-aaral ka, mageexam, tapos balik aral na naman uli. Paulit-ulit na lang din.

Haay…

nakakamanhid.

+++

Sige, tutal nagsimula na rin naman akong magkwento tungkol sa buhay med, ituloy ko na rin…

+++

Sa mga susunod na linggo, dahil nagsimula na ang OS 204 (Head and Neck) sisimulan na naming i-dissect ang mga mukha ng aming mga cadavers. Ngayon kasi, nakatakip pa yung mga mukha nila. Isipin mo yun, sa MOVE-SYSTEM na parctical/lab exam, habang tumitingin ka ng muscles sa mukha, makikita mo rin yung mga mata ng cadavers na nakatitig sayo…biruin mo nga naman. Kitang kita mo na rin ang tenga, ang ilong, lahat…mukha kasi ang “nagpapatao” sa mga cadavers namin. Pano rin kung biglang pagkakita mo sa cadaver mo, may kilala kang kamukha nun? O kaya mas nakakatakot kung nakita mo na dati pa yung taong yun…

Pero wala lang. Para sa akin, wala lang yun. Manhid na din kasi ako. Wala nang epekto sa akin yung mga ganun-ganung ideya…iniisip ko na lang, ginagawa ko yun para matuto ako. At napagdaanan na din ng lahat ng duktor na nagtapos sa UP ang cadaver dissection, bakit pa ako matatakot…kinya din naman nila.

Kung dati’y hindi ako makakain ng pulang karne (puro chicken lang ang kinakain ko noong unang linggo ng dissection) dahil kamukha iyon ng kalamnan ng tao, ngayo’y dali-dali ko nang naisusubo ang masarap na beef tapa o pork tocino. Kung dati’y sa bawat patak ng tabang nahahalungkat namin sa tagiliran ni Amelia (pangalang ibinigay ng aming grupo sa cadaver namin) ay nasusuka ako sa pandidiri, ngayo’y kayang-kaya ko nang ipahid iyon sa kanyang mga kalamnan para hindi siya matuyo.

Mamanhid ka rin.

Halos araw-araw mo silang makakasama, lilinisin, babalutin, tatakpan ng plastic, at tatanggalan ng taba at fascia. Halos araw-araw ring iiyak at sasakit ang ulo at ilong dahil sa formalin. Halos araw-araw ka ring uuwing amoy patay o kaya nama’y alcohol at sabong panlaba, pagod at masakit ang likod sa kayuyuko.

Subalit matututo ka na ring magtiyaga. Kailangan mo ring tanggapin ang katotohanang kailangan mo itong gawin.

+++

Ngayong dalawang linggo ng Agosto, wala kaming anumang exam. Yahoo!!! Panahon na para magrelax-relax muna…

Hep hep hep! WAG KA MUNANG MAGSAYA Gerald!🙂

Bakit?

Dahil sa pangatlong linggo ng Agosto, LAGOT KANG BATA KA!

Agosto 15 – OS 201 Exam 2
Agosto 16 – OS 204 1st and Last Lecture Exam
Agosto 16 – OS 204 1st and Last Practical Exam

Ay ang saya! Lunes at Martes iyang mga petsang yan…kung ganun, dapat nag-aaral ka na isang linggo bago yan…

E dalawang sabjek yan…edi dapat at least isa’t kalahating linggo ka naghahanda.

Ang dalawang linggo kong bakasyon ay naging kalahating linggo na lang?

Tumpak!

Ay ang saya-saya!!!!😡

Oo! Ganyan talaga ang buhay med! Masaya!

+++

Iba pang mga bagay:

  • Nanood kami ni Maan ng If Only at nagustuhan ko yung pelikula. Oo, korny na kung korny pero sadyang nakakarelate nga talaga kaming dalawa dun sa pelikula. Hehe, wala lang.🙂 basta! wala na lang paki-elamanan.
  • Gusto kong panoorin yung Charlie and the Chocolate Factory dahil pinakapaborito kong libro iyon nung bata ako (isinulat ni Roald Dahl) at naging paborito ko ring pelikula ang Willy Wonka ang the Chocolate Factory na halaw mula sa librong iyon.
  • Dalawang taong kong ginamit ang librong iyon bilang aking Home Reading Report sa English. 95 ang grade na nakuha ko sa parehong report.🙂
  • Noong bata ako, naniniwala akong may factory nga ng tsokolate sa US at Hershey ang pangalan ng may-ari (parang siya si Willy Wonka) at elves ang gumagawa ng tsokolate.
  • Tutugtog ata kami ng bago namin banda sa FATE (Fridays at the East), isang band competition sponsored ng Medical Students Society na org. Sana ok at makapagpractice kami. Ang unofficial official name ng band ay Soul Butterfly. Ano ako dun sa band? Sikret na lang.
  • Sana magka-trumpet na ako SOON. Pag nagkaroon na ako talaga, iyon na ang kakaririn ko, peksman.🙂
  • Natanggap nga pala ako sa Medchoir. Yehey!😀 hehehe. Bass1 trainee pa lang for 1 year tas tsaka lang magiging regular member KUNG makapasa sa Trainee Tests…sana naman maituloy ko.😀
  • Nagbabalak akong bumili ng PDA na mura. Andami ko kasing kailangang i-organize at i-schedule, mga meetings ng kung anu-ano at iba pa. Hehehe, feeling.🙂
  • Talo UP sa Ateneo kanina. Wala yung team na tumalo sa Lasalle at UST. Yung team na puro assists at power plays. Kanina, kung kelan pa ako nanood ng live sa Araneta, dun pa nagbalik sa dating team ang UP. Yung puro swapang yung players, buwakaw at mayayabang. Hay nako…hindi naman ganun na kagaling ang Taeneo. Sayang.😦
  • Wala na akong maisip na gustong ilagay dito. Hehehe.

+++

POP

Ito ang concept ng aking bagong blog layout: T&B v4.0.
Sana magawa ko…😀 hehehe.
Ano sa tingin niyo?🙂