My friend from UP Diliman got interviewed by ABS-CBN regarding her opinions on the Gloriagate scandal. She thought that the interview would come out fully on TV…but apparently she was wrong. Actually, she was wrongly quoted…

IS THIS RESPONSIBLE JOURNALISM?

Here’s an exerpt of her email, read on.:/


Para sa mga taong nakakita sa amin sa TV Patrol o Magandang Umaga Bayan, good for you! Nanonood ka ng balita.. pero sana wag papadala agad sa sinasabi lang ng TV. Mejo ndi dapat ganoon ang lumabas sa story. Pinagmukha kasi aming walang keber sa nangyayari sa pilipinas e. ok lng sana kung walang nagcomment e kaso me mga kaklase akong fratmen at tibak na halos umbagin ko na kasi kung makipag-usap sa akin tungkol sa aming “appearance” e parang pinagmumukha akong walang kwentang UP student.. kasi may interview un eh! Eto, sabihin ko naman side ko.

So ayan, gaya ng ibang mga araw, nasa pugon (covered walk going to the main lib, tapat ng phan) kami.. kasama ko sina **** at kung sino man andun pa. Biglang dumating ung ride ng abscbn reporter whoever gerl na un. Tas ayon nagtanong kung pwede daw ba kaming interviewhin about sa rally. So ayan, briefing to the max. e di vinivideohan na kami. Ako lang ininterview kasi ako lang may lakas ng loob magpakita sa tv kasi nashashy ung iba.. hehe..

Ung unang tanong, bakit daw kami wala sa rally sa makati.. sabi ko may project kasi kami due kinabukasan kaya hindi kami nakapunta pero hindi ibig sabihin na hindi kami nakikiayon sa prinsipyong ipinaglalaban nila kasi may isip din kami at alam naming ang nangyayari sa labas ng paaralan naming, iba lang ang way naming ng pag-ayon, hindi lang rally. Tinanong kung ano ung mga ibang paraan na ito, sabi ko pwedeng sumulat tayo sa school paper, o kaya magkaroon ng mga symposium, at iba pang awareness eklat. Tas ano daw tingin naming sa nagrarally, bakit kaunti na ang dumadayo. Tas leading kasi ung tanong niya lagi eh. Basta me nabanggit siya bakit sa tingin mo nawawala na ang essence ng people power. Sabi ko kasi naman, sa tuwing may nakikitang mali sa isang opisyal, rally na lang ng rally ang mga tao. Parang namimihasa na kasi. Sana maging mulat muna sila kung bakit nagiging ganoon ang mga opisyal nila. (kasi naman minsan ultimong pampaaral o gamot e inaasa sa kanila). Tas ung sunod na tanong, ano daw ba gusto naming mangyari sa pangulo ngayon, due process, impeachment ek ek.. sabi ko siyempre mas maganda kung may due process para walang masabi na hindi pinakinggan ang bawat kampo para may boses pareho. Kaso ang problema, ung kuryente sa korte, kongreso, pera ng taongbayan un e. buwis ng pilipino iyon. May kabagalan ang prosesong ito kaya kung mangyayari man ito, bilisan nila kasi pilipino ang nahihirapan. Next na tanong, anong masasabi mo sa papalit na opisyal kung saka-sakali. Sabi ko, natural lang na ung vice ung pumalit kasi constitutionally elected siya. Technically siya ang nararapat na pumalit. Pero kung siya na ang nakaupo, huwag siyang makikinig sa simpleng sabi-sbi ng iba kasi mas maganda kung siya mismo ang makakakita sa pangangailangan ng pilipino kasi siya na ang nakakita. At least aware siya sa totoong kalagayan. Last question ano ang ang nararapat na gawin para sa lipunan. Di ko maalala kasi ung tanong pero parang ito ung pinakalast na statement. Sabi ko dun wag kasi tayo masyadong magconcentrate sa opisyal mismo. Tirahin natin ung ugat, huwag ung bunga.

O diba taena! Ganda sana ng ispeets ko! Hehe.. pinagpawisan ako nung
practice ah!!! Buwiset na tv patrol yan. Nagmukha kaming mga tambay at patapon ang buhay dahil kesho wala kami dun sa rally…sana man lang pinakita ung interview kahit konti.. yan ba ang responsible journalism? Side lang lagi nila ata ang mahalaga eh.. basta may scoop at kung saan ang heat, dun sila… halos walang keber kung may masasagasaan o wala.. palibhasa bayaran ung mga anchor nila eh…

Balitang totoo my ass.

*no POP for now*