Masaya ako.🙂

Dumito muna ako sa kizon-siti ngayong gabi upang magpalipas ng ilang sandali sa aking pinakamamahal na bahay. Plano ko kasing mag-week-end stay sa Maynila dahil sa eksam namin sa Neurosciences sa Martes. Ang haba kasi ng coverage, humgit 7 lectures ang coverage, puro trans (transcriptions) na lang siguro ang babasahin ko…sana ayus na yun.🙂

Sa totoo lang, OK na rin yung pre-med namin sa imed. Sapat na yung mga ZOO 10, 20 at 30, CHEM 40 at 31 para sa medisina. Ngayong binabalikan naming muli ang mga leksyong iyon, iniisip kong madami-dami na rin pala akong natutunan — mga kaalamang hindi pasok-labas lamang. Laking pasalamat ko sa mga naging propesor namin sa Zoology at Biochemistry, lalo na kina Prop. de Guzman, Prop. de Vera at Dean Nicolas. Da best talaga kayo! :p

Pero siyempre wala pa rin kaming laban sa alam ng mga BS Pysch sa Neuroanatomy. Bwehehehe…sila ang mga diyos at diyosa ngayon. :]

+++

Huling linggo na namin ng pagsusuot ng sibilyan sa susunod na linggo. Sa ika-4 ng Hulyo kasi namin unang isusuot ang aming mga uniporme. Naeexcite ako sa pangyayaring iyon, matagal-tagal ko na rin kasing inaasam na magsuot ng unipormeng puti, simula pa nang pumasok ako sa kolehiyo ng medisina. Para kasing mukhang kagalang-galang kapag suot mo yun e, parang hindi ka na pwedeng mag-asal bata, o kaya’y maging pilyo. Kailangan mo nang maging parating malinis nang hindi ito madumihan. Kapag suot mo yung uniporme, para kang magiging isang bagong tao. Sa totoo lang, noon ko lang siguro mararamdamang ako’y isang nang ganap na med student.🙂

Pero sabi ng ilang upperclassmen, masasanay ka din. Sa una, siyempre excited ka, pero ‘pag lumaon, magsasawa ka na at mas gugustuhin mo na ang mga weekends kung saan pwedeng pwede ka nang magsuot ng sibilyan…

Ha ewan, basta ngayon, excited na ako.😀

Madetalye talaga ako nung pinapagawa ko yung uniporme. Ayoko kasing pangit ang sukat sa akin. Lahat ng sukat, sinisigurado kong tama. Naisukat ko na yung unang gawa ng mananahi pero hindi tama yung mga sukat. Ang tagal kong nagpapabago ng lalim ng leeg, kapit sa katawan, luwang ng bewang at manggas, bagsak ng pantalon, at iba pa. Mariin ko ding pinapaalala sa mga mananahi na ingatan ang uniporme ko, na gandahan ang pagkakagawa. OC na kung OC, pero maging sa kaliit-liitang kalahating pulgada’y tino-toxic ko pa rin.

Sa Lunes ko na makukuha ang aking uniporme, limang pares iyon lahat-lahat. Sana naman, lahat sila’y magaganda ang pagkakagawa…

PS. Dibale, pag nakauniporme na ako, magpapapiktyur ako. Hehehe.🙂

+++

ISANG SURVEY PARA SA MGA MAY BLOG:
Take the MIT Weblog Survey

+++

Bisitahin nyo rin ang aking LJ account.🙂 Hehehe, it’s up and running!

+++

POP

DADA: May kaklase kasi kaming ang pangalan ay Dada. Lagi siyang najejebs habang nasa klase kami. Nakasanayan na naming tawagin ang jebs bilang dada, alang-alang kay Dada. Kaya kapag ako’y nadadada, ako’y najejebs o natatae. At iyon ang pakiramdam ko ngayon. :]

Iginuhit ko ang larawang ito sa placemat ng Burgoo sa Podium kung saan kami nag-date ni Maan noong pumunta kami sa Fete 2005 noong nakaraang June 18. Napakadami naming kinain, at hindi ko napigilang magparaos ng sakit ng tiyan sa pampublikong palikuran ng Podium, hehehe. Paumanhin sa sinumang makakabasa nito. >:)