Sa aking palagay magiging weekly na lang ang update ko dito.😦 Wala pa kasi kaming phoneline sa unit e. Nyar. Ayun, kaya nandito ako ngayon sa Netopia sa Rob, para sa mga karagdagang internet errands…Sigh.

Unti-unti ko na namang muling naramdaman ang kahalagahan ng internet sa aking buhay.

Madaming nangyari noong linggong nakaraan, ngunit hindi ko maaaring ilahad dito ang lahat dahil ayokong magbayad nang mahal para lamang sa pag-iinternet. hehehe.

+++

Binuhay kong muli ang aking Livejournal na account. Plano kong doon magsulat ng mga snippets, o yung mga talang hindi gaanong kaimportante ngunit nais kong maitago. Hehehe.

Doon talaga ako unang nagsusulat, noong bago pa lang ako sa blogging. Pero nakita kong limited lamang ang konsepto ng designs doon at mas madaling gamitin ang Blogger, kaya eto’t nasa ikalawang taon na ako dito.😀

+++

Natatakot ako sa 2nd sem, ngayon pa lang, takot na ako.

+++

Marami pa akong kailangang gawin para sa HS 201. Hay…kaya’t tatapusin ko na itong entry na ito. Wala munang POP sapagkat hindi ko ito sinulat gamit si Marley.

+++

Kinidnap na naman si Marley ni Ate Mimi. Harump. You better take care of him…hehehe. >:)

+++

Bow.