Hindi ako maka-isip nang diretso ngayon, kaya hindi ko alam kung paano ko isusulat dito lahat ng gusto kong sabihin. Andami kong nais ikwento, andami nang naganap mula nang huli akong nag-blog…gusto kong isulat lahat.

Pero hindi ko kaya.

Tough luck.

Here goes nothing…

+++

Kanina ko lang nakuha, nafill-out, napa-assess at napa-pirma ang aking dakilang FORM 5. Sa totoo lang, May 31 pa ang registration naming Freshmen (oo, freshman uli ako dahil bagong salta sa med proper), pero dahil nagkaproblema sa INC ko dati sa COMM II (na kinuha ko pa noong freshie pa ako sa college), at naiwan ko yung “Fit to Enroll” form ko noong Friday, ngayon lang ako nakaregister.

Ang sarap pala ng pakiramdam habang nakikita mong tinatatakan ng cashier ng “Registered, UP Manila” ang iyong Form 5. Bagaman hudyat iyon na babalik ka na uli sa klase, mag-aaral ka na naman, wala na namang tulugan, projects, dissection, reports, readings…

BUHAY ESTUDYANTE NA ULI SI RALD!

+++

Ang taas ng tuition fee sa Med. Puwet. Siyet…na malagket. P11,529.50 ang binayaran ko (at ng iba ko pang mga kaklase). Kasama na ang P1,500 na lab fee. Ang sarap siguro kung may scholarship ka. Ehehe…kung henyo lang talaga ako…

Pati libro, mahal. Pati uniporme, mahal. Lahat na lang, mahal.

Sana pati sweldo magmahal. Para masaya tayong lahat.🙂

+++

Tuluyan na nga akong lumipat sa Rob. Bow.🙂

+++

Ayoko talaga kapag umuulan. Hindi ko alam kung bakit. Nalulungkot ako kapag umuulan.

Mas lalo pa ‘pag mag-isa lang ako sa kwarto, tapos maririnig ko yung malalakas na patak ng ulan sa bubong namin…TAK TAK…TAK TAK TAK TAK! Tapos bigla nang bubuhos…’bat hindi na lang kasi ginawang maaliwalas na lang lagi ang panahon, at umulan na lang kapag tulog na ako.

Nung Sabado ng gabi, anlakas-lakas ng ulan sa QC. May party dapat ang barkada sa bahay, PARTYPART7 sana, JUNIOR YEAR kick-off party SANA, reunion kuno SANA, After Summer Party Special SANA, But no. Umuulan nang malakas…and I quote Kitts “End of the world” rain din dito sa amin…Tuloy pa natin?

Ayokong magparty nang umuulan, lalo pa sa bahay namin. Ayoko nga kasi kapag umuulan…nalulungkot ako. (Psychological disorder kaya yun? O phobia sa ulan?)

Kaya tinext ko na lang yung mga tao at napostpone ang partypart7 at nalipat ngayong Sabado. (Puta, pag umulan pa non, ewan ko na lang…kainis!)

Mabuti na lang at napostpone dahil maya-maya lang, habang ako’y naghahanda na ng kakainin ko sa hapunan…sumigaw si Ate Mi… “BINABAHA TAYO!!!” Sabay turo sa sala.

Hanlupet. May tulo yung kisame namin, may waterfalls sa pader, may mini-wading pool sa sahig, at basa na ang welcome rug namin. Kulang na lang magkaroon ng isdang lumalangoy sa sala e.

Naitaas sa Red Alert ang buong bahay. Para kaming rescue team, hinalughog namin yung bahay para sa mga timba, plastic containers para sahurin ang mga tulo. Hindi man kapanipaniwala, pero nangyari talaga yan, peksman.🙂

Barado pala ang drainage sa bubong. Puno daw ng lupa (hindi ko alam kung pano napunta doon yung lupa…) Pero whaddahell, tinulungan ko yung tatay kong sungkitin yung drainage. Ako yung taga-hawak ng flashlight, siya yung taga sungkit (ehehe…) Noon na lang ako uli nabasa sa ulan…as in BASA sa ulan.🙂 Namiss ko tuloy nung bata ako nung naliligo kami sa ulan ng mga pinsan ko (tapos ididikit yung pwet namin sa tuyong pader, tas magdodrowing ng tangkay, para magkaroon ng marka ng apple). Hehehe.

Buti na lang at tumigil din yung ulan.

Nalaman ko lang na dalawang oras pala bumyahe sina Mela at Mommy mula Katipunan pauwi.

+++

Totoo nga kaya yung sinasabi ni Boy Mayor? Gusto ko nang mag 2010, para gagraduate na ako sa Med, at mapapalitan na si Gloria. Sana magaling at malakas yung maging Presidente nun…

Iniisip ko na ayus lang sa akin na maging isang Diktaduryal ang gobyerno natin GIVEN: 1) Magaling ang diktador, 2) Hindi kurakot, 3) Walang human rights na malalabag, 4) Uunlad ang Pilipinas matapos ang Diktadurya.

Hindi yata posible yun.

+++

Nang sumabay ako kay Ants pauwi noong Huwebes, napagusapan namin na ang Pilipinas ngayon ay nagiging stagnant, wala nang pagbabago.

Heto naman ako’t nagpapatawa (hindi naman kalbo)…

“Oo, stagnation…Isa nang stagnant nation..”

hanakngtokwa, hangkurni!

+++

Gusto ko nang makilala yung mga kaklase ko. Hehehe. Pero nakakaintimidate talaga dahil sila nakapagtapos na ng kani-kanyang BS/BA degrees, e kami, ‘di hamak na dalawang taon lang ng GE ang baon namin.

Sana masaya ang klase namin.🙂 Oo…magiging masaya yan!

+++

Since halos lahat ata ay nahuhumaling sa Hale, nais ko lang maglagay din dito ng tingin ko sa bagong OPM band na iyon.

1. Hindi ko ayaw yung mga kanta nila.
2. Ma-oover play na naman sa radyo at TV yung mga sikat nilang kanta (gaya ng nangyari kay Kitchie) kaya…
3. Hindi ko na rin sila magugustuhan pag lumaon.
4. Mas magaling pa rin ang Sugarfree sa kanila…walang silang panama sa boses ni Papa Ebe!!!
5. Sana naman hindi sila maging one/(two) hit(s) wonders…sayang.🙂

+++

POP
Mr. Moose
“Glad to meet you Mr. Moose!”