Yes. I’m online. :p

Dami na naming napuntahan dito sa Florida. Ang saya mag-relive ng mga childhood experiences sa theme parks dito! Yeyeye!😀

Yun lang. Tinatamad akong magkwento e.

Astig. Naka 10,000 na pala tong site kong ito. Hehehe. May 16, 2004 ako unang nagtrack ng hits. Mag-iisang taon na rin. Hehehe.

Mainit din nga pala dito, grabe, at ayokong magpabilad sa araw. Lagi na lang akong nakabilad, mukha na akong nog-nog. Hehehe.

Nga pala, ayus din dito dahil halos lahat ng tao ay malalaki. AS IN, SUPER SIZE. Bwahahaha. KAya naman kung ikukumpara, PAYAT ako dito. NYAHAHAHAHA! Grabe, anlalaki ng chan, boobs at puwet ng mga babae at lalaki dito! Nakakatakooooot!!!! Parang mabunggo ka lang nila puwede kang tumilapon. Hahaha. Siyeet. Isipin niyo, mas malaki pa kay Dabyana. Exaj. Ansama ko, ehehehe…stop. Gusto ko sanang magpublish ng photo pero nasa internet cafe lang ako at nasa laptop ko yung pikchur.

Siguro kaya sila ganun dahil sa serving ng pagkain nila dito. Alam niyo ba na ang REGULAR ng McDo dito ay LARGE na natin. ISIPIN nyo na lang kung gaano pa kalaki ang SUPERSIZE dito. After kasi ng Regular, may Large pa, tas may SUPERSIZE! Yung frenchfries parang nasa garapon na! Hahaha. Exoj.

Mahal ng lahat ng gamit at pagkain dito. Mas mura talaga sa PInas. Kaya lang mukhang mas mura dito (lalo na yung mga pinapadala ng mga kamag-anak natin mula dito) e dahil mas mataas ang sahod nila dito. Nakakainis. Tas ang gaganda talaga ng transportation system nila, pati ng mga kalye, disiplinado halos lahat. Hay nako…nakakafrustrate lalo’t dahil hindi ganito sa Pilipinas.

May kaibigang Medical Intern yung nanay ko dito, graduating na this May. Binigay nya sa akin lahat ng US Medical Licensure Exam (USMLE) reviewers niya. Iyun yung exam na kukunin mo para makapag train ka dito sa US at makapagstart ng practice dito. Tas sinabi niya kung gaano lang daw kadali yung exam…blah blah blah. At one point there, naimagine ko ang sarili kong dito mag-aral at magpractice….pero hindi. Hehehe. Mas mahal ko pa rin ang bansa natin.🙂

Grabe, umaatikabong email-an ang nagaganap sa egroups ng klase namin. Mga tungkol sa Freshman Orientation (oo, freshies uli kami…hiyes!) mga MEd Books na kailangan, ang aming uniporme, ang aming class sched…hehehe. Pero gaano man ako na-eexcite, wala akong magagawa dahil nandito pa ako. Hehehe.🙂 Gusto ko ding tumulong sa Freshman Orientation…but no. Hindi pwede. :[

Hehehe. Cge yun lang muna. :]

Rald, signing off.