Nandito na kami ng pamilya ko sa New Jersey pagkatapos ng 32+ hours na nasa eroplano at airport…Grabe. Pero masaya pa rin sa eroplano dahil may sari-sarili kaming TV screens at masarap yung pagkain! Yum yum!😀 hehehe. Tas kain lang ng kain!

Natakot ako nung dumaan kami malapit sa Iraq. Feeling ko may missile na tatama sa amin…hehehe. Buti wala.

Spring season ngayon dito, nagbu-bloom ang karamihan ng mga bulaklak. Green na green ang grass at mejo chilly ang panahon. Ansaya dahil hindi ko na kailangang i-reset ang oras sa relo ko. Pareho lang kasi ng oras dito sa Pilipinas e, pero kung umaga dito, gabi na doon.🙂

Pero hindi naman ako nahihirapan mashado sa jet-lag…dahil sanay naman akong matulog ng umaga, at gumising ng tanghali. Ayus. :p

Ang saya pa dito sa bahay ng tita ko dahil wifi hotspot yung buong bahay nila. Pwedeng pwedeng kumonek ang wifi-enabled devices, gaya ni Marley ko at si Sam ni ate mi, sa internet. Hehehe. Sana lahat ng puntahan namin ganito, para masaya!

Di ko pa alam kung saan kami pupunta mamaya…sabi kagabi sa NYC daw. Well, we have three days pa naman daw to do that e. No rush. Plus, inaayos pa ang tunay na itenerary namin kasi nga sa incident concerning my sister and dad.😦 Sigh…sana maayos na nga.

Ayun lang for now.

———————–

Iba pang mga bagay:

  • ngayon na lang ako uli naglagay ng ganitong section sa blog ko. hehehe.
  • maganda ang Frankfurt airport, maganda in the sense na malinis, walang tao, at malamig? Hahaha. Wala pa ring tatalo sa ka-Okeyan ng Singapore Changi International Airport na maraming free internet spots at kung anu-ano pang mga ameneties and services! Astiggg talaga!
  • Masakit ang thumb ko ngayon kakalaro ng Super Mario sa eroplano. Niyahahaha.
  • Ansarap ng pakiamdam ng unan na goose-feather and laman. Wahh..pero di yun pwede sa Pilipinas, masisira kaagad dahil mainit doon. hahaha.
  • Kafa-finalize lang ngayon. We wont be going to NYC today, hehehe. Ikot-ikot lang muna dito sa NJ. Hehehe.😀

———————–

POP


My mom and me sa Singapore Airport getting ready to board the plane. :]