April 19-22: Cagayan de Oro

Unang taon pa lamang kami sa kolehiyo, nagpaplano na kami ni Gideon na pumuntang Mindanao. Dapat noong sembreak noong first year namin kami pupunta sa Davao. Makikitira dapat kami kina Lyle. Ngunit hindi kami natuloy. Naging roommates kami ni Gideon, at maraming beses na naming napag-usuapan muli ang pagtuloy sa isang trip sa Mindanao, pero dahil sa kakapusan sa oras at pera, hindi pa rin kami matuloy-tuloy.

Dumating din ang katapusan ng ikalawa naming taon, at muling tinanong ako ni Gideon kung gusto ko bang ituloy yung plano namin dati. Tutal, wala na naman kaming gagawin ngayong bakashon. I answered him with a resounding…

Waynaaatt???

Kaya ayun, pinlano na namin. Umisip kami ng tamang petsa para sa pagpunta. Pero hindi na sa Davao, kundi sa Cagayan de Oro.

Bakit nga ba doon?

  1. Gusto naming i-try ang white whater rafting! Hehehe! Masaya yun! Adventure buffs pa naman kaming pareho.
  2. Masarap daw pagkain doon…for some reason.😀
  3. It’s friggin Mindanao! The southern most part of the country we both have been too was Bohol lang, Visayas lang. E dahil masyado naming mahal ang ating bansa, at gusto naming pataasin ang turismo dito…gusto naming pumuntang Mindanao! Kahit saan sa Mindanao!
  4. At dahil may kaibigan kaming doon nakatira, si Gillian. Kasi nga naman, kailangan namin ng translator. Mejo lang naman purong Tagalog kami ni Gideon (siya Laguna, ako Bulacan at Nueva Ecija).
  5. Nais din naming maging kinatawan ng aming mga kaklase sa nalalapit na debut ni Gillian doon. At least diba, may nakarating, kahit na advanced ng isang linggo (April 29 kasi ang debut niya).

Nagyaya na rin kami ng iba pang mga kaklase. Si Abe ang sunod na sumama. Pagkatapos, si Maan na rin (na mirakulong pinayagan!) kasama ang kanyang batang kapatid na si Tinton. At kaming lima ay tumungo na sa CGY de Oro isang Martes ng umaga.

tinton (maan's brother), maan, gideon and abe sa tabi ng eroplano sa CDO tarmacPaglapag namin sa tarmac, pikchuran agad ang naisip namin. Kaya naman chenen! marami kaming litrato jan sa tarmac ng airport sa Lumbia, Misamis Oriental. Yung airport ng CDO, wala sa city, nasa bundok. Kaya nga nakakatawa pag pa-land na yung eroplano, akala mo ang taas-taas mo pa dahil nasa may bundok ka pa, pero bigla mo na lang mararamdaman na lumapag na pala kayo. Galing!

Shalo-halo sa bukoinundo kami sa airport ni Gillian at dinala kami sa bahay ng lola niya. Iyon ang magiging HQ (headquarters) namin sa susunod na apat na araw dahil hindi raw kami kasya sa bahay nila. Pagkatapos noon, pumunta kaming Jo’s Chicken Inato at doon kumain ng napakasarap na inihaw na chicken. Sa totoo lang, may Jo’s din dito malapit sa bahay, pero iba pa rin ang pakiramdam kung sa bagong lugar ka kakain! Mas masarap!😀 Kumain din kami doon ng napakasarap na halo-halo na nasa bao ng buko.

Matapos noon, kami ay nagswimming sa clubhouse ng Xavier Estates. Nagalak ako dahil may mataas na slide doon parang sa Splash Island. Hehehe. Tsaka noon na lang ako muling nakalangoy sa swimming pool. Sayang wala akong litrato doon.😦 Naglaro din kami ng billiards at table tennis. Pagkatapos, dumaan kami sa SM Cagayan de Oro, nagtingin-tingin ng mga bagay-bagay at umuwi na rin.

Sa mga panahong iyon, na-aamaze ako kung gaano katulad ng siyudad na ito ang Maynila o ang anumang siyudad sa NCR. Ganun na ganun din, may traffic, may suburbs, may mall (tatlong mall nga e, Gaisano, SM at Limketkai), may taxi (na kung tutuusin mas asenso pa kaysa Maynila dahil may mga taxing Altis at Sentra dito), may motorella, jeep, at iba’t ibang mga industriya. Hindi gaanong pangunahing industriya ang turismo sa CDO. (Hindi tulad sa Boracay, Baguio o kaya sa Tagbilaran kung ikukumpara). Ang mga bilihan ng pasalubong ay nasa mga mall, wala sa mga stalls. Ang mga tao ay halos puro Bisaya, kaya kung kakausapin mo ng Tagalog, Bisaya pa rin ang ibabalik sa iyo. Mas mainam nang kausapin mo ng Ingles para magkaintindihan kayo.😀

Butcher's Best BarbequeSa Butcher’s Best Barbeque kami kumain ng hapunan. Buti naman at swak na swak ang pangalan nila sa inihahanda nilang pagkain! Tunay ngang masarap ang kanilang barbeque. Masarap din ang kanilang sisig! Wahh! Wala na lang akong ibang ginawa ngayong summer kundi kumain ng masasarap! Grabe…

Isang text ang gumising sa akin kinabukasan. “May bago nang pope!” Ayus. Si Ratzinger naging pope habang nasa Cagayan de Oro kami! We’ll forever remember this trip kasi kapag kami tumanda, at tinanong kung kelan na-elect si Pope Benedict XVI, well, we can all just easily remember…“ah, yun yung nasa CDO kami nung mga kaklase ko…” Nice.🙂

cave trippin! gideon, tinton, maan and abeNoong susunod na araw, kumain kami ng breakfast sa McDo. Naghanda na rin kami para sa isang umaatikabong adventure sa white water rafting! Sinundo kami ng jeep na may dala-dala ng mga gamit pang rafting ng 9AM ng umaga sa may Mcdo. 45 minutes kasi ang drive papuntang drop off point. Pero may sidetrip pa muna sa isang Nature Park. Doon ako nag-rapell (tsaka na ang litrato nito) sa isang punong napaka taas! Mga 50ft siguro yun! Pagbaba ko, nandoon na ako sa may mga kweba. Grabe, ang ganda doon sa baba! Sina Maan bumaba na rin pero dumaan sila sa hagdan. Yung mga litrato dito, susunod na, nandoon sa digicam pa e.

tinton, gideon, maan and abe sa tabi ng unang rapidsSa wakas at narating na rin namin ang drop off point. Nagsuot muna kami ng gear, tapos tinuruan ng rafting basics, tsaka pa lang kami sumampa sa aming mga rafts. Maliban sa aming lima, may tatlo pa kaming kasama pero doon sila sa isa pang raft. Sa raft namin, may tatlo kaming guides, 8 kami sa raft.

Labing-apat ang lahat ng rapids, at sa pagitan ng mga ito, may mga sidetrips pa. Una na doon ay ang bridge jumping. Tumalon kami mula sa isang tulay, mga 20-30ft siguro ang taas mula sa tubig. Nakakatakot noong una, at aakalain mong napakababa lang nung tatalunin mo. Pero ‘pag tumalon ka na…grabe! Parang ang tagal mong nasa ere! Hindi naman nakakatakot malunod dahil naka-life vest naman kami e. Sususbukan dapat namin ni Abe na mag-tumbling sa aming pangalawang talon. Nauna siyang sumubok, pero sumobra ang kanyang ikot at naunang tumama sa tubig ang kanyang mukha. SAKIT!!! Hindi ko na sinubukang magtumbling at tumalon na lang ako nang regular. Hehehe.

Minsan din kaming pinayagang magpaanod sa current sa mga ripples (maliliit na rapids). Masaya! Para kang nasa wahsing machine at dinadala ka sa iisang parte ng tubig. Nakalutang naman kami dahil may life vest nga, kaya walang takot.😀 Ngunit si Maan, noong panahon na ng pagbalik muli sa raft, mas lalo nang naanod papalayo sa amin! Hahaha! Kaya kailangan pa namin siyang i-rescue at hilahin paakyat sa raft! Para kaming may nahuling isang sirena! :]

during one of the dry parts of the adventure. Masaya talaga kapag dumadaan kami sa rapids! Para kang nilalamon ng mga alon na naglalakihan! Minsan na akong napahiga sa lakas ng tama sa akin ng tubig, pero masaya naman! Hehehe. Maganda at malinis yung tubig. Maganda ding makita ang pagkakaiba ng malalim at mababaw na tubig. (Ang malalim, walang ripples sa taas, ang mababaw, maalon ang ibabaw).

Isa pa sa mga sidetrips namin ay tinatawag nilang “Snake Preview” (kung ikaw ay mejo slow, ito ay hango sa katagang “Sneak Preview”). Isa itong stretch ng wall ng bato sa kanang dako ng ilog. Ang wall na ito ay puno ng butas, pinamamahayan ng mga ahas! Bago kami pumunta rito, tumama kami sa isang bato at muntik na daw mabutas ang aming raft. nagalit tuloy yung guide namin. Kaya ayun, sa Snake Preview…pilit siyang humanap ng ahas at hinuli niya ito!

PUTANG-INA! May phobia ako sa ahas at sa kahit anong reptiles!!!
PUTANG INA TALAGA!!!!!!
ILAYO NYO YAN SA AKIN!!!!!!!!

Sigaw ako nang sigaw doon! Nagnanais na nga akong tumalon sa tubig lalo na sa tuwing inilalapit sa amin nung guide yung kulay-tsokolateng ahas! Tang-ina! Kami ni Abe doon mukhang tanga! HAHAHAHA!😀 Ansarap na lang tawanan ngayon, pero noong mga oras talagang iyon, kulang na lang himatayin ako! Tang-ina shet talaganga yan fuck fuck fuck!!!! Hanggang ngayon kininilabutan pa rin ako sa pangyayaring iyon. Hindi ako galit sa guide, hindi naman nila kasalanang may phobia ako. At least diba may excitement yung trip namin, ay may maalala akong napaka-hmm…vivid sa adventure na iyon.

Gandang SNAKE PREVIEW talaga ag pangalan.

Matapos kaming takut-takutin ng guide, pinakawalan na rin niya yung ahas. Aba! Kaya pala nitong lumangoy sa tubig! Para siyang nagski-skid sa ibabaw ng tubig patungo sa pampang. FUHREAKKKKYY MEEEHHHNNN!!! Hindi na ako muling lumabas sa raft magmula noon.

isang bato na nagbabalance mag-isa! astig!!! walang glue na nakalagay jan a!Tumungo rin kami sa isang cave, nagpeople power patulay sa isang rumaragasang ilog (para hindi kami matangay ng anod). Pumunta din kami sa pampang na maraming mga bato. Doon, may mga batong naka-balanse lang sa isa pang malaking bato nang walang pandikit! Astig nga e! Tignan nyo yung litrato sa kaliwa. Galing no?

Sa huling dalawang rapids, pinayagan na kaming tumayo ng aming guides. Ansaya! Para kaming mga hayok sa adventure!

Hindi ko pa rin nakakalimutan yung ahas.😦

kami at ang aming raft matapos ang biyahe pababa sa ilog ng cagayan de oro. amoy life jackets na kami, kadiri!!!Natapos ang aming adventure nang wala man lang magandang finale. Bigla na lang natapos. Ayun. Hehehe. Nagsibilihan kami ng mga souvenirs, mga t-shirts at necklace.

Kahit gaano kasaya ang aming naging adventure, nalulungkot din ako dahil may isang casualty:

shades for the longest time

Nakakaiyak. Hehe, joke lang. Naaupuan ko kasi sa raft nung oras na takot na takot ako sa ahas! Hehehe. Itong pares kasing ito ay isang taon na ang tagal sa akin. Napakaraming lugar na nitong napuntahan: Subic, Banahaw, Baguio, Manila, Quezon City, Marikina, Pasig, Tagaytay Highlands, Canyonwoods, Tagaytay, Boracay, Batangas, Sta. Rosa, Calamba, Sto. Tomas, Makiling, at siyempre Cagayan de Oro. Marami na ring akong litrato na suot ko siya, ang pinaka una ay ito:

subic field trip, maan, ako, abe & ants (sa likod) and me

Sa Subic yan, nung field trip namin doon para sa Zoo 10 (Feb 29, 2004). Bumili kasi ako ng bagong shades para doon, ay iyon nga yung shades ko na nasira.😦 kakalungkot. May it rest in peace.

O nga pala, nagtaping si Charlene Gonzales – Mulach doon sa Cagayn de Oro habang nandoon din kami para dun sa At Home Kayo Dito na show niya. hehe. Sayang, di namin siya nakita. :]

Habang hinihintay namin sina Gillian para sunduin kami, nakita ni Tinton na may nagaganap sa tabi niya. Jueteng operation pala. Hehehe. Pinikchuran namin, pero mejo hindi kita.

jueteng!

macumba signPumunta din kaming Macumba bar noong gabi. Nakinig ng Pop-Rock DAW, pero tunog POP lang. Aysus. Pumasok kami dahil akala namin yung mga tugtog mga Sugarfree, Bamboo, Rivermaya, ganon. But no. Plano nga naming magrequest ng Mariposa ng Sugarfree, titignan namin kung makakanat nga ng banda. Pop-rock pala ah. *lol*

adobong sea shells na may laman! masarap! ito ay sa may talisayanKinabukasan, pumunta kami sa Duka Beach Resort. Iyon ay 2 hours mula sa Cagayan de Oro at nafeature din sa show ni Charlene! Hehehe. Doon kami nagbeach, sumakay ng canoe at kayak, at nagtitingin-tingin ng mga isda. Nakita namin yung parang Dory na isda, at isang starfish na blue. Nakakita din kami ng mga crablets at iba’t ibang klase ng corals. Dapat magsosnorkeling kami, pero naubusan na kami ng oras. Hehehe. Kumain kami sa isang parang dampa, kung saan pipili ka lang ng seafood tas ipapaluto mo sa kanila. At doon namin unang natikman yung adobong seashell (see pic). Para siyang kuhol, pero malaki!!! Grabe. kakabusog! May inihaw pa na isda at sinigang na panga. SARAP!

Namili na rin kami ng mga pasalubong noong araw ding iyon. Nag-uwi ako ng siniguelas, bulad (parang daing), dilis at mga t-shirts. Kinagabihan, nagkaroon ng munting salu-salo sa bahay nina Gillian kasama yung mga highschool barkada niya. Saya!😀 Sarap pa ng litson.

Nung gabi, nanood kami ng AI. Putek yan, natanggal si Anwar! Siya pa naman ang gusto ko sa kanilang lahat. ARGH! Bat hindi na lang si Anthony o kaya si Scott! ARRRRGGGGHHHH!!!!!! Hindi dapat si Anwar, maganda talaga boses nyaaa! as in! Harump.

mga hindi naligo...yakiii!!!!Oras na para umalis kinabukasan. Mejo late na rin kaming nagising. Nagsimula na ang liguan, at nagpahuli na akong naligo. At aba, naubusan pa ng tubig! hehehe. Ayun, kaya kami ni Maan, yung mga huling naligo, hindi na nakaligo. Konting wisik wisik lang, at pabango, solb na! Bwahahaha.

Pagkasundo sa akin sa airport ng ate ko, nagpahatid ako sa SM North. Bakit? Dahil may pupuntahan pa ako. Hehehe. Kung ano? Sa susunod na lang na entry.

Ang saya-saya ng Cagayan de Oro trip. Lalo na’t dahil kami-kami lang ang pumuntang magkakaibigan. Walang parental supervision o kung anuman. Ang saya-saya talaga! Yehey! Sana maulit ang mga ganitong klaseng outing sa mga susunod pang taon naming magkakasama! :p

-end-