Ang sarap-sarap talaga ‘pag summer. Lalo na kapag wala kang inaatupag na kahit na anong pang-akademikong gawain. Ito ang aking huling summer bilang isang college student, dahil sa susunod na summer, ako na’y isang ganap na med student. Kaya nga’t dapat mag-saya ngayon. Make the most out of your summer-before-med-proper! ika nga ng isa kong kaibigan. Tama nga naman siya, we really do deserve this 2 month vacation. Iyon ay bago magsimula ang aming tunay na pag-aaral ng medisina.

Kaya nga’t kabi-kabila ang mga gimik ko ngayong bakashon! Hehehe. Buti na lang at nabiyayaan ako ng mabubuting magulang na walang sawang tumutustos sa aking mga kalayawan sa buhay. Salamat po!

Itong entry na ito ay binubuo ng tatlong parte. Dito ko isasalaysay ang mga naganap sa tatlong gimik ko ngayong summer.

Napagatanto ko kasing kung hindi mo isusulat ang mga nangyari sa buhay mo, kung walang dokumentong magpapatunay na nagawa mo nga iyon, walang litrato, walang video…edi parang kathang-isip lang ang lahat ng ala-ala mo sa mga sandaling iyon. Kaya’t mabuti nang isulat diba, para kahit papaano, alam mo na nangyari nga…hindi lang siya parang panaginip. (Nakuha ko yung ideyang yan kay Kaeos, hehehe. Tama nga naman siya. Basahin ninyo ito.)

April 24, 2005
April 10-13, 2005
April 19-22, 2005