Madaya ako. Hehehe. Wala naman talaga akong napuntahan ngayon sa Luzon e. Pero dahil nilibot ko din ang kahabaan ng EDSA dito sa Adventure Race na ito, pwede na siguro itong representative ng Luzon. *Maghabol pa kaya ako ng Batangas o kaya Bolinao bago kami umalis…para kumpleto, around the archipelago…* nyahahaha.

Hinatak lang talaga ako ni Bill dito. Hindi ko talaga alam ang mangyayari nung sinabi ko sakanya na sali ako. Alam ko lang, kailangan kong pumunta sa office ng Penshoppe pagkabalik ko from Cagayan de Oro. At yun nga yung ginawa ko. Kagagaling ko pa lang ng airport, nagkita kami ni Bill sa SM North, pumunta sa office ng Penshoppe at pumirma ng parang waiver. Ang nakasulat lang doon: April 24, 1pm, Penshoppe Glorietta, come in your summer attire. Yung mechanics, wala. hehehe. Ayus no? Para kaming bulag na sasali. hehehe.

Pero ok lang, mukhang exoiting!

Maaga-aga kaming nakarating ng Glorietta. Noon na lang ako nakapunta doon mula 2nd year high school. Nakita kong pumasok si Ala Paredes, yung image-model ng Penshoppe, sa Penshoppe. Naexcite naman ako bigla! Hehehe. Isa kasi siya sa ultimate crushes ko (hahaha, napaka-high school) kasama nina Heart Evangelista, Kristin Kreuk, Natalie Portman at Rachel Leigh Cook atbp. Waaahhhh! hehehe.

So ayun, mga 1:30 na nagsimula. Binigyan kami ng mga t-shirts na may sari-sariling kulay. Ang naging team color namin ni Bill ay green. Inexplain sa amin ang mechanics ng race. Ang mangyayari pala, bibigyan kami ng P1000 worth of Penshoppe gift cards bawat tao. Yun ang gagastusin namin para bumili ng BEST SUMMER OUTFIT namin. Pero ang catch, kasama sa criteria for judging ang savings (30%), look (40%) at time (30%). So dapat matipid at mabilis ka, at maganda ang mabili mong damit. Hehehe.

“Ayus to a! Shopping for free! hehehe.” We get to keep our clothes kasi, plus yung savings namin.

Kinuha ang lahat ng gamit namin bago magsimula yung race. No money (except for the P100 travel money given to us), no cellphone, no bags whatsoever.

the contenders!Mayroong apat na teams, lahat kami galing sa UP! Sa Red team, si Lucre (UP Diliman – European Languages) at Shalom (UP Visayas – Chemistry). Sa Blue naman, si Carlos at Eugene (parehong UP Visayas – Chemsitry). Ang Yellow team, sina Kristine (UP Diliman – Broadcast Communication) at Karen (UP Diliman – Business Economics). At siyempre, kaming Green team si Bill (UP Diliman – Psychology) at ako (UP Manila – Medicine). Galing no? Hehehe. Sa totoo lang, halos walang sumali sa race na ito. Konti lang yung kumagat at pinilit pa si Bill na sumali.

Ang sistema kasi, may ipagagawa munang challenge. Tapos kapaga nakumpleto na yung challenge, tsaka ka lang pwedeng mag-shop for clothes para sa summer outfit mo.

Ang unang challenge na pinagawa sa amin ay maghanap ng colored cardboard na nakatago sa mga stacks na damit sa Penshoppe Glorietta. Grabeeee! Ang hirap maghanap non no! Halos sabay lang kami ng Blue team na nakahanap at nakaalis sa Penshoppe store. Dali-dali kaming kumaripas papunta sa MRT Station ng Ayala.

Grabe, totoo pala talaga yung drama sa Amazing Race sa TV! Hehehe. Naunahan kasi kami ng Blue team sa pagtakbo. Kami ni Bill at Cors nagshortcut kami para makahabol. Naiwan kami ng train last train ng MRT, akala namin nauna na yung Blue! Grabe, e may penalty yung last team to arrive (naks, ala Amazing Race talaga) na minus P100 sa shopping money, kaya alalang-alala kami! Mabilis kaming tumakbo mula sa MRT station hanggang sa SM North at pagdating namin sa may Penshoppe, naunahan pa pala namin yung Blue! YAHOOOOOO!!!! hehehe.

At dahil aired iyon, live, sa dWLS FM 97.1 Campus Radio, may kasama kaming mga Airchecker DJ’s. Si Cors ang sumama sa team namin, isang petite na babaeng super energetic! Hehehe. Ang saya nga e, kasi isang beses, kailangan niyang mag-live-feed. E tumatakbo kami non mula North Avenue MRT Station papunta sa SM North EDSA…so kailangan niyang magala-DJ habang tumatakbo! “I’m currently here at the MRT North Ave Station running to SM North with my team Bill and Gerald! Blah blah blah!” Nakakatawa talaga!

Mula SM, tumungo naman kami sa Megamall. Siyempre MRT pa rin kami dumaan. Tinakbo uli namin ni Bill papuntang station. Dirediretso na kami sa suksukan ng mga ticket, pero biglang…

TICKET REJECTED
Proceed to conter for verification.

Nakupo!!! Nalaman ko na lang na nasira pala yung ticket ko. E dahil yun lang ang dala ko, (dahil yung P100 na traveling money ko ay nagastos na sa pre-paid ticket na yun), pinauna ko na sina Bill at Cors dun sa train at nagmakaawa ako dun sa counter at sinabi kong wala na ako pera.

Lessons learned:

  1. Never fold your MRT ticket.
  2. Gumagana talaga ang charms pag meron ka talaga non.🙂

Kahit na kami nina Bill ang nauna sa MRT Station, nagkasabay-sabay kami ng Yellow at Blue team dahil hinintay pa ako nina Bill sa Ortigas Station. Imbis na mauna kami sa dalawang teams, dahil sa nasira kong ticket, nakasabay ko na ng train yung Yellow at Blue. Yung Red team, sumakay ng TAXI mula sa SM North…

Kaya ayun, nagsprint kami ni Bill mula sa station hanggang sa loob ng Megamall papunta sa Penshopppe store doon. At aba! SECOND Place pa ang naabutan namin! Yeyeyeye!😀

May ginawa pa uli kaming challenge doon, at nagshopping pang muli. Tapos, jinudge kami nina Ala at Cogie sa aming mga nabili at sila yung nagbigay ng 40% sa score ng teams. Hehehe.

Hindi kami nanalo. Red team won.

The winners with cogie domingo
The Red Team (Lucre and Shalom) with Cogie

(Feeling ko nanalo lang sila dahil sa bilis nila. Hehehe. Joke lang.)

Hindi, kasi kami yung may pinaka malaking savings (P1000 ang nasave namin ni Bill, yung iba P600 lang). Tapos sa tingin ko ok naman kami sa overall look (sando, bandana at flip-flops ang binili namin sa bawat store). Nadali lang siguro kami sa oras. Ehehehe.

Gayunpaman, masaya pa rin! Madami kaming bagong nakilala, may consolation prize na P1000 na gift cards from Penshoppe, plus yung mga damit pa namin na nabili. At siyempre, dahil nakakuha ako ng autograph at nakapagpapicture ako kay Ala! Yeeeehaaawww!

autograph ni ala sa ID ko! yay!
Autograph ni Ala!!!
yeyeyeye!
Yeyeyeye! Mga dudes! Mamatay kayo sa inggit! hehehe. :p

Yun lang.🙂 Nakakapagod, pero masaya! Narinig niyo ba sa Campus Radio? Hehehe. Sana lumabas yung pictures namin sa dyaryo. Bwahahaha. Seeekattt!!!