April 10-13: BORACAY

Sa totoo lang, si Gerson lang naman talaga ang dapat pupunta doon e, kasama ang UP PEP Drummers. Pero nagkayayaan din kami ng Ate ko na sumama, at sumama na rin yung iba kong mga kapamilya. Yehey! Hapi-hapi familee!

Sa resthouse ni Mr. Fred Elizalde kami tumutuloy kapag nandoon kami. Libre kasi, kaibigan kasi siya ng nanay ko. Pang-apat na beses ko nang pumunta doon, pero walang sawa pa rin akong na-eexcite tuwing makikita ko na ang pino at puting buhangin ng Boracay! Nice. Sinundo kami ng speedboat ni Mr. Fred sa port ng Caticlan. Yun daw ang pinakamabilis na speedboat sa buong Boracay. Asteeeg.

Sa unang araw ko doon, sumama muna ako kina Jaja, Cza at Chrissy, mga highschool friends ko. Nandoon din kasi sila, nauna nga lang ng dating. Sinamahan ko silang magshopping, uuwi na kasi sila kinabukasan. Kinagabihan, tumungo kaming COCOMANGAS Bar. Doon kami nagsayaw-sayaw, inom-inom at kung anu-ano pa. Hehehe. Doon ako nakakita ng neon blue na drink. Tinatawag itong SHAKER (see pic), at dahil may blacklights sa bar, yung blue nagiging neon blue. Asteeg nga e, pati yung mga ngipin namin nakikita kahit madilim! Hehehe.

Magaalas-kwatro na ng umaga nang ako’y umuwi, habang tulog pa ang aking tatay, nanay, ate mi, kuya lem, at mela. The moment i woke up the following morning noon, I realized that I was the only one left in our cottage. Oras na para kumain ng tanghalian. Sakit pa ng ulo ko dahil sa hang-over. Shit. Pero nawala din yun dahil madami kaming kinain nung tanghalian.

Nagswimming lang kami nung hapon at bumili ng famous shakes ng Jonah’s Fruit Shakes. Noong hapon ding iyon naganap ang aking photo shoot kasama ang aking photographer na si ate mimi. Hehehe. Ansaya magtatalon-talon! Nyahaha! Marami pang ibang litrato dito. Nagpamasahe din pala ako nung hapong iyon. Sarap! Hehehe. Pero nakakainis nga lang, kasi tuwing hinihilot yung binti ko, sumasama pati mga balahibo ko doon. Masakiiiit! Parang binubunot isa-isa! Hehehe.

photo shoot

Kumain kami ng hapunan sa Pier One. Doon kami sa beach front kumain, sa may sand, nakaupo sa bean bags sa ilalim ng liwanag ng buwan at ng mga tala. Kumain kami ng masarap na baked tahong with cheese among other delicious dishes. Namit gid!

The next day was spent bumming around the cottage. Kumain kami ng breakfast buffet sa Willy’s Resort. Natulog akong muli pagkatapos kumain (na isang magandang paraan para magpataba). Pagkagising ko, pumunta akong D’ Mall, para magikot-ikot at tumingin ng mga mabibili. Tumambay din ako muli sa beach front at nagtingin-tingin…ng mga naggagandahang katawan sa bikini! HAHAHAHA!😀 Ayus.

Nakita kong may mga nagsisimula nang gumawa ng naggagandahang at naglalakihang mga sand-castles sa paligid ng beach habang ako’y naglalakad. Napagkasunduan namin ni Mela na gagawa kami kinahapunan. E bigla siyang nagpamasahe noong hapong iyon, kaya sinimulan ko nang mag-isa yung sand-castle namin. Ang lumabas, hindi sand-castle kundi isang sand sculpture ng isang Pawikan. Tinulungan din ako ni Ate Mi dito, naawa siguro sa akin dahil gumagawa ako mula 1pm hanggang mga 4pm. Nakabilad pa ako sa araw. Tsk tsk tsk…todo-tutong tuloy ang inabot ko. Hehehe.

Kahit papaano, maganda-ganda naman ang nagawa naming PAWIKAN sand sculpture. Sa katunayan, may mga Koreanong kumuha ng litrato sa tabi nito. Tignan ang litrato sa kanan. Hehehe. Asteeg! Tas sa tuwing may mga dadaan, sasabihin, “Wow! ang cute naman niyan! Sea-turtle!” Hehehe. Isa pa, naglagay ako ng donation pit sa tabi nito (yan din kasi yung ginagawa nung mga gumagawa ng sand-castles talaga e). At para masimulan ang paglalagay, nagpauna ang nanay ko ng P12 na barya. Iniwan namin hanggang maggabi. Aba! Pagbalik namin, P17 na yung nasa pit! Ayus!😀 Limang piso ang kapalit ng pagod at paghihirap sa paggawa ng napakagandang Pawikan! hehehe. :p Ok lang, masaya naman.

Kinabukasan, araw na ng pag-alis. Doon uli kami sa breakfast buffet sa Willy’s Resort kumain. Grabe. At para malubos-lubos ang Boracay experience, pinilit ko tatay ko na magJet-ski kami! Hehehe. Masaya!!! Ang bilis-bilis-bilis! Nakaka-high talaga ang feeling. Nakakalimutan ko na may mga pating talaga sa dagat! Hehehe. Pinapagalitan nga ako ng tatay ko nung naka-angkas siya sa akin na ang tulin-tulin ko daw magpatakbo. Well, ganun naman talaga yun diba? Wala lang. Perstaym e. Saya! Nakakalungkot nga lang at wala akong litrato para maalala iyong experience na iyon! Kahit na tatlumpong minuto lang yun, masaya pa rin! Galing!

Pagkatapos magjet-ski, naghanda na ako para umuwi. Naglibot uli ako doon sa mga pasalubong shops, naglast-minute shopping para sa mga pasalubong at mga anik-anik tulad ng anklet, board shorts, tie-dyed pants, toe ring, at sling bag. At pagkatapos noon, umuwi na kami! Speedboat uli ang sinakyan namin pabalik sa Caticlan. Yay!

Oo nga pala, dala ko din si Marley sa trip na ito! Yahoo! Kaya hindi mawawala ang picture naming dalawa! Yehey!

Masaya talaga yung trip na ito! Pero siguro mas masaya kung mga kaibigan ang kasama mo, para mas marami kayong magagawa tulad ng banana boat rides, bar hopping, tambay at kwentuhan sa beach. Bonding shit kumbaga. Bwahahahahaha! Kadiri.

+++

Susunod na yung CDO story.😀 Inaantok na ako e. Hehehe. Comment naman jan! :p