OH YES! Finally! Natpos ko din itong bagong layout! Hehehe.😀

Andami kong pinroblema sa browser compatibilities, pero since karamihan ng visitors dito ay gumagamit ng 1024×800 res at IE6, dun ko na lang binase. Pero pwedeng-pwede pa rin siyang ma-view sa Firefox, ang aking secondary browser kapag tinotoyo ang IE6 ko.

Halos pareho lang ng content nung Version 2. Mashado kasi akong tinamad para mag-dagdag ng bagong content.

Nakaka-asar at ngayon ko lang ‘to nagawa. Isang buwan na lang ang itatagal nito dahil pagdating ng June, sa pasukan, hindi na ito ang layout ko. nyahahaha…

Naasar din ako at nakuha pati ng images yung transparency…sa may alam kung pano gawing opaque yung pictures dito sa entries, patulong naman o.🙂 Hehehe.

+++

Madami pa akong ikukwento, pero mamaya na lang pag-uwi ko. Punta kasi ako sa birthday ng mom ng UPIS friend ko. Swimming daw, plus inuman at sayahan. Ayus!

+++

Alam niyo ba yung Amazing Race ng Penshoppe? hehe. Hinatak ako ni Bill para sumali doon. Napili kami bilang contestants at bukas na yung race! Hehehe. Sabi sa briefing sa amin, sa Penshoppe Glorietta daw ang start ng race at iikot kami sa Megamall at sa SM North Edsa. Ano kayang ipagagawa sa amin? Bukas na yun ng hapon! WAHAHAHA! goodluck!

live nga pala yun na i-tetelecast sa radyo sa CAMPUS RADIO WLSFM 97.1, 1pm ang simula kaya kung gusto nyong makinig, just tune in! hehehe.😀

+++

Dami kong kwento sa Cagayan de Oro! SAYA dun! tsaka na. Pati yung kwento sa Bora! Hehehe.

Dami ko ding natutunang bisaya phrases dun tulad ng…

Dili ko kabalo. (Di ko maintindihan.)

Pila ni? (Magkano ito?)

Ambot!!! (Ewan!!!)

Makakaintindi ka naman e…may similarities kumbaga, at mahuhulaan mo yung sinasabi depende sa sitwayson.

Bsata, nais kong magpasalamat kay GILLIAN sa pagiging isang napakahusay na host! Yeyeyeye! You rak!!!

Yun lang! Sige!