Kanina, pauwi ako galing sa UP Manila, sumakay ako ng FX. Habang masaya kong kinakain ang Avocado Ice na tinake-out ko sa Ice Monster, may sumakay na isang kolehiyalang may kausap sa cell phone. Maganda, maayos ang pananamit, at Inglesera.

Kolehiyala: Manong, here o.
Manong: San ‘to?
Kolehiyala: (tigil muna sa kausap sa cell phone) EDSAhh pohh. (pronounced edsuuuhhh pohh)
Ako: (sa sarili) Aba, okey to a…conyo in da house!!!

Habang binabaybay namin ang Quezon bridge patungong Quiapo, biglang pumreno si Manong driver! Montik na kasi kaming mabangga!

Ako: (biglang kumapit sa sabitan)
Kolehiyala: ANAK NG PUTANG INA!!!
Ako: nyi!
Kolehiyala: (wa-poise) Ay sorry po. (sabay tawa…)
Ako: *tawa tawa tawa*

hehe, un lang. :p Ang saya talagang sumakay ng FX! *lol*

+++

Papuntang UP Manila, bus naman ang sinakyan ko. Hehe. Siksikan na e, pero nakaupo naman ako sa may EDSA na. Pagdating sa may Banawe, may sumakay na matandang babae at wala siyang maupuan. Tumayo ako at binigay sa kanya ang upuan ko. Masarap talaga ang pakiramdam kapag may ginawa kang maganda sa kapwa.😀

+++

Next trip out of Manila? Cagayan de Oro! WAHOO! April 19 hanggang 22. Kina Gillian kami titira at mag wa-white water rafting kami doon sa Cagayan de Oro River! Nice eh? Mini-imed outing ito dahil bukod sa amin ni Gideon, sasama na rin si Maan, Abe at si Kathy. Hehehe. Ayus! :p

+++

Ako’y kulay tsokolate na talaga. Hehehe. Tas may shades “tan-line” ako sa mukha. Nyahahaha! (Dat may itawag na sila doon e). Para akong may “invisible” shades dahil may lighter na part sa sa mukha ko dahil sa pagkakabilad sa araw habang nakasuot ng sun glasses. Wahehehe. Babalik pa kaya ako sa dati kong kulay?

+++

Wala na akong oras para palitan itong layout ko. Hehe. Ok na yan, bahala na. Gumagana pa naman e.