I’m off to Tagaytay later this morning! Hehe. Raracket ako sa wedding photography business ni ate mi at kuya lem. Nyahahaha! Hmm…they promised me P1000 for my services, but I told them it really depends on how many muscles i’ll strain or how much i’ll sweat. Rayt?
 
Physical Exam
Wednesday was a blast! Dumaan ako sa pagkahaba-habang traffic sa C5 at sa EDSA para lang sunduin si Maan in Sta. Rosa at bumalik sa Maynila para umabot sa 11am na cut-off sa physical exam schedule ko sa PGH. Hehehe. Ayus! Dumating kami sa Health Service ng 10:55, nung una ayaw na akong bigyan ng PE form ng nurse, bumalik na lang daw ako ng 2pm! HAYNAKO! gigimik nga kami, di yun pwede!
 
Kaya nagmakaawa ako.
 
Sinabi ko luluwas akong probinsya nung araw na yun at hindi na ko uli makakabalik sa Maynila. Tinanong niya kung saan ako luluwas. *At dahil galing akong Sta. Rosa kinaumagahan, naisip ko…LAGUNA!*
 
Siyempre, bumenta! Yehey! Pinag-PE din ako.
 
Dali-dali kong finill-outan yung form. Montik ko na ring makaligtaan ang pinakaimportanteng kataga sa form na iyon:
 
“I refuse to undergo rectal and genital examination. Thank you.”
 
Buti na lang at pinaalala nung nurse. Hehehe.
 
Homecoming
Pagkatapos kong magpaphysical exam, pumunta kami nina Maan at Kathy sa…GREENHILLS! Hehehe. Matagal na rin akong hindi nakakapunta doon! Huli kong punta ay nung 4th year highschool pa ako. (Well, actually pumunta ako doon nung Octobver nung nanood kami ng Cabaret ng nanay ko, pero gabi yun e, di bukas ang tiangge.)
 
Noong huli akong pumunta doon, sinabi ko na babalik ako dun pag marami na akong pera. Kasi nung pumunta ako noon, wala akong dala, nagkayayaan lang kami ng mga kaibigan ko. Hindi na ako nakablik mula noon.
 
Kaya ayan, nung nandoon na ako, hindi na ako nagaksaya ng panahong isipin pang “makakabalik pa naman ako dito, kaya di muna ako bibili.” Kaya, chenen! Nakabili ako ng isang pares boardshorts na magagamit ko sa Boracay! Yahoo!😀
 
Para sa karagdagang impormasyon sa aming gimik, basahin niyo na lang ang blog ni Maan.😀
 
Nyahahaha! Agad ko ring nabawi ang iniisip kong hindi  na uli ako makakabalik sa greenhills…kanina lang dun kami galing nina Mela at Ate Mi! At…chenen! Bumili ako ng bagong sandals/slippers na gusto talaga ni Maan para sa kanya pero ako pa yung unang nakabili, hehehe. Havaianas Surf! Hehe. Akala ko kasi doon lang nabibili yun e, kaya dun kami pumunta.
 
But no! Pagpunta namin sa Podium (dahil may gazillion meetings si ate mi doon) Aba! binebenta din pala ang havaianas sa Celio, Gas, Sessions, at may isa pang store na hindi ko na maalala. Wala lang…summer na summer na talaga ngayon!
 
Kumain ako kanina, mag-isa, sa Pinoydon sa Podium, kasi iniwan ako ni Mela dahil may sinamahan siyang boylet. Asus! Si ate mi naman nakikipagmeeting. Nakakainis pala mag-mall mag-isa no? Hanakngtokwa, naubusan pa ako ng battery! Panic naman ako kaagad. Buti na lang at alam ko kung saan nakikipagmeeting si ate mimi at pinuntahan ko siya agad doon.
 
Buti na lang at hindi ako sa Megamall o kaya sa Festival nawalan ng battery! Baka makarinig ang mga shoppers ng:
“Calling the companions of a lost boy, wearing a yellow shirt, blue shorts and green havaianas. Please proceed to the customer service counter. Thank you!”
Hehehehe. Ayus!
 
Boracay  
Sa Sunday na ang alis namin to Boracay, aka Bora! Yahoo! :D Wala lang. Ibigsabihin, hiatus na naman itong si blog ko. Hehehe. Parang di na to nasanay.