Matagal na rin bago ako muling nakapagtipa ng mga letra dito sa screen na ito.

Matagal na rin bago ako nakapagtipa dito nang walang iniintinding dapat pang gawin. Mga bagay na mas importante kaysa pagsusulat ng mga walang katuturang letra, salita, at mga kataga.

Ang tagal ko na ring hindi nakapagsusulat ng matinong talata.

Fragmented kumbaga sa Ingles.

+++

Dumating na rin ang pinanabikan kong araw ngayong Marso. Kahapon yun, March 23. Dahil sa araw na iyon, opisyal nang NATAPOS pagiging INTARMED ko. Huling araw ko na ng kolehiyo noong Martes, at pagdating ng Miyerkules…ano na ako? Isang mabuting batang magsasaya buong summer habang hinihintay ang June…ang pasukan sa Medicine Proper. Oo, FRESHMAN na naman uli ako. Baguhan na naman sa panibagong serye ng katoxican. Pero dito, mas may halaga na ang TOXIC. Dahil hindi na pangkolehiyo ang antas ng kahirapan, bagkus, pang…MATANDA?

Lumabas na ang listahan ng mga magiging kaklase namin. Sila yung mga nakatapos ng apat o limang taon ng pre-med. Sa amin? Hamak na dalawang-taong paghihikahos at kahirapan ang tanging pantapat sa kanila. Magiging kaklase ko ang ate ng kabatch ko nung highschool. Dati, ate olvia ang tawag ko sa kanya…ngayon, Olivia na lang. Weird meehhhnn…

Pero ganyan talaga ang buhay. Kasama yan sa package deal na sinang-ayunan namin nang pasukin namin ang programang Intarmed. Kasama ng kawalan ng tamang maturity, at katibayan ng loob…sa pagpasok namin sa med proper, nawa’y hindi kami mabigla masyado.

Iniisip ko na lang, pang 31 na kami na batch ng Intarmed. May nauna nang 30 pulutong na ng mga immature, isip-batang mga bugoy ang nag-aaral, nakapag-aral, at nakapagtapos na ng Medisina. Kung kinya nila, bat hindi namin kakayanin?

+++

May exam pa ako sa Biochem ng Lunes. Technically, hindi pa talaga ako TAPOS. Kung hindi maeexcempt sa finals sa Biochem at Zoo 30, edi may finals pa ako next week. Ewan. Sana naman wala na.

Kaya ayoko munang matapos ang pagiging emosyonal ko sa pagtatapos ko ng dalawang mahhiirap ngunit makakabuluhang mga taon ko sa kolehiyo. Mashadong preemptive. Tsaka na, pag tapos na talaga. :p

+++

Pero siyempre, celebrate naman ako kahapon! Hehehe. Kasama ko ang tatlo kong kaibigan sa Diliman, ang aking Muvifriends. Nanood kami ng CONfidence sa Galle, pero tangina, MALING PAGPILI NG MOVIE. It sucked…BIGTIME! As in wala akong mahanap na magandang point ng movie. WAG NA WAG NYONG PANONOORIN oki? Sayang lang tuloy ang P106 ko. Nyar!

Gauynpaman, pumunta kaming Metrowalk na lang para kumain at magbonding. Hehe. Angtagal ko na silang hindi nakakasama. Masyado kasi kaming naging abala sa kanikanyang mga requirements. Kumain kami sa Chicken Bacolod…at doon nagstay hanggang 11pm.

Hehehe, para lang kami uli nung highschool. Lalabas ng Sabado ng gabi, manonood ng movie (hence the name), at magkukwentuhan sa isang restaurant na bukas hanggang hating gabi. Pero ngayon, hindi na kami highschool, at hindi rin Sabado. Pagkatapos sa Metrowalk, nagkayayaan pa sa Starbucks. At doon kami nagkwentuhan pa nang nagkwentuhanm kasaliw ng nikotina at kape.

Deng..doon ko lang naramdaman na sobra ko pala talaga silang namiss.

Naaliw ako kapag nag-uusap kami. Eto kasi composition namin, dalawang lalaki, dalawang babae. May isang Engineering, may isang Psychology, may isang Business Administration, at ako…isang Med. Dalawa sa amin, org ang buhay, ako kasama yung isa pa, wala man lang isang org. Silang tatlo, galing Diliman, ako sa Manila. Kaya ang daloy ng storya…paiba-iba.๐Ÿ™‚

Kahapon na kami lumabas imbis na hintayin pa ang next week kasi kahapon lang talaga kami libreng apat. Next week, puno na naman sila ng exams. Ako, iisa na lang. Siguro magiging madalang ang panonood namin ng movies ngayong summer. Busy kasi lahat…

Natapos kami nang pagsarahan na kami ng Starbucks. Mga 1:30, hinatid ko na sila (ako yung may kotse), at umuwi na ako. Iniisip ko habang pauwi na sana, kahit nasa medproper na ako, makasama ko pa sila. Drama.

+++

Ang ganda ng summer schedule ko! Hehehe…Excited na ako talagang-talaga!

Wala pa akong schedule ngayong mga huling araw ng March…nakatuon lang sila sa pagtatapos ng mga requirements etc, pero pagdating ng April…

*APRIL 7-10 – Bacolod
Gusto yata akong isama ng nanay ko sa convention niya sa Bacolod e! Hehehe…iniisip ko pa kung sasama ako.

*APRIL 10-13 – BORACAY!
Yay! Babalik na naman ako sa Boracay! Dapat kasama ko si Maan dito, pero mukhan di siya papayagan.๐Ÿ˜ฆ Kasama ko si ate mimi at mommy dito. Si Gerson din at kanyang pep drummer friends ay kasama din namin sa private resort na tutuluyan namin. OOOHHHH YEAAHH! Bora!! :p

*APRIL 19-22 – Cagayan de Oro
Nagkayayaan kami ni Gid, yung roommate ko, na pumuntang CDO ngayong summer. Dapat talaga kasi, pupunta kaming Davao noong Sembreak nung freshmen kami. Pero hindi na natuloy. Eto, dahil libre na kami ngayong summer…mukhang tuluy na tuloy na kami! Plano naming mag white-water rafting sa CDO river. Ang masaya pa nyan, kina Gillian kami tutuloy, at sasama siya sa amin sa adventures namin! Yey!๐Ÿ™‚ Mukhang magiging masaya itong trip na ito!

*MAY 1 to JUNE 2 – US & Singapore๐Ÿ™‚
Yahoo! Tuloy na tuloy na talaga! May itenerary na kami! Punta kaming New Jersey, New York, LA, Las Vegas, Florida, Toronto, atbp!๐Ÿ™‚ EXCITING!๐Ÿ˜€

Blech. Pagdating ng June, pasukan na agad. Wahahaha! Hello new classmates and new friends!๐Ÿ™‚

+++

Nagmember ako sa Fitness First sa Rob. Mashado kasing enticing yung deal e, limited pa sa first 300 na magsasign up. :p ayun lang. Nung babayaran na, mom ko yung magbabayad. At aba! Naloko din ang nanay ko! hahahahaa! Nagsign-up din siya! Pero since dito siya sa QC nakabase, at hindi sa Manila…dun niya sa Fitness First sa ABS-CBN! Nyahahahaahaha! kasama niya sina Diet, Echo, atbp stars ng ABS! WAHAHAHA! (*if i know, kaya siya nagmember dahil doon.) mwahahahaha!

Ang hirap nga lang, ako ang magbabayad ng monthly dues. Putek…gotta save up!

+++

I’m moving to Rob Towers this June, in time for med proper. Imed pa rin ang roommate ko, at may unitmate kaming radiology resident sa pgh. Hehehe. Ayus, may kuya-kuyahan kami dun…mga mapagtatanungan ng mga bagay-bagay sa medschool. Wahahaha…

+++

Dami ko pang gustong ikwento…pero tsaka na. Hehehe. I think this is long enough for a back-to-blogging entry.

Kudos to all the grads! And to everyone else, have a meaningful Holy Thursday, Good Friday, Black Saturday and Easter Sunday ahead of you!๐Ÿ˜€