putek yan…

ayoko talaga pag may nag-aaway.

ang ayoko din pag may nag-aaway ay hindi nakikita ng isa ang point ng isa.

siyempre, pag magkaaway, hindi mo na papaniwalaan ang sinasabi ng isa.

kasi nga…kaaway mo siya. anong reason mo pa ng paniniwala sa kanya kung may reason ka na ngang magalit sa kanya in the first place hindi ba?

e kung itong kinagagalitan mo ay nagpakumbaba na’t ibinababa na ang pride niya.

nagsorry. at inamin na siya ang “may kasalanan”. na ang nangyari ay aksidente lamang, at walang intensyon upang maipahamak ang kapwa.

hindi ba enough reason na yun para mapaniwala kang totoo nga ang sinasabi niya.

lalo pa’t alam mong matayog talaga ang pride niya?

hindi ba;t sapat na yun para maging ok na kayo? ano pa bang gugustuhin mo?

nagsorry na…tapos na.

hindi pa ba kayo magbabati?

ano pa bang gugustuhin mo?