This is only my fifth post this month…hay buhay. Kahit na 19.5 units lang kami, kung ikukumpara sa 22 at 21 unit loads namin sa nakaraang dalawang sems, para kaming may 30 units ngayon! POtah…gaya nga ng sabi ni roni, eto daw pinakamahirap na sem sa intar…sabay-sabay kasi exams. Di tulad sa ibang sems, puro mid terms lang at finals ang inaatupag…dito, puro long exams. Ibigsabihin, may 4 hanggang 5 kang exams na nakaspread sa buong semestre…sa apat na subjects: Zoo lec, Zoo lab, Physics at Biochem. Idagdag mo pa roon ang FCH, IPC, NatSci at PE. putang ina, ayoko nang mag-aral…

Pagod na ako. Sana may mid-sem break.

pero patapos na rin naman kami…Kung tutuusin, last 3 weeks na ng COLLEGE ko ito. Oo, dahil pagdating ng June, nasa med proper na ako. Kung anong kinukuha ng karamihan na apat na tao’y, sa ami’y dalawa lang. Dalawang taong nagpapakatoxic, walang pahinga…kahit summer last year, nag-aaral pa rin kami ng Stat at Philippine Institutions. Ngayong summer lang kami magkakaroon ng break. Salamat naman….

Ang bilis nga ng panahon…dalawang taon na rin pala ang lumipas pagkatapos kong grumadweyt ng hayskul. tumatanda na ako, tanginangyan…mag bebente na ako sa novermber…hindi ko pa rin nararamdaman na matanda ako.

Bente, oo, dalawang dekada ng pagkabuhay sa mundo…*buntung-hiniga*

natatakot akong tumanda…ayoko pa. Pero gusto ko nang magtrabaho! Ayoko nang mag-aral. Shet, ang gulo ko naman. Hehehe…

Gaya ng sabi ni Robbie Williams sa interview sa kanya, “I could start a sentence and contradict myself 2 to three times when I end it.” Wala lang…hehee…naastigan ako sa kanya e, wala namang konek dito sa pinagsasabi ko. :]

Nadedepress ako noong nakaraang linggo. Hindi ako masaya, may paminsan-minsang mga ngiti, pero sa loob, malungkot pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit, pero may ilan akong mga hinuha…

1) Nabuburaot na akong mag-aral. Yung pagdating mo sa dorm, kakain ka lang, tas bubuksan mo na yung mga libro mo, tas dirediretsong aral hanggang mabagot ka’t makatulog sa desk, at magigising ka na lang ng 3AM *music: “It’s 3AM I must be lonely…”* nang masakit ang mata at ngipin dahil nakalimutan mong magtutbrush at magtanggal ng contacts…at marerealize mo, wala ka pa palang naaral talaga…

2) Namimiss ko na ang mga hayskul friends ko. Silang lahat nandun sa Diliman, nagsasaya kasama ang isa’t isa, habang ako, nagpapakatoxic sa Maynila. Hindi naman ako nakakadalaw dun, pano ba naman kasi ang sked ko, pag wala akong pasok, may pasok sila, pag sila walang pasok, ako meron. Ang saya…nakaumpucha…sana magkaroon uli kami ng party…..

3) Naisip kong marami akong gusto pang gawin…gaya ng: kumanta, kumanta habang nagigitara, magswimming, mag bungee jumping, magskydiving, pumunta sa US, sa thailand, sa China, sa Korea, sa France…gusto kong magmagic! gusto kong kumuha ng mga litrato, gusto kong sumali ng org, gusto kong maging student leader, gusto kong magrally laban sa UP budget cut, gusto kong magtrabaho, gusto kong magkapera, gusto kong magluto, magbake, magdrive ng motorsiklo, gusto kong magBLOG, magsulat ng nobela, magpiano, maglaro ng volleyball, magdirek uli ng PLAY! na hindi ko magawa ngayon dahil nag-aaral ako, nonstop, 24/7…ala-SUN cellular. Tangna…

Ayoko na talaga…putek yan. WAHHH…kill me now. :[