*nararamdaman kong magiging photoblog na rin tong blog ko eventually, at tuwing bakashon lang ako nakakasulat ng matitinong posts…[sigh…]*

Noong Huwebes ng gabi, pumunta kami nina Tara, Ants, Kathy, Maan at ako sa UP Fair sa Diliman. Hehe. Tutugtog kasi yung 3 paborito kong mga banda ngayon na OPM, Moonstar 88, Sugarfree at Spongecola.πŸ˜€ Idagdag pa roon si Kitchie Nadal at ang shawarma na isa sa mga pinakapaborito kong meryenda. :]

Unang beses kong pumuntang UP Fair, kahit na buong buhay ko’y sa UP ako nag-aaral. Last year, hindi kami nakapunta dahil may exam yata kami noon sa Zoology 10. Pero ngayon, dahil may kotseng dala si Ants, at napostpone ang exam namin sa Biochem ngayong linggo…CHENEN! nagkayayaan kami sa FAIRplay, ang UP Fair 2005.

Beta Sigma Sorority ang sponsor sa araw na pumunta kami. Kinagabihan, (wednesday), Scintilla Juris Fraternity (frat ng dad ko). Nandoon daw yung buong pamilya ko nung Wednesday…nyahaha. :]

Pagdating namin sa fair, nakita ko si Mela na nakapila sa ticket line. Buti na lang, mahaba-haba kasi yung pila…kaya nagpabili na lang kami ng ticket sa kanya. Nandoon na rin sa loob ng fair yung dalawa ko pang kapatid…si ate mi, may booth, si Gerson, nandun lang.πŸ˜€ Hehe.

Nakakatuwa at napakaraming stalls o booths, ‘di tulad sa mga napupuntahan kong fairs dati (lalo na sa UP Manila at UPIS fairs). Maraming mga tinda, mga pagkain, mga damit, mga kung anu-anong mga abubot. Heaven na sa amin ni Maan yun…mahlig kasi kami sa mga Tiangge…WEEE…kaya madalas na nauubos pera namin…:] Ang masaya pa, nasasaliwan ng magagandang tugtog ang paglilibot mo. Tsaka may mga rides pa!

Sumakay kami nina Maan at Tara at Ants sa Octupus. Alam kong maraming mga nadisgrasya na sa pagsakay doon, pero whaddahell…experience din ito no! Masarap kaya yung feeling na binabalibag ka. Nakakatawa ding isipin na yung controls nito ay purong mechanical lamang, walang compu-computer! Nakita ko na yung control booth ay may dalawang metal levers lang na pinag-iiba-iba yung levels! Dapat pipikchuran ko, pero pinasakay na kami, kaya hindi ko na napikchuran…


Noong nasa taas na kami, (habang sumasakay pa yung ibang mga tao sa baba), nagpicture kami ni Maan. Hahaha.πŸ˜€ Dala-dalawa lang bawat karo sa ride, puro mga couples…Hehe.πŸ˜€ Wala lang.

Kung gaano man ka-low-tech yung Octopus, may hightech naman na screen dun sa may gilid ng stage! Astig! Pwede kang magsend ng picture o text via Bluetooth doon mismo sa screen at lalabas na in REAL TIME yung pic mo sa screen for all the people in the fair to see! Hehe. Nag pictire kasi kami nina Maan, Ants at Tara bago sumakay ng Octupus, at yun yung sinend ko…at chenen! Nag-appear nga!πŸ˜€

ASTIG talaga! So i tried sending more pics tulad ng solo pic ni Kathy, group pic uli namin, tsaka logo ng Intarmed. Ahahaha…putek…wala nang hiya-hiya! Kapalan na lang ng mukha ito!

Ayun, tas sakto…tumugtog na nang sunud-sunod ang mga paborito kong banda! Yey! Ganda ng timing! At putek talaga, idol ko na si Yael ng Spongecola! Kahit na sumigaw siya, at mag growl na at lahat…pagkumanta siya pagkatapos, hindi pa rin paos!!! Pulido at buo pa rin ang boses!!! Sobra, bileeeeebbb!πŸ˜€ At kinanta nila yung Lunes, na paborito kong kanta nila! OHYEAH. kewlness.

At wala pa ring tatalo kay idol Ebe sa pageentertain ng kanyang mga tagapanood. Hehe…gaya nga ng sabi ni Maan, performer talaga siya, hindi lang siya kumakanta…napapatawa pa niya ang lahat! Hehe.πŸ˜€ Astig! Yeyeye.

Si Kitchie, nung kumanta, naka T-shirt lang na white. Hindi baby-tee a…as in T-shirt na panlalaki. Gayunpaman, maganda pa rin siya at magaling kumanta! Kaya kahit nakat-shirt lang, OK pa rin!πŸ˜€

Moonstar, siyempre kinanta yung forever song na Torete, kahit hindi na sa krashable Acel ang kumakanta…hehehe. Sana magrelease na sila ng bagong album…para may bago akong bibilhin na CD. Hehehe.

Alas dos na nang umaga kami umalis, pagkatapos ng Sugarfree, kahit na pupunta pa kaming Manila Zoo ng 9AM ng Biyernes. Hehe. FIELD TRIP kasi namin para sa Natsci 50. Putek, Manila Zoo…ang saya-saya! :

Masaya yung gabin yun, lalo na’t dahil nakapunta akong fair kasama si Maan.πŸ˜€ Hehe, sana next year maulit uli yung pagpunta namin…at sa mga susunod pang taon…nga pala, monthsary namin ngayon, kaya ikaw na babae ka, kung binabasa mo to:


HAPPY 9th! Ambilis ng panahon…hehe. ;p

Yun lang po…may TEMPORARY quiz pa kami sa Zoo lec bukas. Hindi daw matutuloy pag behaved kami. (Para talagang Elementary amputa).

Sa Sabado naman, tuluy na tuloy na ang 3rd Biochem exam! Ang saya-saya!

buti na lang at walang pasok sa Firday! Yehey!πŸ˜€

Iba pang mga bagay:

  • nagpalit ako ng XP theme to Panther theme ng Mac. Astig! Ganda ng screen ko, tsaka ng icons tska ng mga kulay! Galing talaga ng Mac sa pagdedesign…hehe. Alam ko, mapagpanggap na ako…nyahahaha…
  • gaya ng sabi ko sa sideblog, nakabili na ako ng k-hon!!! yahooo!πŸ˜€
  • unang live performance ko sa med bilang percussionist noong Biyernes sa Acoustic Nights…hehe.πŸ˜€ mejo sumablay, pero kaya naman.πŸ™‚
  • Ang labanan sa UPM USC Chairpersonship ay piangtutunggalian ng dalawang med students: si Nickson Austria ng Class 2009 at si Albert Domingo ng Class 2008. Hehe…world war na ito sa College. Hahaha…
  • nalaman ko lang last week na may libreng wifi access spot sa Med!!! Hehehe, ibigsabihin nun na kung WiFi enabled ang iyong gadget (laptop, o PDA), pwede kang magsurf sa internent nang libre. Kailangan ko pang bumili ng PCi Card para magwork ang WiFi nitong laptop ko, mga P2,500 yun. E dahil nakabili na ako ng khon (at pinabili ko yun sa tatay ko), eto na ang bago kong piang-iipunan.πŸ˜€ Para pagpasok ko sa med proper sa Hunyo, ready na akong magbabad sa libreng internet sa college! ASTIG!
  • May med mission kaming pinaplanong samahan sa Abra. April 16-20, hehe.πŸ˜€ Kung matutuloy kami, ikalawang immersion trip ito naming magkaklase…ang una bilang yung field trip namin sa Sto. Tomas, Batangas ngayong Miyerkules. Yay!
  • Tuluy-tuloy na ang mga interviews ng mga lateral na magiging kaklase namin sa med proper…hehe.πŸ˜€ Magiging kaklase ko ang ate ng highschool friend ko, o diba? Hahaha.πŸ˜€ Tas yung kaklase ko naman ngayon, magiging kaklase namin yung kuya niya! Hahahahaha…
  • May sakit pa rin ako, 2 linggo na. Hay nakooo….wowowowowowwwww….
  • Ang dami ko palang sinabi dito sa post na to no? Kahit na 3 na nang umaga…shet na malagket…sige, may PE pa ako ng 7am bukas. Paalam!