HAPPY VDAY TO ALL!!!


yey! Araw na naman ng mga puso! Hehehe. Sa totoo lang, ngayon lang nagkaroon ng meaning talaga ang v-day sakin sa buong buhay ko. :] Naks. Kaya masaya ako ngayon. Hehehe.😀 Di ko na nga matandaan kung nakapagbigay na ako ng Valentine’s Card sa sinumang crush ko dati…ewan. Basta, masaya ako ngayon dahil meron akong reason to celebrate Valentine’s Day! Hehehe.
[Yung pic sa taas, gawa ni Ants, kaklase ko.]

wala munang post uli siguro this coming week. marami akong kailangang asikasuhin sa school, isa na naman pong umaatikabong toxic week ngayon. bukas, may quiz kami sa lab. sa thursday, departmental na namin sa 48 and 72 hr chick embryos. sa sabado naman, BIOCHEM exam na naman. hay buhay.

kailangang maghikahos sa pag-aaral. mahirap na, ayokong madelay. planado na ang summer ko. :p

kung may fair sa Diliman mula monday to friday, aba, papatalo ba ang med? Hehehe. Sa friday, may mini-fair na gaganapin sa college. Ganda-e…may biochem exam kami ng sabado. Leche. Hehehe. Sana nga maenjoy namin…