i’m sick.

*ubo ubo ubo*

Noong isang linggo pa ito. Noon, hinog pa ang ubo…(ibig-sabihin, may plema…yaki) hehe. Pero ngayon, DRY COUGH. ugh. masakit sa lalamunan, tas kapag nagsasalita ka, tsaka ka lang ma-uubo. Hay nako. Buti na nga lang at ‘di ito nasabayan ng sipon.

*ubo ubo ubo ubo*

Katatapos lang ng 2nd exam namin sa Biochem. Ok lang, at least ngayon, dama kong mas marami akong nasagot kanina kaysa dun sa 1st exam. Pero hindi din ako ganun kasigurado. Ganun din feeling ko nung 2nd exam ko sa Gen Chem, leche…tumataginting na 54% ang nakuha ko. O diba? Hehe…gaya nga ng sabi ni Prof. Yao sa Organic Chem, “We’ll never WILL know!!!”

Sa totoo lang, marami naman talaga akong libreng oras ngayong linggo. Libre na ako ng Tuesday ng gabi. Pero pinagtyagaan ko pa ring basahin ang module sa Biochem, at kaunting hapi-hapi kasama si Maan my baby. Hehe.😀 Kasi, naisip ko…sa buhay ngayon, di na pwede yung walang bahala lang pagdating sa pag-aaral…kailangan mo ding maghikahos, pero kasama din siyempre nun ang paminsan-minsang hapi-hapi! Hehe.😀

Gere and LopezNoong Miyerkules, bagong salta na naman ang mga pelikula sa Rob. Nacancel yung 1pm class namin, at eto’t saktong nanlibre si Val ng movie! Hehe. Nanood kami ng SHALL WE DANCE? nina Richard Gere, J. Lo, at Susan Sarandon. Nagustuhan ko yung movie. Napaka-moving niya, at naiisip ko na naman ang aking passion sa pagsasayaw dati..*sigh* Masaya kayang mag-ballroom dancing, sa una akala mo madali lang, pero paginaral mo talaga, maiisip mo na skill iyon talaga na dapat mong idevelop…hindi lang siya basta-basta natututunan. Kahit na ayoko yung role ni J. Lo dahil super babaw niya at lahat na…all in all, yung message na gustong sabihin nung movie was really meaningful….bsata, panoorin nyo na lang. Sobrang OK yung ending, grabe…lalo na pag kasama yung background song na “the Book of Love” ni Peter Gabriel. *inlab si rald, pagbigyan…*

Feeling ko, pagtanda ko, mag-aaral na rin ako ng ballroom, at sana…ang kasayaw ko yung asawa ko diba? Hehe…para masaya! :]

Nagpagupit na rin ako sa wakas. Hehe. Patawad, at hindi ko din nasunod yung mga sinabi nyo…gustuhin ko mang pahabain ang buhok ko, sadyang hindi talaga ako gusto ng barbero…

Ang sabi ko kasi, “Manong, pakiiklian lang ho”

Barbero: “Ahh, ano ba? Shower cut?”

Ako: “Ahh, ano ho ba yun? Pakisundan na lang ho yung korte ng buhok ko, mas maikli nga lang ho, tsaka mas manipis…”

Barbero: “Ganun nga. Sige.”

Ako sa sarili: “Siyet, bakit ba kasi ako sa barbero nagpagupit? Mamassacre-in nito ang buhok ko!” [habang patuloy na nagdadasal na maganda ang kalabasan ng gupit barbero]

Pano ba naman, ayoko nang magpagupit sa Bruno’s o kaya sa Bench Fix dahil kapus na ang pera ko…kaya doon na lang ako sa P50 na gupit sa kanto ng Apacible at Agoncillo, sa malapit sa dorm. Paiiklian ko lang naman e…siguro naman kaya na nila yun diba?

BUT NO.

Gaya ng suspetsa ko, minsassacre ang buhok ko…nilabas ang pangshave…at unti-unting lumamig ang pakiramdam ng ulo ko. Senyas iyon na tuluyan nang naputol ang mga buhok kong dati’y nakatakip sa tenga’t batok ko. Potah…ayokong tumingin sa salamin nung una…natatakot na baka pangit ang kalabasan. Pero ano pa nga bang magagawa ko, naputol na e, wala nang atrasan ito pare.

Kaya hinayaan ko na lang ang tadhanang maghatol kung ano ang nararapat na bagong gupit ko. At eto ang lumabas:

Sabi naman ni Maan, ok sa akin. Hehe. Kahit pinagpipilitan kong mukha akong taga-militar. Hahaha.😀 Ok na rin, kailangan kong tanggapin…najan na e. :]

ayun na lang muna.😀 may mga kailangan pa akong gawin. skul stuff. :p