Isa na naman pong kapanapanabik na…

BLOGTIME ni GERALD!

Hehe. Ok ba ito? Weekly na lang ang update ko. Katoxican nga naman talaga. Natapos din kanina ang Physics 52 exam. At shet, gaya ng iba kong mga exam mula sa DPSM, naipraktis ko na naman ang aking kasanayan sa panghuhula ng sagot. Multiple choice kasi lahat. Hehe.😀

Ano bang nangyari nitong linggong ito? Enumeration na lang para madali. Hirap akong magsulat ng cohesive ngayon e. Detox mode ako, so bangag as always.

ACADS:

  • Lunes na ako nagpahatid pabalik sa dorm. At noong Lunes ko na rin nagawa ang Lab Manual ko na noong Linggo ko lang nalaman na due pala kinabukasan. :[ Pero ayos lang, mabilis naman akong kumopya…wala nang isip-isip na nalalaman. Ahahaha. Pero pagdating ng lab class ko, leche…sa Huwebes pa pala ipapasa. Nyorkis.
  • Martes ang pinakanakakapagod na araw para sa akin. Nag-PE ako nung umaga, Table Tennis, ka-doubles ko si Maan. Unang game namin, panalo! Hehe. Pero ang mga sumunod…chenen! Talo.😀 Pero ok lang, pass or fail lang naman yun…ang importante, nagsasaya hindi ba?
  • Nagkaroon kami ng suprise quiz sa zoo lec. harump! Hindi ko alam kung bakit ba nagbibigay ng ganon ang mga profs. Sadista talaga!

  • Magdamag akong nagbabasa ng summarized readings sa STS, dahil sa umaga ng Miyerkules, Long Exam na namin. Inaral ko din yung nakuha naming exam paper nung upperclassmen namin. Hehe. At kung nalaman ko lang na uulitin lang yung exam ngayong taon…huwell…sana yun na lang pala ang inaral ko! Hehe…DPSM=most earth-friendly department! Wagi.
  • Miyerkules naman ng gabi…magdamag akong nagbabasa ng Physics na libro ni Giancolli dahil sa Huwebes, may mock-exam kami, at RECORDED siya. Hay nakooo…sana hindi diba? Pero oo. Napakastressful din ng araw ng Huwebes dahil late nang dumating yung proctor, mga 1:50pm na…e ang klase namin ay 1-2:30…Wala kaming naggawa kundi kunin ang exam ng trenta-minutos…isang eksamin na inilaang kunin ng isa’t kalahating oras…potah.
  • On the brighter side, mas naging OK ang pagcacram nang maaga dahil ang Physics exam namin ay ngayong Sabado lang. At least, nakapag-aral na kami nung Miyerkules pa lang, at relax-relax na lang ng Huuwebes at Biyernes.😀

  • Kaya…nanood kami ng Blade Trinity ni Maan nung Huwebes ng gabi! :] Ok lang, maganda ang fight scenes…pero hindi naman ako ganon ka-fan ng action e. Mas gugustuhin ko pa ang romance kesa dun. Ahahaha. :]
  • Oo nga pala, nanood kami ng Meet the Fockers nung Wednesday! Niyahahaha! FUNNNYYYYYY sobra!😀 Parang yung una din! Wahahaha!😀 Great detox movie. (Pero kami, hindi detox, kasi may paparating pa na test pagkatapos nun).
  • Huwebes at Biyernes ay nakalaan para sa pagmememorize ng formulas at concepts ng Pisika. Sa totoo lang, eto yung part ng Physics na wala talagang gaanong application sa buhay dahil microscopic…mga charges, mga circuit circuit. Pang engineers kumbaga.😀 Pero kahit papaano, nag-eenjoy din ako, totoo! Mas gugustihin ko ang physics na ganito kaysa Biochem at Orgchem no! Pero pinakagusto ko pa rin ang Zoology!😀 ahahahaha!
  • At kanina, Sabado…test na nga namin. :[

TULOG:

  • Iba na ang sleeping habits ko ngayong nakaraang tatlong linggo. Matutulog ako ng 8 hanggang 11pm ng gabi…at iinom ng kape. Tapos, gising na ako magdamag. Nagkakaroon na rin ako ng induced insomnia araw-araw. Ito yung mga oras na gusto ko nang matulog, pero dahil nakatikim ako ng caffeine…goodbye dreamland. Matagal-tagal akong nagmumuni-muni at nakatitig lang sa glow-in-the dark stars at planets ko sa ceiling ng dorm tuwing matutulog na ako ng 3am. Kaya hirap din akong gumising pag 7am ang klase, 3oras na tulog = not enough sleep. (0_o)
  • Kaya ngayon, naniniwala na ako sa pag-aadd ng hours of sleep. Kung nakatulog ako ng 3 hours sa madaling gabi, at 3 hours ng madaling araw…edi 6 na oras din yun ng tulog para sa buong gabi! Hehe.

AT IBA PA:

  • May mga exams na naman kami next week, pero parte lang din yun ng pagiging professional students namin. Mga quiz dito, mga long exam jan. Ayon. Buhay na namin ang pag-aaral, at mejo matatagalan pa ako. Limang taon pa bago ako makapagtapos sa aking napiling kurso.🙂
  • Napanood ko na rin pala ang My Sassy Girl sa wakas (oo na, alam kong super tagal na nito, pero diba mas OK nang napanood ko kesa sa hindi ko pa napapanood diba? :] ). Pero last week ko pa napanood. Hehe. Ang galing ng story! Ayus!!! Hehehe. May weakness talaga ako sa realistic romance movies…as in! Kahit yung My First Romance nina Heart (ultimate crush) at John Prats, pinapanood ko kanina…tinataasan pa rin ako ng balahibo (read: kinikilig). Wahahaha! Jologs na kung jologs…wala na lang pakialamanan. ;p
  • Namove nga pala yung Mediscene next week…onti lang kasi yung sasali kung nung Friday. Nagback-out kami last week, tas nagback-out din pala yung 2008, at 2007. Ayon. So ang maglalaban na lang ay 2011 at 2009. Ahahaha! Dalawa lang silang maglalaban. Nyahaha…
  • I switched to Firefox browser na din. Hehe…mas ok nga ata, yun nga lng, yung mga hindi pa Firefox safe na sites…iba ang labas.🙂 Switch na din kayo…I think mas mabilis ito kaysa IE explorer.😛 Ayon lang. :]