gusto ko lang maglagay ng tatak na mag-aalas-singko na ng umaga at gising pa rin ako…katatapos ko lang gawin kopyahin yung problem set namin sa biochem. ewan ko ba’t kahit na optional lang yun e pursigido pa rin akong tapusin yun.

mamaya, pinaplano kong magjogging sa roxas…1pm pa naman kasi klase ko. lab exam din namin mamayang 4pm. tapos sa sabado, long exam ko na sa biochem. di ko pa rin namememorize yung 20 amino acids, na kung hindi ko maggawa by tomorrow, panibagong adisyon na naman iyon sa mga bagsak kong marka sa mga chemistry at math subjects ko. ayoko talaga sa DPSM (dept of physical sciences and math)! leche kayo! harump… :[

nagugutom na ako…naman…kagabi, 3:00 na ako natulog. gumising ako ng 7am para sa STS. at gising pa rin ako hanggang 5am. hahaha…dalawang oras na lang at 24 hours na akong gising. niyahhahahaha!🙂

rald…on his 22nd hour of sleeplessness…is now signing off. :]

zzzzzzzzz

*edit edit*

this post was last edited by rald at 8:42pm, January 13, 2005

kauuwi ko lang. natuloy akong mag-jog sa roxas, pero imbis na kaninang umaga…ngayong gabi ko ginawa. hindi kasi ako nagising kanina e. :]

katatapos lang din ng zoo lab exam namin, at super stressing ang nangyari sa mga nakaraang dalawang araw kaya’t kailangan ko ng physical activity para mawala ang stress. EHERSISYO lang ang katapat nun.🙂 hahaha. Bukod pa doon, hindi ako nakapag-PE noong Martes dahil hindi ako nagising. Ok ba yun? hehe. kaya ayun, kanina…dun ako sa Roxas Blvd, tinakbo ko mula Pedro Gil hanggang Quirino Ave. Dalawang ikot…tapos naglakad pabalik dito sa dorm. Ngayon, hyperactive naman ako…bwahahahaha…

‘Di pa nga pa pala ako kumakain…naririnig ko nang nagugurgle ang aking tiyan. Nakupo.

Cge…yun lang.🙂