BABALA:

muling nagbabalik ang katoxican…

pasukan na naman.

:[

Mukhang mas dadalang ang aking pagboblog ngayong buwan ng Enero…siyeett. Next week exam na namin sa embryology, sa susunod, physics na. Tapos nagbabadya pa ang biochem at zoo lab. Hanyak…sana pala’y nagkaexam na kami noong Disyembre, para bawas toxicity din ngayon.

Ang sarap naman nito, unang-unang post sa bagong taon, tungkol sa acads…tsk tsk tsk…

———————–

Kwento muna ako ng mga nangyari noong nakaraang linggo, ‘di ko pa nakukwento dito kaya heto:

CANYON WOODS:

Dami naming ginawa dito ng mga kapamilya ko…mahjong, mahjong at ummm…mahjong pa uli! Haha. Oo, pasugalan na nga ang bagong business ng aming angkan. Eto ang patunay:



De…siyempre, kumain din naman kami at natulog, at naglakad at nagkwentuhan.🙂 Siyempre, kasama yun sa listahan ng mga dapat gawin sa isang family outing. Hehe.

Masaya sa Canyon Woods! Malamig, malapit kasi sa Tagaytay. Mahangin at masarap ang simoy nito. Sarap balik-balikan lalo na’t kapag sukang-suka ka sa usok sa Maynila. Tahimik pa, kaya masarap ding magpakasenti, lalo na pag gabi at mag-isa kang may katelebabad sa SUN cellphone mo. Ehehehe…

At siyempre, dala-dala namin yung Magic Sing namin, at as usual, patok ito sa aming lahat. Ang mga pinsan kong bulinggit pa nga ang nag-aagawan sa mikropono. Hehe…cute no? Sila pang may lakas nang loob na kumanta ng mga lumang kanta (mga Yellow Submarine ng Beatles, Uptown Girl, Ghostbusters, at Top of the World ng Carpenters), at siyempre, dahil Christmas season ito, ‘di rin mawawala ang mga christmas carols sa Top 10 songs sa magic mic (Feliz Navidad at Jingle Bell Rock). Hehe

Lian, Batangas – Dec. 29:

Noong pangalawang araw ng outing namin, pumunta kami sa may dalampasigan ng Batangas, sa Lian. Naimbitahan kasi kami ng pasyente ng nanay ko doon sa kanilang resthouse kung saan malapit ang beach. Hindi ako nagswimming, baka kasi mangitim ako…hehehe. Disyembreng-disyembre…naku.🙂 hehe.

Habang yung iba masayang lumalangoy sabay sa mga naghahampasang mga alon ng dagat, ako nama’y okupado sa paggawa nito:



Hehe. O diba? Ayus.😡

Dami naming kinain! Pork bbq at inihaw na pusit. Tapos may pork sinigang pa at pinakbet (ata? o basta gulay). Sarap tuloy humiga sa mga bahay kubo nila sa may dalampasigan…siesta affax.🙂

Marley in LianDala rin namin si Marley (ang aking butihing laptop) sa outing namin…at nakaabot din siya sa Lian! Hehe. Galing no? Magkakaroon na ako ng panibagong picture collection…Marley Around the World (international ito!). hehe. Magpapapicture ako kasama si Marley sa kung saan mang lugar ko siya maisama, o diba? Sana maggawa ko ito.🙂

Meron din siyang picture sa Canyon Woods! Hehe. Sa kung saan kami natulog eto:



New Year’s Eve:

Ano pa nga bang ginawa namin noong bisperas ng bagong taon kundi…MAH JONG! Hahaha!😀 Sugal na naman po mg sir at ma’am. Hay nako, pero ‘di tulad sa canyonwoods na sinuswerte ako at nanalo ako ng P240, ngayon…natalo ako ng P180. Shet na malagket…what a way to start the year! Hahaha.

At siyempre, hindi rin mawawala ang magic sing! Hehe…Tignan nyo ang set-up namin sa bahay ng lola ko:



May nagkakaraoke sa likod ng dalawang mahjong tables. O ha!😀

HamburgerDami din naming pagkain noon…grilled hamburgers, ham, molo soup, arroz caldo, puto, kuchinta, baked chicken at iba pang pica-pica.🙂 Busooooggg.

Tumalon ba kayo? Ako madaming beses…gusto ko pa kasing tumangkad! Leche, dati ako ang pinakamatangkad sa klase ko…ngayon, nauunahan pa ako ng iba kong mga kaklase noong highschool. Nyar…liit ko na tuloy. Mataba pa…ayan, nagmumukha tuloy akong……

macho.

NYAHAHAHAHA!😀

Tama na nga…mag-aaral pa ako sa embryo…’di ko pa nababasa ang Gilbert. Wenk wenk…sige. goodluck sa ating lahat sa taong ito!

Mabuhay ang Pilipino!

———————–

parang out of place yung last line…hehehe.🙂 owell papel…ok na yan.🙂