ang SUGPO.I had a pretty tiring day today. Una, pumunta kami sa may Fairview, QC para sa isang salu-salo ng mga kapamilya namin sa side ng tatay ko. Grabe…ang daming pagkain! May pansit, mechado, lechon kawali, sugpo (na sobraaaang laki, as in higante talaga, [tignan ang litrato]), minatamis na saging na saba, cassava pie, pakwan, at kung anu-ano pa! Parang post-noche buena tuloy ang dating.🙂

Pagkatapos noon, pumunta kaming Robinsons Metroeast ng mga kapatid ko. May imimeet kasi si Mela doon, at sinamahan na namin siya. Tsaka matagal na rin akong nangangailangan ng bagong rubbershoes kasi sira-sira na yung rubbershoes ko na dalawang taon ko nang ginagamit.

Nike Air Max TurbulenceKaya…bumili na rin ako ng bagong sapatos ko [tignan ang litrato]! Naaliw ako kahit muka siyang spaceship. Kulay black kasi at silver. Niyah niyah! Hahaha. Sa wakas, makakapag jogging / running / walking na rin ako sa acad oval ng Diliman pag umaga. ‘Di ko kasi magawa dati kasi wala akong maayos na sapatos. Yahoooo! Healthy libing na naman ba ito? Bumili na rin ako ng bagong Tribu sandals (kasi sira-sira na rin yung pinampapasok ko na sandals), at bagong pantalon! Hehehe. Inikot namin ang buong metroeast habang naghahanap ng iba pang mabibili, a.k.a. (window) shopping, at habang hinihintay si Mela. *smirk* Kumain din kami ng dinner sa Kitaro, at nakakain na naman ako ng masarap na California Maki! Yum yum!

Hehe. Pero kahit pagod ako, masaya pa rin ako kasi may mga bago akong gamit! Haha. Iba pa rin ang nadarama kong pagod kapag sinasamahan ko ang isang taong magshopping at wala kang nabili pala sa sarili mo. Yung ganon, nakakapagod talaga. Hehe, pero kapag ikaw ang nakabili, onti lang. Hahaha!

——————–

Serious naman tayo…

Hokusai's The Great WaveGrabe yung nangyaring earthquake/tsunami sa Sumatra Sea no? Ang dami-daming namatay sa isang iglap. Humigit kumulang 7,500 katao na ang nairereport na patay, karamihan sa Sri Lanka. Nilamon na sila ng dagat, at siyempre, wala nang magagawa ang mga rescuers don diba? 10 meters daw yung pinakamataas na wave na pumalo…mga walong taong pinagpatong patong ang taas…naalala ko tuloy yung painting ni Hokusai entitled “The Great Wave” [tignan ang litrato]. *sigh*

Wala namang precautionary measures na pwedeng magawa sa mga ganoong tipo ng sakuna hindi ba? Kasi natural na lang yun. Ang dapat lang siguro na nangyari ay mas mabilis na warning na may paparating na tsunami. Pero kahit na, hirap pa ring magevacuate nang ganon kabilis.

Kung tama ang pagkakaalala ko sa Geol at Physics nung highschool, habang mas malayo ang lugar sa pinagmulan ng earthquake sa dagat, mas mataas ang tidal wave na tatama rito. Kaya nga kung ang eartquake ay nasa may parte ng Hawaii, ang pinakamalakas na tatamaan ng tsunami ay Japan. Tama nga ba? Hehe. Ewan. Kaya siguro mas marami ang nasalanta sa India at Sri Lanka kaysa Phuket at Sumatra.

Sana’y makabangon uli nang matiwasay at mainam ang mga pamilya at ang mga bansang nasalanta gawa ng sakunang naganap.

———————–

magic singMy mom and dad bought Magic Sing (aka Magic Mic) X-treme, the “first and only original videoke microphone in the Philippines”, just in time for our yearly Noche Buena with our relatives. My mom even used it as a catch, just before giving her pamasko to her lovely and adorable kids, nieces and nephews. *grin* She stipulated that we have to get a score of 85 or better before she gives us the lovely sum of P500. Hehehe. O diba, bata pa lang, may “suhol” na kami.

Haha…of course the catch wasn’t really that serious.😀 Everyone got his or her own P500, however low your score is, just as long as you sing.🙂

Just a few days ago, I was listening to a CD of my dad (upon discovering it on his CD rack), The Best of Simon and Garfunkle. And one of my favorite songs there was Bridge Over Troubled Waters [kaduds, oo na…napaka-oldies ko, wahehehehe. :)]. And then, while I was listening to that particular song, I began singing along with the CD. Hehe. Fortunately, that song was on the songlist when my turn to sing on the magic mic came.😀 So I sang that song! My real-time score played around 98 and 94, but finally it stopped to 93. Hehe. Ok lang, si Mela ang top singer, with 95 points. Hahahaha!😀

I really do not like singing alone. Kaya nga ‘di ako nag-eenjoy kapag nagyaya ng videoke gimiks ang mga kaibigan ko. Hahaha. Twice pa lang siguro ako nakakanta sa videoke. Promise. Hindi ko kaya, hindi kaya ng powers ko. Duet, pwede pa…triplet, lalong mas pwede. Lalo na ang quartet at choir no. Pero mag-isa…nooooo….BUUTT, after singing sa magic mic…wahahaha, wala na lang paki-alamanan ohkey? enjoy!

———————–

Iba pang mga bagay:

  • May mga pasalubong na tsokolate ang aking tita sa amerika. yahoo! At nag-stock ako ng mga tsokolate ko dito sa kwarto. Mwahaha. Pero ubos na ngayon, ang tanging meron ako ay ebidensya:

  • Pahirapan na naman ang pagtetext sa Sun noong nakaraang mga araw…nakakairita. laging message sending failed. E ang gamit ko pa namang selepono ay N3310, diba ba nakakairita yung tunog ng FAILED dun? TOOOOOOT! Hay…
  • Natatakot na ako sa mga litrato dyan sa taas ng page, nakakakilabot din pala no kapag mga litrato mo ang nakatitig sayo…FUUHRREEEAAAAKKKYYY…E Rodriguez Flyover at night
  • Nakupo, tambakers na kami ng mga exams sa unang mga linggo ng Enero. Ipagdarasal ko na ang aming katinuan sa mga panahong iyon. Tiyak na windang na naman kaming lahat…
  • Nasasanay na akong magising gamit ang alarm ng aking butihing selepono na si Zoe!😀
  • Sa mga nakakarelate, bukas na po ang fly-over sa Libis, QC patungong Katipunan Ext. Hehe, nakakaliw ding dumaan doon.😀 Pero hindi pa tapos yung tunnel…magkakonekta pa lang sila. Ayus!
  • Hindi ko alam kung anong dapat na pamagat nitong entry na ito. Hehe…doped na lang para masaya!