Mag aalas-singko na ng umaga nang matapos ang noche buena namin. Dahil doon, late na akong nagising ngayong araw ng Pasko. 1:30 pm. At simula nang ako’y gumising, sa computer lang ako nakabaling. Sinimulan ko na kasi ang paggawa ng panibagong layout para sa aking mahal na blog.

Bakit ko binago? Kasi naisip ko nakakarindi rin pala ang mga layout kapag tumatagal. Tsaka gusto ko ding regaluhan yung sarili ko, paskong pasko kasi. Hehe, labo. Kung noong mga nakaraang pasko’y bumibili ako ng mamahaling gamit bilang “regalo” ko sa sarili, ngayong pasko, bagong layout ang regalo ko. Wala kasi akong pera.😀 hehehe. Tsaka matagal ko na ring gustong gawing blue yung blog ko, marami kasing nagsasabing hindi “gerald” ang orange…hehe.😀

Wala naman masyadong nabago, nagkaroon lang ng sideblog (salamat roni!) at naging blue lang ang tema. Hehehe. Inalis ko na rin yung mga TOXIC na title dahil naiirita ako. Susubukan kong palitan ang profile page, hirap kasi akong magsulat tungkol sa sarili ko e. Pagagandahin ko din yung photos section. Hehe.😀 Ayun lang.

Mag aalas-dos na ng umaga, at narito pa rin ako sa harap ng laptop. Wahaha. Ayus ito!😀 Puyat na naman ako. Wahahaha.

Marami pa akong nais ilagay dito, pero sumasakit na ang batok ko (ewan ko kung bakit?) hehe. Cge…hanggang sa muli!

MALIGAYANG PASKO uli!