Gusto ng tatay ko ng mga kanta ng Beatles sa kanyang cellphone dahil gusto niya itong gawing ringtone. Upang magawa ko ito, nag-rip ako ng CD’s niya ng Beatles para gawin itong nasa mp3 format. Pagkatapos, sinend ko ang mp3 files na ito mula sa laptop patungo sa kanyang cellphone gamit ang teknolohiyang bluetooth.

Windang ba kayo? Ako din. Wahehehe…

Ang bilis ng panahon…at kaakibat nito ang pagunlad ng teknolohiya. Deep meehhnn….

Habang ginagawa ko ang pagririp ng mga kanta ng Beatles, binusisi ko ang isa sa mga CD, ang Abbey Road, ginawa ang CD noong 1987 (siyempre, wala pang CD nung panahon ng Beatles…) at eto ang nakasulat sa cover:


The Compact Disc Digital Audio System offers, on a small, convenient sound-carrier, state-of-the-art sound reproduction. The Compact Disc’s

superior performance is the result of laser optical scanning, …, and is independent from the technology used in making the original recording.


For best results, apply the same care in storing and handling Compact Discs as you would with conventional records. No cleaning will be necessary if the Compact Disc is always held by the edges and is replaced in its case after playing. Should the Compact Disc become soiled with fingerprints, dust or dirt, it can be wiped with a clean, lint-free cloth. No solvent should be used. If you follow these suggestions, your Compact Disc will provide a lifetime of pure listening enjoyment.



Noong mga panahong ginawa itong CD na ito, bago pa lang ang teknolohiyang Compact Disc. Ngayon, may mga mas bago at mas magagandang uri na ng mga media para sa musika tulad ng Mini Discs (MD), mga mp3 players (na tuluyang nagliliitan, nagpapalakihan ng kapasidad), DVDs at iba pa. Alalong sa ating pagtanda, may maiimbentong mas maganda pa kaysa sa mga alam natin ngayon.

Kung dati’y masaya na sila sa mga plaka at ang phonograph, pagkatapos ay ang casette tapes at casette recorders, matapos nito’y ang CD age…ano pa nga kayang susunod? Ipinapakita ba nito na hindi tayo kailanman makukuntento sa kung anumang mayroon na tayo ngayon?

Habang buhay bang uunlad ang teknolohiya?

*shet, ang lakas ng tama sa akin ng STS…*

———————–

Kaya ko lang sinulat yang entry na yan kasi natawa ako sa nabasa ko sa CD nga ng Abbey Road. Hehe. Yun lang…kaya kung malabo, ganyan lang talaga yan. Ang punto ko lang ay ang maibahagi sa inyo ang nabasa ko. Wahahaha….