Last saturday, I was at Bill’s place. It was his 19th birthday and he had a small kainan prepared by his mom for him. May caldereta (which we both looove), baked tahong, pansit (for longer life), chicken and pork bbq, at palitaw. Konti lang kinain ko kasi nagdinner na ako bago pumunta sa handaan niya.🙂

Kaunti lang din ang pumunta, short notice kasi. Tinext nya lang kami noong kinaumagahan ng Sabado. Pero ok lang, kaya naman naming magsaya kahit kaunti lang kami e. Hehehe.

Dahil dala ko ang digital cam namin, napakadami na namang mga litrato ang nakuha mula sa party. At isa sa mga litrato ay ito:



frustrated

Kinuha iyan ni JA (at inedit ko), habang ako’y nagdadrama sa drumset ni Bill. Hehe. Ilang beses kong pinapractice yung tinurong beat ni David pero hindi ko pa din magawa hanggang mag-umaga na. Hindi ko alam kung bakit hindi ko talaga makayanang matutong magdrums. Laging sablay yung paa ko at kamay. Masasabi na nga sigurong wala akong hand-foot coordination (kung meron man nun). Mashadong mabilis ang pick-up ng kamay ko, at nahuhuli lagi ang paa ko. Hay nako…kakafrustrate talaga. Kaya ko naman kapag kamay lang, kaya ko din kapag paa lang. Pero kapag nagsabay na sila, naku…patay na.🙂

Kinaumagahan, nagkukukuha pa rin ako ng pictures. May kyuuut na tuta kasi sina Bill. Noong gabi, sinusubukan kong kunan yung tuta nang parang yung nakikita sa mga notebook (yung may malaking ulo na mga aso tas maliit yung katawan). E ang likot likot nung tuta…’di ko makuhanan. Sinubukan kong tuksuhin gamit ang pagkain para sumunod yung ulo niya sa kamay ko, pero ayaw pa rin. Pero nung umaga, sunud-sunod ko lang siyang kinuhanan hanggang *click* pag nganga niya, naghikab siguro, at voila!



nyaaaarrr!

Kahit na di gaano katulad nung mga nasa notebook…ok na rin. At least Kamukha naman. *wink wink*

———————–

Wala na ang aking trusty 6610. Kanina pa ako namaalam sa kanya…dahil…

TADAHHH!!!!



Mya bago akong fone!!! Wee! May camera na ito, may bluetooth pa, tsaka magandang color display! Weeeeeeee…..Hehe. Mas madami na akong pics na maipopost ditoooowwowowow!!! Yahoo! At ang pangalan nga pala niya, ayon kay Maan, ay Zoe. Di ko alam kung babae ba o lalaki. hehe…ewan. Basta, siya si Nokia 6230 ko. Yahoooo!!!