Pagtingin ko sa orasan ko sa kwarto kanina nang ako’y gumising, nakita ko 3:30 na.

BUMANGON AKO BIGLA AT NAGPANIC. 3:30 pa lang nang umaga?? shet. pero maliwanag sa labas…

3:30 na nang hapon. oo. kagigising ko lang nun.

HUWEBES

4am na ako umalis sa christmas party ng barkada (at ‘di ko magets kung bakit ako nagpanic na 3:30 am ang una kong basa sa orasan ko). Iilan ilan na lang kaming natira sa party. Kumakain lang kami nang chichirya at softdrinks. Ubos na kasi ang beer. Anong ginagawa namin? Edi kung saan pa kami magaling…nag-uusap at nagkukwentuhan lang.

Kung maituturing na boring na ang usapan sa tuwing napupunta sa pulitika at iba pang isyu ng bansa ang usuapan, marahil mamatay na kami sa pagka boring ng gabi. Ilang beses kaming nagusap tungkol sa isyu ng kapitalismo – imperyalismo, sa pagkapanalo ni FPJ, sa pagiging defunct ng lipunang Pilipino…hay nako. siryoso ito.🙂

Sa totoo lang, 12 ng umaga ako dumating sa party. Pagdating ko, nagkakantahan sila ng mga christmas songs sa saliw ng pagpapiano ni Bryan. Taun-taon na kaming nagdiriwang ng christmas party simula Grade 8. Noon, may exchange gift pa kaming nalalaman. Ngayon, basta’t kaunting salu-salo na lang (o pot money kung tawagin namin) ayus na. Nasisiyahan ako sa tuwing may mga ganitong klase ng party ang barkada.Dahil kahit papaano, nakakasama ko rin sila kahit sandali lang, sabay ng pagdiriwang ng isang makabuluhang okasyon: pasko.

Sa mga susunod na taon, habang ako’y nag-aaral na nang medisina, at sila sa kanilang mga majors sa college…magagawa ko pa kayang makasama sila sa mga ganitong okasyon?

———————–

Ayon nga kay Tina, “Ge, it’s really your day!” Oo. Araw na araw ko talaga ang Huwebes. Kinaumagahan, naghahanda ako ng isusuot ko para sa party nina Kathy, Abe at Tippee sa Krocodile Grill sa Greenbelt. Dapat shirt lang isusuot ko, pero wala akong mahanap na maganda, kaya naisipan ko na lang na maglongsleeves na nakatiklop yung sleeves para magmukhang polo. Black Chucks ang sapatos ko para naman maging mas casual yung damit ko. Ay shet. Pagdating ko sa meeting place namin, nakamed-shirt yung mga magpapaparty. Hayup. Mas nakabihis pa ako sa mga celebrants. :

Nagconvoy kami papuntang Makati. Dala ko yung starex namin, at sinakay ang ilan kong mga kaklase. Tatlong vans ang dinala namin sa Makati. Si Ants nagdala nung isa, tas yung isa si Abe. Ako yung nasa huli ng convoy. Pagdating namin sa intersection ng EDSA at Ayala, hinbol ko ang red light pakanan sa Ayala dahil ayokong mahuli sa convoy namin. Nakalusot naman ako, whew! Pero…may nangyaring sunod. Di ko na lang kukwento dito, hirap na…Sabihin na lang natin na “There’s always a first time…”

Nakarating din kami sa Greenbelt eventually. Unang beses ko doon, promise. Hindi naman kasi ako Makati person. Mabibilang ko sa iisang kamay ang beses na pumunta akong Glorietta. Last time ko ata ay 3 years ago pa. Ang ganda pala talaga doon! EXAJ. Sabi ni Kathy, di daw dumadami tao dun…sana nga ganun, para mapreserve yung kagandahan ng place.😀

Pagdating ko sa Kroc Grill, isang nakahihindik na tanawin ang tumambad sa aking mga mata: BUHAY NA CRODOILES!!!! Putang ina…gumana agad ang aking Sympathetic Nervous System…nagpawis ako, namutla (kung makikita lang sa maitim kong balat), at bumilis ang tibok ng puso! Shet na malagket. Ako ay may her·pe·to·phobia or ba·trach·o·pho·bi·a o fear of reptiles. Oo, takot ako sa mga ahas, butiki, pati dinosaurs (kahit sinasabing hindi sila reptiles bagkus ay mammals na ibon)! Poonyeta. Minsan din saking sinabi ng kaklase ko na nakatingin daw sa akin yung crocodile…Shet. Kininkilabutan pa rin ako hanggang ngayon. *shivver* It really was my day.

Maan and Me at the Greenbelt fountainKailangan naming bumalik nang 2pm sa UPM dahil 2 “daw” magsisimula ang lantern parade. Dahil doon, pagkatapos naming magpictorial ng klase sa may central garden-slash-fountain ng GB3, bumalik na kami agad. Pagpunta ko sa Roxas Bvd., traffic dahil sa may stoplight sa CCP. Dahil nakakita ako ng mga kotseng dumadaan sa service road, doon na din ako dumaan. Pakiramdam ko kasi, mas mabilis doon. BUT NO. MAS trafik pala doon. POONYETA. Mga 15 minutes siguro kaming nakatigil lang doon sa service road, habang pinagmamasdan naming mabilis na tumatakbo yung mga sasakyan sa Roxas. Araw ko talaga iyon.

Nang makalampas kami sa may Quirino, sinubukan kong dumaan sa Mabini hanggang makarating kaming Pedro Gil. SHEEET. TRAFFIC DIN SA MABINI! Gawd. 2:30 na iyon…sina Ants at Abe ay nasa UP na, kami? Nasa may Malate pa lang. Aynako. Buti na lang nakalusot kami sa isang eskinita na itinuro ni Benjo at tuluy-tuloy na patungong UP Manila. *buntung-hininga*

———————–

Note: Wag basahin ang susunod na parte kung ayaw makabasa ng tungkol na naman sa aking pinakamamahal na kurso…

May panibago na namang karir ang Intarmed sa lantern parade. Dahil walang kabuhay-buhay ang contingent ng College of Medicine, nagsuggest ang mga kaklase ko ng cheer ng Med hango sa isang cheer na ginamit sa Sinosisans. M-ED-ICI-NE-MEDICINE! At habang nagpaparada kami paikot ng campus, nabuo din ang cheer na Medisina! Medisina! At kinalauna’y nadagdagan pa ito ng CM! CM! CM! CM! na may matching hand movements pa. Kanino galing ang lahat ng cheers? Sa imed. Sinong nagchicheer at sumisigaw? Imed. Ang suporta ng buong contigent ng Med ay nakasalalay sa Imed.

Med lantern, tied-up with Nursing at 3rd placeNaisip ko na kung bakit ganoon ang nangyari. Kung bakit imed lang ang nagchicheer samantalang ang Year Level 3 (1st year proper) ay naglalakd lamang, at walang ginagawa…kasi kami lang naman ang lehitimong undergrads ng kolehiyo. Kami lang ang pantapat nila sa mga BS Nursing students o kaya mga BS PT, BS OT, BS Pharm, BS PH ng ibang mga kolehiyo. Kami ay mga bachelor of science undergrads pa. Silang mga nasa upper year levels? Tapos na sila sa ganoong stage. Marahil yung iba’y ilang beses nang nagsisigaw sa kanikaniyang kolehiyo nang sila’y undergrad pa sa Diliman. Matatanda na kamo, kami…fresh. WAHAHAHA!

Kalahati pa lang ng parada, kalahati na ng boses ko ang nawala. Nang magtapos ito, mas malala pa sa boses ni Inday Garutay ang boses ko. Pagod na pagod ako sa kasisigaw at katatalon at katatakbo at kalalakad. *sigh* Buti naman pagdating ng gabi, bumalik uli ang kalahati ng boses ko. Ngayon, buo na uli. Yehey!😀 Sana nga lang ‘di gaanong nagagasgas yung lalamunan ko…dahil kung gano’y ‘di na ako muling makakanta…iskeyri.

3rd lang ang nakuha ng Med sa Lantern (tignan ang litrato sa taas), at 3rd lang din sa Facade competition. Wala kaming special award…I guess hindi sapat ang pinaggagagawa naming pagsigaw at pagchicheer.😦 Pero ok lang, at least, mas napamukha namin sa upper classmen namin na ang imed…buhay na buhay!

Matapos ang lantern parade, nagkaroon ng xmas party ang MSC. Super saya nung party! Kahit ‘di lahat ng members pumunta, masaya pa rin. Nagspin the bottle kami! HAHAHA! How high school. Nakakatuwang isipin na kahit mga 20+ na mga tao ang kasama mo, hindi mo maiisip na ganoon kalayo ang agwat nyo sa mga ganoong klase ng okasyon. Si chairman Lachica, daig pa si Boy Abunda sa pagiintriga kay Ate Roselyn. HAHAHA! Grabe talaga…nakakatawa!

———————–

Umalis ako agad sa xmas party dahil may “date” pa kami ni Maan. Pinagpasyahan naming magcelebrate na ng christmas nang maaga since hindi na kami magkikita pa pagkatpos kong umuwi papuntang QC at siya naman sa Laguna. Nanood kami ng Magnifico sa dorm at kumain ng mga take-out food sa Mario’s kitchen at Figaro Chocolate Cake (the best! talaga! i-try nyooo!). 11:30 nang umalis ako sa dorm…at 12 ako nakarating sa xmas party ng barkada.😀

Nakakaiyak yung Magnifico. Ang galing ni Jiro Manio. Ang bait bait ng character niya! AYUS!!! A must see, at super deserving siya sa mga awards na nakuha niya.

———————–

MIYERKULES (oo paatras itoh)

Pumunta kami ni Maan sa huling araw ng UPIS fair. Hehe. Gaya ng dati, kaunti lang din ang pumunta. Pero mas OK kasi mas OK yung mga tumugtog. Cambio, Sugarfree at Imago! Whooppee!!! Si idol Ebe ay napapirma ko! Wahoo! At may picture pa kami ni Maan kasama siya!😀 Yehey!



Nakakatuwang isipin na sa mga panahong ngayon din, dalawang taon na ang nakalilipas, nag-aayos din kami ng UPIS fair ng mga kasama ko sa student council; na nasestress din kami’t lahat dahil sa fair na iyon…haay..



Cambio



Imago



Picture with Ebe, vocals ng Sugarfree

———————–

Iba pang mga bagay:

  • Birthday ni Bill bukas! At kinabukasan noon, Frist Anniversary na ng Peasnt Friends! Yehey!😀 hehehe…
  • Nababagot na naman ako dito sa bahay. Walang magawa. Kailangan kong umalis. Pero ayokong gumastos. *sigh sigh*
  • Lagot kami sa January. Since wala kaming major exams ngayong December, lahat yun napostpone sa Enero! TOXIC TOXIC TOXIIIIIC!!!!