Yahoo! Wala kaming Natsci 50 ngayon kaya free na kami sa buong maghapon! Pero dahil kailangan na naming ipasa ang Chapter 1 ng paper namin for STS, mukhang magtatagal na naman ang araw ko ngayon. Hayy. Pero siyempre, update muna ako ng blog ko bago research. Mwahahaha…

Eto ang nangyari noong nakaraang Sunday…

Tapos na rin ang NMAT sa wakas. Shet na malagket pa sa putek…ang hirap ng SocSci at Biology talagang talaga! Puro hula na lang ang ginawa ko. Pano ba naman, wala naman talaga kaming matinong SocSci na subject. Tapos puro Botany yung nasa Bio part, e Zoo lang naman ang meron kami…Ayus.๐Ÿ™‚ Di ko naman talaga dinibdib ang pagrereview e. At infairness, mabilis kong natapos ang quantitative analysis o math kahit iyon ang pinaka kinamumuhian koong asignatura kahit kelan. NYAAAR! Hehehe.

Maaga kaming pumunta doon ng mga kaklase ko para kumain muna ng breakfast bago magsimula ang exam. Sa Jollibee kami kumain at marami din kaming co-NMAT takers na nakita doon. Paano mo malalaman na kukuha din ng NMAT yung mga katabi mo?

    1. May hawak na Admission Slip at/o Identification form sa isang kamay at dalawang Monggol pencil No. 2 sa isa pang kamay.

    2. May hawak na brown envelope kung saan nakalagay ang Practice Set.

    3. Nakalabas na ang Practice Set sa table at sinusubukang maglast-minute review.

Pagkatapos naming kumain, may mahaba nang pila sa labas ng Jollibee. Simula sa gate ng Benilde hanggang sa Vito Cruz kahaba ang pila! Exoj. Daming mga magtetest! Pero ayon sa isa kong kaklase, sabi nung isang doctor na kilala niya, itong batch daw ng NMAT may pinakakaunting mageexam. 700 lang daw. Ibigsabihin, paunti na nang paunti ang mga may gustong mag medicine (at padami na nang padami ang mga may gustong mag Nursing…sigh…)

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong mafeel…gusto ko mang maramdamang maging excited at masaya dahil kung iisipin, yung mga kasabay naming magexam ay malamng maaari naming maging ka-batch sa UP Med, pero natatakot pa din ako sa tuwing maiisip ko na sila, nakapagtapos na sila ng isang bachelors degree, kami? wala. *double sigh*

Noong lunch (sa Jollibee na naman dahil punung-puno ang lahat ng kainan), mayroon pa rin kaming mga nakikitang pilit na nagrereview. SERYOSONG nakatutok sa kani-kanilang mga review materials. Yung iba, nag-enrol pa sa mamahaling review centers at bumili ng mamahaling review materials…ako? practice set lang binasa, tapos na. Doon ko lang naramdaman kung gaano kaswerte, sa kabila ng ilang paghihirap at matinding pressure, ang makapasok sa intarmed.

Kinahapunan, pumunta kami ni Maan sa bahay sa QC. Nag-bake kami ng white chocolate chip cookies bilang mga regalo namin sa mga kaklase namin. Yey!๐Ÿ˜€ Namili kami ng mga gamit ng mga 5:30. Pagkatapos, dala ang mga pinamili namin, nag-simaba kami ng 6:30 sa malapit na simbahan. Nakauwi kami mga 8:30pm na dahil kumain pa kami sa Jollibee (for the third and final time of the day) ng hapunan. At pagkatapos ng mahabang proseso ng pagsasalin-salin ng mga sangkap, paghahalo at paghuhurno (baking sa Tagalog), eto ang lumabas na produkto:



saraaaaap!

Yehey! Tapos, nilagay namin sila sa mga lalagayan na plastic at nilagyan ng disenyo! Karir talaga, shet. Hehehe. Natapos kami mga 1:30 na nang umaga at bumalik kami sa dorm ng mga 2am na. Grabe, sobrang pagod talaga… *buntong-hininga* Pero masayaaa!๐Ÿ˜€

———————–

Iba pang mga bagay:

  • nakikidalamhati ako sa lahat ng taong nagdadalamhati sa pagkamatay ni Da King.
  • naging OK na rin these past few days ang service ng SUN. Salamat!
  • STS na naman bukas. Ayoko talagang tumunganga at makinig sa boring na report, for that, magdadala ako ng crossword puzzles bukas! Yahoo!
  • Super saya nung debut ni Cza sa Fernwoods noong nakaraang Biyernes!
  • di ko na muna ipopost yung Hacienda Luisita entry ko, di pa tapos e. nyahaha…