Hehe, sabi ko next entry tungkol sa Hacienda Luisita, mukhang magiging next next entry ko pa yun.πŸ™‚

IMED SHIRT

Ang saya kanina magpicture picture! Launch ng imed shirts kanina at masaya’t halos lahat kami’y naka imed shirts! Galeng! Hindi namin tinapos ang Zoo lab namin para lang magpicture taking! Mwahahaha! At eto ang ILAN, oo, ilan lang yan sa mga pictures namin kanina:

Hehe! Ganda talaga ng shirt. Naaliw pa rin ako. Sana madami akong pinagawa para everyday yun ang suot ko. Haha! Exoj.πŸ™‚

Biochem

Sa ngayon, gets ko pa naman ang lessons namin sa biochem. Leche lang talaga kapag kelangan nang imemorize ang structures ng 20 amino acids at ang kanilang mga transition states sa iba’t ibang pH. Habang nagdidiscuss prof namin kanina, kahit paano nakakasunod ako. Pero gaya sa iba kong mga klase, pagkatapos na pagkatapos ng lecture…mawawala na kaagad ang natutunan ko sa klaseng iyon. Ang aking retention skills ay napaka-oomph.😦

Ganito din ang feeling ko noong una sa org chem. At tumataginting na 2.75 ang nakuha ko. Wahaha! Nawa’y mas mataas sana ang makuha ko sa biochem.

Rald: Blogista

May ginagawa akong bagong blog para sa aking kaibigan. Regalo ko iyon sa kanya sa kanyang debut. Ayos ba? Hehehe. Di pa tapos, pero nakapublish na siya. Lalagyan ko pa ng madaming kaeklatan dahil sa ngayon, mukhang panlalaki yung blog. Mwahehehe…

Nabuburaot na din ako sa layout ko. Mashadong plain. Hehe…sabi ng iba, ‘di daw bagay sa personalidad ko. Siguro next year, pagkatapos ng christmas break. Yehey!

US

Pupunta daw kaming states ngayong summer. YEHEY! Sa wakas, makakabalik na uli ako dun. Madalas kami doon nung bata ako. Tumigil lang kami sa pagbabakasyon noong naghighschool ako. Hay…dati, di ko pa siyempre naappreciate mashado ang mga tanawin at attractions na pinupuntahan namin diba? Bata pa kasi. Basta makasakay lang sa mga rides sa theme parks solb na ako. E ngayon, ano na aatupagin ko? Yun pa rin. Haha! Disneyland! Yehey!πŸ˜€ Ok na rin ngayong taon since eto na lang ang huli kong break bago ako sumabak sa med proper. NIYAAH! *shudder*

Pero malungkot din ako. Kasi kung ganun, mamimiss ko ang kaisa-isang debut ng kaklase ko sa Cagayn de Oro na pupuntahan ng iba kong mga kaklase. Mamimiss ko din itong blog ko, unless maginternet din ako dun, kung halos dalawang buwan din akong magbabakasyon doon. Yung mga summer gimiks na barkada, ‘di ko din mapupuntahan. At mas lalo na ang anniv namin ni Maan, mamimiss ko din.😦

A ewan. Bahala na.

NMAT

Nmat (National Medical Admission Test) na sa Linggo. Sa CSB Rm. 306 ako mageexam. Hindi pa din ako nagrereview. Mukhang hindi na nga talaga. Shet. Sabi ng upper buddies namin, sobrang tagal daw. Pwedeng matulog inbetween tests. Hehe. Manghuhula na lang talaga ako. Formality lang naman iyon para sa amin e. Sabi nga sa amin sa students records, “basta wag na wag nyong kakalimutang ipasa yung test paper nyo!”

Pride na lang naman talaga ang main reason ng iba sa amin kung bakit nagrereview. Siyempre, ayaw maging “kulelat” sa klase namin.

E kung wala ka namang pride na pinanghahawakan gaya ko…wala ka na talagang pakialam kahit maging kulelat ka diba? Pakialam ba nila? Haha…

Nag-iisip na kami kanina ng mga sasabihin sa laterals kapag tinanong nila ang NMAT scores namin,

“Ahh…nakalimutan ko na e. Tagal na nun! *sabay bago ng topic* Ang ganda ng

panahon no?”

“NMAT score? Umm, siguro parang yung sa’yo…more or

less…”

“So 99+ percentile ka? Ako? Hmm…mga line

of….of….nnnnnnyways ano nga pala assignment natin sa anatomy?”

Hehehe. Sama.πŸ™‚

———————–

Hehe, bangag na ako. Alas dos na nang madaling umaga at gising pa din ako. May caroling practice kami mamayang 8am…wee! Goodluck! Sige…hintayin na lang ang sunod kong entry…sana tungkol na sa Hacienda talaga. lol.