Naisip ko lang…

Ano ang dating term na ginagamit natin noong hindi pa uso ang katagang “karir/career” na ang ibig-sabihn ay paggawa sa isang bagay o gawain nang buong-puso at hindi kapanipaniwala dahil sa kakaibang tiyaga at pagsisikap na ibinuhos para sa gawaing ito?

Para may konek, kinareer kasi namin ang unang reporting namin sa STS. Gumawa kami ng kakaibang game na grabedad sa pagkaintelektwal. Ikukwento ko na lang yung ginawa ng grupo namin. Industrial Revolution ang report namin at ang game ay parang nasa Stock Exchange kami. Nagbigay kami ng mga “pera” sa bawat grupo para i-invest nila sa mga commodities na inooffer namin. Ang pag-iinvest nila siyempre ay nakabatay sa pagdedevelop ng kanilang grupo. Ang grupong may pinakamataas na halaga ng stocks matapos ang laro ang siyang panalo.

Dalawang oras din kaming paulit-ulit na nagdidiskusyon kahapon ng aking mga groupmates para maging pulido at makabuluhan ang laro namin. Tagal naming inisip kung ano ang stocks na mas pahahalagahan namin, kung paano malalaman kung sino ang unang grupo na maaring mag-invest ng stocks, at kung paano tatapalan ang mga loopholes kung sabunin man kami ng prof (o ng mga kaklase) namin sa reporting…..matagal.

At ang effort na ipinundar namin, kakaiba din. Mula 7 hanggang 10:30 kami gumagawa ng props: play money, stocks, flaglets, at visual aids sa MSU building. At nang panahon na upang pag-usapan ang lamang ng report, kakaiba din ang diskusyon ng grupo…Kung dati’y puro tsismis at kung anu-ano pang kababawan ang napag-uusapan namin, kahapon, makabuluhan at seryoso. Mga isyu tungkol sa labor, pag-angat ng teknolohiya laban sa pagdegrade ng kalikasan, pagpapahalaga sa sektor pangkalusugan, military, edukasyon at agrikultura.

———————–

Karir. Lahat na nga yata ng activity kinakarir namin.

Sa lantern parade, nagiisip na ng panibagong pakulo ang iba sa amin para maging masaya at kakaiba ang klase namin…hindi na mga corwns ang pakana, isda na. Under the sea kumbaga…

Ang pagdedecorate sa MSU. Ilang libo din ang nagastos namin para doon…ngunit mas importante ang tiyaga na ibinuhos ng lahat ng mga taong tumulong sa pagdedecorate noon. Naging maganda at maayos ang lahat…

May paparating na ulit na panibagong gawain para sa mga Intarmed. Kami ang naatasang mag-asikaso ng panibagong pakana ng UP Manila, ang Salubungan ng mga Tala. Magbibigay ang bawat kolehiyo ng parol sa kung anumang kolehiyo ang ma-assign sa kanila. College of Public Health ang napunta sa Med. Kailangan naming maghanda ng christmas carols para sa mga taga-CPH sa lunes, Dec. 13. At anong ginagawa namin? Nagcompose ang dalawa naming kaklase ng 2 magkaibang kanta na ngayo’y ineensayo namin. Liban pa ang mga iyon sa 2 kantang kakantahin ng buong koro at 2 kantang kakantahin nang solo. Karir na talaga.

Ilan lang iyan sa mga bagay na kinakarir namin. Nauna nang natapos ang TRP, LadyMed at Sinosisans.

———————–

Hindi ko alam kung anong masama sa pangangarir ng mga bagay. Ano bang masama sa pagbibigay nang iyong buong makakaya sa kung anumang iyong gagawin? Mabuti nga dapat iyon at nawawala na ang paggiging pangkaraniwan ng mga bagay…ang pangangarir ay nangangatas ng kagalingan sa lahat.

Nagiging masama lang marahil ito kapag masama ang iyong intensyon sa pangangarir ng mga bagay.

———————–

Iba pang mga bagay:

  • Hindi natapos ang diskusyon namin sa klase noong report namin. Naging masyadong matagal ang game namin at hindi na namin naibahagi sa klase ang kung anumang mga napag-usapan namin kinagabihan. Sa katotohanan, dork na kung dork, malungkot kami’t kinapos kami sa oras. Wahahahaha! Kadiri.
  • May Sony Ericsson T68i na din ako, karagdagan sa dati kong cellphone na Nokia 6610. Mula pa sa kapatid ko. Hiningi ko para magamit ko na rin nang lubusan ang SUN sim ko. Pero leche…pahirap din pala…yung “dot o period” pang-anim (6) na pindot pa sa “1” na button. At ang space ay nasa 1 din. NYAR!!! Siguro, tatlong minuto ako katagal bago maka-compose ng isang matinong message. Ohwell, so much for 24/7. Haayy…
  • Naiinis pa rin ako sa SUN, lagi na lang walang signal at hindi makapagsend nang maayos ng text. Kahit tawag…WAG NA KAYONG BIBILI PA NG SUN! Sayang lang.
  • Nasira yung Belen na ginawa namin. May kumutkot nung styro ball na mukha ni Mama Mary. (Immaculate Conception nga pala ngayon). pati yung christmas lights na naka-drape, nasira noong bumagyo.😦 Inayos na namin kanina, mas matibay, mas pumangit nga lang…😦
  • Bagong tambayan na ng klase namin ang MSU. Yehey! Ok doon kasi may elctric fan at may tables and chairs. Pwedeng pwedeng lugar ng kwentuhan, gitarahan, kantahan, pag-aaral, meeting at kung anu-ano pa! Sa mga taga UPM, yun ung Bobby dela Paz Hall sa tapat ng Med Lib. Ayun.
  • Magpapagupit ako bukas. Hindi ko alam ang gupit ko.😦 Pagagalitan na naman ako nung stylist sa Fix…goodluck!
  • As of today, bankrupt ako. Yung savings ko this year, unti-unti nang naubos hanggang magnegative na siya ayon sa accounting ko. Ginagamit ko na lang ang baon ko everyweek bilang panakip sa mga “utang” ko. Hehe. Kelan kaya uli ako “kikita”? Mwahahaha…
  • Official na talaga, ang pinakaboring na klase ngayong sem ay IPC 201.😡
  • Wee…birthday party na nina Abe, Kathy at Tipee sa Dec 16! Yehey! Exoiting!😀
  • Launch na ng much awaited Intarmed 2010 t-shirts bukas! Yahoo!!! Eto ang design sa likod:

———————–

Pic of the day:



hahaha! benta kaya sa akin!😀

———————–
next entry: Hacienda Luicita Massacre, coming soon…