Thursday ngayon, wala na naman kaming pasok gaya noong nakaraang linggo. May super bagyo daw kasing paparating. Masaya ba ako? Oo. Dahil ibig sabihin noon mapopostpone na naman ang pagsusulit namin sa Zoology lab. Pero dalawang beses na ito napostpone, dalawang beses na din akong “nag-aral” at nagmemorya ng kung anu-anong termino tungkol sa mga isperma at itlog. Shet na malagket, may parte ng utak ko na nagnanais nang matapos ang pagsusulit. Pero ayoko pa rin. Hindi pa ako handa. :]

Naaawa naman ako sa mga nasalantang bahagi na ng bansa ng bagyong paparating. Habang naghihintay kami ng roommate ko sa balitang WALA na talagang pasok sa Unang Hirit, ang balita doon ay kung gaano na kahirap sumagip ng mga tao sa mga lugar tulad ng Camarines at Sorsogon. Yung mga nasa Bicol area. Sabi ng roommate ko, 220 kph daw ang lakas ng bagyo. Isa pang shet na malagket, ang lakas noon!

———————–

Oo nga pala. Gumawa kami ng belen kaninang hapon kasama ng decoration namin sa MSU building. Nandoon siya sa harap ng building ng canteen ng Med. At dahil may bagyo, pinakiusapan ko na lang ang isa kong kaklaseng malapit nakatira doon na ipasok ang belen sa building…baka kasi biglang makakita ang mga tao ng flying Joseph o kaya Darna Mary! *wah! korneeee*

In fairness, ang gagaling ng mga nagdedecorate kahapon sa MSU. Naging super efficient kami kahapon. Natapos na halos lahat ng dapat idecorate…salamat sa tulong ng Class 2011 at siyempre ng aking mga bibong kaklase. :] Kapag napapadaan kayo dun sa building na iyon, isipin nyo na lang na kaming mga bugoy from intarmed ang gumawa noon. Yahoo!

Eto yung pics nung belen o. (Proud!)

before and after lagyan ng ilaw. astig!

finished product!

hanggaling no? may lights pa galing sa taas! hehe! ayus!

———————–

Anong nangyari nga pala sa pagmamarshal ko kahapon?

1. Hindi ako nakapaglakad sa parada dahil sa Tipunan lang kami naghintay ng iba kong mga kasama dahil doon ang “post” namin.

2. Nakalibre ako ng almusal, c/o ng kolehiyo. Sarap talaga ng tocino at itlog at kanin! The best!

3. Nakita muli ang mga kras kong upperclass women. Wahaha….

4. Nakilala si roni_bats sa wakas! hahaha!

5. Nakapagsuot ng green na arm band at green na ID. AYUS!

Naging OK din naman yung selebrasyon e. Nakakatuwang makita ang lahat ng estudyante, doktor, faculty at admin ng kolehiyo na naka puting t-shirt at nasa iisang lugar. Mararamdaman mo talagang masaya ka’t kasama ka sa kolehiyong ito. Bow.

At eto siyempre yung mga pics. (Dahil wala akong camera, lahat ng ito ay galing sa phone ni Maan! Salamat!)

ayan yung banner na ginawa namin noong nakaraang gabi! galing no?😀

wee! ganda ng headgear namin! yellow crowns! hehehe!🙂 may yellow balloons pa! ayus!