Umaga na naman ako nagkaoras para magblog. Ayus.😀

Pinakagusto ko na talagang araw ngayong sem na ito ang Miyerkules. Kasi nagsisimula ito sa isang napaka-healthy na gawain, PE. Tapos uuwi ako sa dorm, mamamahinga nang sandali, tapos balik naman sa skul para sa Zoo lec (na kahit kinaasaran ko si Ma’am Co, at least nagkakaroon ako ng laughtrip tuwing sasabihin niya ang mga katagang maykrochuubols [microtubules], zaygot [zygote], veygital [vegital], grot [growth], saw [so], at istablis [establish]). Pagkatapos nun, break na naman…hanggang dumating ang 4pm para sa NatSci 50 (Molecules to Man). Tatlong subjects lang…ayus.

Bukas, magmamarshal ako para sa parade ng Med para sa selebrasyon sa pagsisimula ng paggunita sa ika-sandaang taon ng aming Kolehiyo. Oo…mas matanda pa ang College of Med kaysa sa buong UP. Unang itinatag ang Philippine Medical School noong Cisyembre 5, 1905, tatlong taon bago pinasinayaan ang University Act na nagtatag ng University of the Philippines. Bilang paggunita sa pagsisimula ng year-round centennial celebration ng kolehiyo, may parada ang mga kasapi nito bukas paikot ng PGH at UP Manila, at magtatapos sa Tipunan sa may Public Health. Doon, may maliit na perya-peryahan kung saan LIBRE ang pagkain. Yamings talaga kolehiyo namin…shet. Hehehe…

Yellow ang kulay na napili ng klase namin (Class 2010 kasama ng Class 2011) bilang mga kapwang Intarmed students. At anong gimik namin? Magsusuot kami ng mga koronang dilaw sa parada habang hawak ang maliliit na lobo na nasa stick. Hahaha! Kanina lang namin talaga napagdesisyunan kung anong pakana na naman ang gagawin ng klase namin. Kasi naman, pag dating sa mga ganito, ‘di na kami magpapatalo sa mga upperclassmen namin no. Dati kasi, patapon lang talaga ang mga imed…mga parang sabit lang sa kolehiyo since di pa naman talaga kami nasa med proper. Pero aba, ngayon…nagyong taon, lagi na kaming nagpeplace sa mga inter-class competitions tulad ng LadyMed (beauty pageant) at HiMedSikan (sportsfest). Ewan…mas feel na tuloy namin na kasama talaga kami sa kolehiyo namin. Ayuuuus!

Marami pang ibang mga mangyayari sa buwan ng Disyembre sa kolehiyo. Actually, parang mas marami pa nga ata kaming ginagawa na extracurriculars sa mga nakaraang mga linggo tulad ng TRP (Tao Rin Pala), Palarong Med (inter-medschool sportsfest) at christmas decoration. Magkakaroon pa ng caroling-caroling sa bawat kolehiyo at bigayan ng mga parol. May lantern parade pa at may adopt-a-ward sa PGH. Jampacked kumbaga ng kung anu-anong mga gagawin ang Disyembre. At kaakibat nito ang pagiging puno din ng acads namin. Fark naman.😡

O nga pala, nais kong icongratulate ang aking mga talents na nagpakitang gilas sa nakaraang Tao Rin Pala! Ang gagaling niyo talaga!!! Bilib ang lahat ng tao at ako, inyong pseudo-manager, kahit ‘di ko kayo napanood dahil sa mga dahilang hindi maiiwasan, U STILL MAKE ME FEEL REALLY PROUD! At least nag-pay-off ang lahat ng mga paghihirap natin sa practices hindi ba? AYUS! The best talaga kayo…best imed performance ever! Clap clap clap!!

O siya-siya…matutulog na ako. 6:30 am pa ang call-time naming mga marshal. Hehehe. Sana maging masaya ang selebrasyon!🙂

MALIGAYANG 99 na taon sa aking kolehiyo!

Next year…ISANG DAAN NA!😀