Nakasakay ako sa bus kanina, pauwi na sa QC galing Maynila. May dalawang taong nasa likod ko, nag-uusap lang sila buong biyahe. Mukhang hindi naman sila mag-asawa, magkaibigan siguro? Hindi ko alam.

Habang binabagtas namin ang kahabaan ng matrapikong Espanya Avenue, narinig ko ang kanilang pag-uusap…

Lalaki: Sino ba yang si Ped Xing? Napaka galing siguro niyang tao no? Nakita ko na yung isa niyang daan dun sa may Kalaw, tapos may dalawa pa ata siya dito sa Espanya.

Babae: Tanga! Hindi mo kilala kung sino si Ped Xing? Sabi sakin magaling daw yang pulitiko! Madami raw napagawang mga daan kaya pinangalan daw sakanya lahat ng iyon!

Lalaki: Abay P*TANG *NA! Talaga?! Akala ko PEDestrian Eksing (infairness, alam niya kung anong ibigsabihin ng Ped sa Ped Xing, hindi nga lang nya alam kung ano ang Xing)! Pagawa na lang din ako siguro ng mga kalye para may daan na rin nakapangalan sakin!

Babae: Bobo ka talaga! Pano magiging pedestrian yan (sabay turo sa sign) e ang nakasulat Ped Xing. Nagkataon lang siguro.

Lalaki: Talino mo talaga!

Napangiti na lang ako nang marinig ko ang munting usapang ito. Shet. Tama na sana si Lalaki pero kinontra ni Babae. Sino ngayong tanga? Nagpapaniwala kasi sa kung kani-kanino. Hehehehe! Ped Xing po, meaning Pedestrian Crossing. Bow.

———————–

Iba pang mga bagay:

  • may SUN sim na din ako dahil niregaluhan ako ni JA, ang spokesperson ng SUN ng barkada. yey! UNLIMITED na ako! pero weekends ko lang gagamitin…
  • super benta sa akin ang FCH prof namin. Dr. Cordero ang pangalan, UP Med Class 92. Ang bata pa no? Pero magaling siyang magturo talaga! Mapapabilib ka niya sa mga ginagawa nilang mga COME (Community Oriented Medical Eductaion) doctors. Pero hindi din naman siya nampipilit na maging COME doctors kami balang-araw. Ayon nga sakanya, “walang pilitan.” Basta, super benta siya! Sana nga ganun lang ang FCH101…tawa lang kami nang tawa!
  • ibinaba ko na sa kwarto ng kapatid kong lalaki na si Gerson ang TV two weeks ago. Iniisip ko kasi noon, ang dami-dami nang mga gamit dito sa kwarto ko, gusto kong magfree ng space. Ngayong nasa bahay na naman ako, at nandito sa kwarto, namimiss ko na ang TV ko. Wah….
  • nagpadeblock kami nina Kathy at Maan sa Physics52 ng imed. Napunta kami sa section na puro Pharm at PT ata. Habang hinihintay namin ang prof sa loob ng room, aba! may apat na babaeng nagbabasa ng Giancolli! Ayus! Magkakatabi sila, busy na busy sa pagbabasa! Wala namang reading assignment sa amin…Ngayon ko lang nalaman na may mas malala pa pala sa mga kaklase kong GC…hehe.😀
  • nanood pala kami ng SantaSantita. Kahit na maganda (as in suberb) ang cinematography, hindi ganoon ka-special ang istorya. In fact, napakadaming underlying stories na tinalakay nang bahagya lang kaya nagmukhang kalat-kalat ang istorya. Sayang. Kung nagfocus lang sila sa isang storyline. Magaling umarte si Angelica at Jericho pero mashado paring pambata ang mukha ni Angelica. Rating ko: B.
  • nagwiwish ako ngayon na sana hindi matapos ang 24/7 ng SUN. please lang…sayang ang libreng SIM card ko!