Ngayon na lang uli ako nagkaroon ng lakas at pagnanasang maipamahagi sa buong sayberworld ang mga nangyari at mga nangyayari sa buhay ko. Sa mga nakaraang araw, ilang beses din akong tinamad (dahil pagod) at mas ninanais kong makapiling ang aking mga butihing unan kaysa kay Marley, ang aking laptop.

Kailangan ko nang sanayin ang sarili kong huwag matylog nang basta-basta…hirap na kapag nagsimula nang maging toxic ang buhay.

Itutuloy ko na lang yung wento ko nooong nakaraang linggo, nung bertday party ko….

Mag-aalasdose na nang umaga nang matapos ang programa. Kung ano ang dapat ay hanggang alas-onse ay naextend nang isa pang oras. Nakakaaliw tuloy isipin na ang pinaka-aalala ko ay mabagot ang mga tao dahil pakiramdam ko ay maagang matatapos ang programa. Hindi pala. Naging masaya ang pagtatapos ng aking party…masaya ako nun. Isa sa mga pinakamasayang pagkakataon na naranasan ko…sa sobrang tuwa, sumakit ang aking bungaga…marahil dahil sa sobrang pagngiti at pagtawa. Grabe talaga…

Pagkatapos ng party ko, nagsimula na rin ang pinakaaabangang partypart6…dahil sa wala kaming sembreak party, napagpasiyahan na lang na sa birthday ko na lang gaganapin ang inuman-yosihan-kantahan-kabugnutan-bonding-okrayan-wastingan-bangagan party ng barkada. Ayus…hahaha! Nagkaraoke kami…nagsisigawan na nga. Nakainom ako ng kalahating bote ng gin (straight), ilang shots ng tequilla at 4 na strong ice. Alam kong palasing-lasing na ako….

Doon ko lang nalaman na gaya ng mga chemical reactions ng org chem, may transition states din pala ang pagiging lasing. Alam kong napakalapit ko nang malasing, alam ko pa kung anong ginagawa ko, alam kong kaunting inom na lang, matutuloy-tuluyan na ako sa dreamland, naaalala ko pa ang lahat ng nangyari noong gabing iyon, naalala ko pa kung gaano kabigat ang ulo ko, naalala ko pa kung paano ako humiga sa sementong driveway namin at nakaidlip…pagkatapos noon, ang naalala ko na lang ay ang paggising ko sa sofa namin katabi ang iba ko pang mga kaibigang nakahandusay sa sahig at sa iba pang mga upuan…tulog.

Hindi ko na naihanda ang mga dapat naming tutulugan…nauna na ako sa kanilang mag-pass-out. Sabi nila hanggang 4am daw sila nagkakantahan sa likod ng bahay namin bago sila pumasok at humiga’t natulog…In fairness, maaga silang natapos. Sa mga nakaraan naming party, inaabot na kami ng umaga, mga 7am bago kami matulog. Ayus.😀

Nagsialisan na rin ang mga bisita ko ng mga 9am. Ako? May sobrang sakit na hang-over. Minsan lang talaga ako nagkakaroon ng ganoon, lalo na kapag hindi ako naka-ihi pagkatapos uminom…feeling ko angbigat-bigat ng ulo ko. Sinubukan ko na ang lahat ng remedyo sa hang-over…itlog, kape, tubig…wala pa rin. Napilitan tuloy akong uminom ng gamot.

Hinabol ko pa ang 9am meeting namin sa MSC noong kinaumagahan ng November 13, Sabado, araw pagkatapos ng birthday ko. Patapos na ang meeting nang dumating ako ng 11am sa UP Med, wasted ang feeling pero nakangiti pa rin. Ayokong pahalata na nakainom ako noong gabi. *wink wink* Pag-uwi ko sa dorm, wala pala akong dalang susi…badtrip. Hinintay ko pa yung housemother namin para sa extrang susi. Pagpasok ko sa unit, dali-dali kong inilapag ang aking mabigat na ulo sa sofa namin…at hinintay ang text ng tatay ko kung anong oras niya akong masusundo.

Matagal-tagal din akong nakatulog, kaya paggising ko sa toot-toot ng aking cellphone na nagsasabing nasa baba na ng dorm ang tatay ko, wala na akong hang-over! Yahoo! Pag-uwi namin sa bahay, kumain pa ako ng tanghalian, at nag-impake. Bakit? Dahil pupumnta kaming tagaytay ng hapong iyon.

Long-weekend naman, kaya game na game ang pamilya naming pumunta sa kung saan. Di daw kasi kami nakalakad noong sembreak. Kasama namin ang iba pa naming kamag-anak. Pero kailangan ko ding bumalik ng umaga ng Linggo, kinabukasan, dahil may sportsfest nga na sasalihan ang UPCM kalaban ang iba pang med schools sa NCR, at maglalaro ako ng volleyball. Ayus…hectic pa rin.

At kinaumagahan ng linggo…bumaba kami ng tatay ko sa Tagaytay at bumalik ng Maynila para makarating ako on-time sa games sa Marikina.

Hanggang dito na lang muna…isusunod ko na lang yung kwento sa sportsfest.😀 Etong mga litrato muna.



uy tignan mo yun o!



the peasanfriends [bill, me, mei & lau]



moviefriends! [kitts, ja, mei & me]



barkada piikkchuurr!!!



barkada pikkkchuuuurrr uli!!!



uy kinikilig! uy kinikilig!!!