Pangalawang linggo na ngunit kulang pa rin ang MST GE namin ngayong semestre. Hanggang ngayon, tinatamasa pa rin namin ang 16.5 units…na sa mga susunod na linggo ay magiging 19.5 na rin. Ang bulung-bulungan, ‘di na daw NatSci 4 (Earth our Habitat) ang reserved sa block namin. Hindi na din daw NatSci 3 (Environmental Science). NatSci 50 na daw. Haha! Ayus no? Dito sa UP Manila may NatSci na hanggang 50! Hahaha! Ang title ng course: Molecules in Evolution. OK BA YUN? As if OrgChem and our current BioChem are still not enough for chemical symbols, structures, and reactions to pester our pitiful minds.

Eto pa, si Ma’am Nicolas, ang aming Biochem prof ngayon (na dean ng CAS, ang nagsabi sa amin na yun nga nga ang MST GE namin this sem. Pinakiusapan daw kasi siya ng friend nyang Associate Dean ng Med na i-offer sa amin ang special GE class na ito, ‘di naman daw siya makatanggi. Siya din ang magiging prof namin dun sa NatSci50. Wahoo! Ayus ba yun? Alagang-alaga kami tuloy ngayon ng AS, sa dalawang subjects namin prof ang DEAN ng College of Arts and Sciences! Hehehe…Well, sabagay, ayon nga kay Ants, KINALEYDJAN (pinag-aralang college na hindi mo home college) nga naman namin ang AS nang dalawang taon…

Hay nako, wala na akong magagawa. Kung dati gusto ko pang magpadeblock para lang ‘di mapunta sa GE na may chem…sus…ngayong Associate Dean na mismo ng Med ang nagdecide, I GIVE UP.

Wala na din tuloy kwenta ang pagpapadeblock ko sa Physics class namin para lang mag-give way sa PE class ko at sa Natsci 4 sked…wala rin!!! Nyar! Ang sked kasi ng Natsci50 ay TF ng 4-5:30. Whatta sked…tignan nyo o:

Ang tanging gusto ko lang sa sked ko ay tuwing T at W lang ako kailangang gumising nang maaga! All else, either 11:30 or 1. Ayus! Pero ang pangit kasi puro break! Ang hahaba din nun o! Kung icompress nga lang sana…pero hindi e. Owell, kasama siya talaga sa buhay kolehiyo. Kawawa nga lang yung mga kaklase kong nag-uuwian pa at walang dorm…anong gagawin nila kapag break? Mag-rorob? Hayy, gastos.

Bukas na ako mag-co-course review. Ibig sabihin, ikukwento ko kung ano ang mga sa tingin ko sa mga bago kong subjects ngayon sem…para pagdating ng katapusan ng sem, at binasa ko ito…makikita ko kung nagbago ba ang paningin ko.😀

Hehehe…ayan, nasa blogging mood na naman ako. Yehey!😀 Sana di na uli ako tamaan ng katamaran! Dami ko pang gustong ikwento…sa weekend na lang.🙂

Goodnight sa inyo! Matutulog na ako!

PS. Ito ang sem na WALA kaming ibang inaaral kundi SCIENCES. Inuulit ko, SCIENCES po lahat ng courses namin: Physics, Biochem, Embryo, Genetics, Natsci, STS…at isang medical science na FCH. Nyar! GOODLUCK! Wala man lang pambalanseng Socsci o kaya Humanities class…leche.