finally, this darn editing panel loaded. *sigh*

Today is actually the second day of my second semester. We had a class this morning at 7 friggin am, but our prof dismissed the class a little bit (kathy, hahaha! albeit?) too early — we were off at 7:50am. Di man lang umabot ng isang oras. SO MUCH FOR WAKING UP EARLY JUST TO GET TO THAT 7 AM CLASS! shit man, that sucked.

That’s why I’m online now, ranting about my morining here on my toxic blog. Wah.

Kaninang umaga, hindi ko magalaw yung mga kamay at paa ko dahil sobrang kumikirot ang aking mga kalamanan, namely ang aking gastrocnemius, quadriceps, biceps, rectus abdominis at pectoralis major. Nagising na ako ng 6am, pero bumangon ako ng 6:30 dahil doon. Nag-unat-unat muna ako sa kama bago bumangon…(ngayong college ko lang lubos na napagtanto ang kaibahan ng paggising at pagbangon. ahehehe.)

Bat ba ako nagsusulat ngayon? Hindi ko tuloy alam kung ngayong may pasok kami, mas magiging madalang ang pagpopost ko dito o mas dadami pa dahil sa mga frustrations ko sa buhay. hay…tignan ko na lang diba, bahala na.

———————–

Naisip ko nung isang araw na ang pinaka-ayokong feeling ay frustration. Wala lang. Mas ayaw kong mafrustrate kaysa mapahiya. Di ko alam kung bakit. Basta, ayoko lang talaga ng feeling na bibigyan mo ng full effort ang isang bagay tapos malalaman mo na lang na ang resulta noon ay wala lang. O kaya kapag aasa ka ng sobrang laki, tas biglang hindi rin naman matutupad yung inaasahan mo…frustration sucks. Kainis.

Kaya siguro todo ang tuwa ko sa tuwing natutupad o nangyayari kung anumang inaasahan ko.

Noong hayskul, optimistiko akong tao. Kahit na alam kong hindi pwede, pinapaniwala ko pa rin ang sarili ko na kaya pa rin! “Go go go!” ika nga ni Rufa Mae. Pero ngayon, hindi ko alam kung ganoon pa rin ako. Madalas, hindi ko na iniisip kung anong mangyayari, ipinagwawalang bahala ko na lang…hirap kasi pag umaasa ka tas wala rin. Sabi na e, sa frustration din naman babagsak ‘to.

Ano bang tagalog ng frustration? Kanina ko pa iniisip di ko maisip. ehehehe…

———————–

Iba pang mga bagay:

  • Dalawa lang ang klase ko tuwing Tuesday, at natatapos ito ng 1pm. Isang PE ng 7 hanggang 9am, at isang Zoo 30 (Embryology & Genetics) n g 11:30 hanggang 1pm. ayus! todo break!
  • Hindi kami sinipot ng PE, Zoo lang ang klase namin kahapon at wag ka! Nagdiscuss agad tungkol sa Embryology! Kung kelan hindi ka pa preparado para sa mga klase, ayan! *chenennnn!!!* Isasabak ka na agad sa mga konsepto tulad ng developmental biology, gastrulation, neurulation, organogenesis…hayyyy…
  • Majors namin mamaya, FCH at IPC (hehe, eto ba majors namin? eto lang ang courses namin na galing talaga sa College namin e, un ba ang majors?)
  • Kasalukuyang tumutugtog sa mp3 player ko ang Liwanag sa Dilim ng Rivermaya! OHYEAH! Favorite Song!!! (kasalukuyan din akong nagkukunwaring marunong magheadbang!)
  • Naisip ko lang na mas libre pala kami tuwing Tuesday kaysa sa Wednesday (na ironic dahil Wednesdays ang “free day” ng UP) wakekekekek…
  • November 12 ang bertday ko. bow.😀 regalo ko a? wahehehe…. lapit na nun, sa friday na! Isa na namang taon para kay gerald abesamis! Yeah!