Kanina kami pumunta sa Loyola Memorial Park sa Sucat, Parañaque ng pamilya ko. Doon nakalibing yung lolo ko, tatay ng dad ko. Hindi ko na siya naabutan kaya ‘di ko rin siya gaanong kilala.

Hindi naman gaanong marami ang mga tao sa sementeryo…siguro dahil kalat sa apat na araw ang pagdalaw sa ating mga yumaong mahal sa buhay. Mula noong Biyernes hanggang sa Lunes, karamihan sa ating mga pinoy ang pumupunta sa mga sementeryo upang dumalaw sa mga patay at ipagdasal ang kanilang mga kaluluwa. Bukod pa iyon sa iba pang mga ginagawa liwanag sa dilimsa mga panahong ito tulad ng pagkukwentuhan, paglalaro ng baraha, kainan, at higit sa lahat, ang pinananabikan ng lahat ng bata…ang paglalaro ng mga kandila.

Naranasan mo rin siguro iyon—ang pilit na humawak ng mainit na wax ng kandila habang pilit na bumubuo ng iba’t ibang pigura gamit ito habang masayang nagtsitsikahan ang mga magulang mo. Naranasan mo na rin siguro ang masakit pero masarap na pakiramdam ng pagtulo ng basang wax sa palad mo…at unti-unti mo itong pinagmamasdang matuyo at tumigas.

Bat nga ba natin (gi)nagawa ito kahit na alam nating mapapaso’t mapapaso din naman tayo o kaya’y mapagagalita’t mapagagalitan din mga magulang? Siguro dahil sadyang nakakabato lang talaga ang tumambay sa sementeryo…at bilang mga bata, mabilis tayong mabato.

———————–

Nagkukukuha na naman uli ako ng mga litrato. Agawan nga kami sa digicam e, pero ayus lang, nakakuha din naman ako ng maayos, kahit pare-pareho lang din naman ang kinukuhanan naming magkakapatid. Yung nasa itaas na larawan ng kandila, pinamagatan kong liwanag sa dilim…kasi yun yung pinakabago kong paboritong kanta ngayon.

Nyi! Konek?

haha! Kinanta ito ng Rivermaya at ngayon sila ang pinakabagong paboritong banda ko. Kahit dati gusto ko na yung mga kanta nila, ngayon lang sila napromote sa listahan ko ng mga paborito kong banda-slash-artists. Ngayon kasama na nila yung Maroon5, The Beatles, Eheads, Parokya ni Edgar, Moonstar88, Matchbox20, Alanis Morissette at John Mayer.

Ang galing kaya ng lyrics ng Liwanag sa Dilim. May substance. Hindi lang tungkol sa kung-saan-saan. Tungkol siya sa empowerment ng sarili mo, pagsasabing “Kaya mo to!” hehe..nya! A ewan, kayo na lang bahala…basta gusto ko siya…yung tune at meaning at lahat na. Hehehe…eto o:

Liwanag sa Dilim

Rivermaya

Ituring ang iyong sariling

Tagahawi ng ulap

Sa kalangitang kulimlim

Kampanang yayanig

Sa bawat nilalang

Magigising ang lupang

Kulang sa dilig

Ikaw ang magsasabing

“Kaya mo to!”

Tulad ng isang tanglaw

Sa gitna ng bagyo

Isigaw mo sa hangin

Tumindig at magsilbing

Liwanag

Liwanag sa Dilim

Harapin mong magiting

Ang bagong awitin

Ikaw ang

Liwanag sa Dilim

At sa paghamon mo

Sa agos ng ating kasaysayan

Uukit ka ng bagong daan

Ikaw ang aawit ng

“Kaya mo to!”

‘Sang panalangin

Sa gitna ng gulo

ps. Happy Halloween sa inyong lahat! Boo!