3:39 am na. di pa rin ako inaantok. pano ba naman, sa mga nakaraang tatlong araw, 1pm na ako nagigising dahil 2:00am na ako natutulog. paikot-ikot lang naman yan e, pag late ka natulog, late ka na rin magigising…anubatongbuhaynaito

———————–

nung bata ako, tuwing nakikita ko si ate mimi na matulog nang late, at gumising nang late nung college pa siya, iniisip ko ang tapang naman niya. nakakayanan niyang makipagsagupaan sa mga monster at mumoo na bumubulabog sa bahay namin. hehe.😉 pero nung lumaki na ako mejo, iba na ang tingin ko sa kanya…ang tamad. inisip ko, bat pa siya matutulog nang late, e mukhang wala na naman siyang ginagawa. tas papagalitan siya ni mommy sa umaga pag papasok na kaming mga batang kapatid niya sa skul…sasabihin ni mommy: “mimi! tanghali na! gumising ka na!” iniisip ko nun, “sinabi nang gumsing e, bat di pa kasi natulog nang maaga kagabi…ayan napagalitan tuloy ni mommy…*evil laugh*”.

mga elementary pa ako nun. yun yung mga panahong natatapos ko na ang mga takdang aralin ko nang 8pm para lang makatulog na nang 9pm. yun yung mga panahong wala pa sa bokabularyo ko ang pagka-cram. takot pa ako sa multo nun, di ko kayang matira sa labas ng kwarto…kaya matutulog na lang ako nang maaga.

pagdating ko ng high school, unti-unti nang bumigat ang mga trabaho sa eskwela. unti-unti na ring nabago ang oras ko ng pagtulog, mula 9pm naging 11pm na. nagustuhan ko na rin manood ng mga late-night shows tulad ng pipol at probe team, kaya minsan…sinasamahan ko na lang yung ate kong magpuyat…at least may kasama ako sa labas.

mas naging bihasa na rin ako nun sa computer. mas ok ang connection tuwing gabi kaya mas gusto kong mag-internet tuwing gabi. natutunan ko na ring magchat…uso kasi sa batch…ayan, sali naman ako. pag matutulog na si ate at wala na akong kasama, naglolock na lang ako sa computer room namin para di mashadong nakakatakot (wala na kasing ilaw). di ko pa noon alam na sa computer room pala namin nakatira yung batang mumoo na laging nakikita ng mga may 3rd eye na pumupunta sa bahay. *nginiggg*

————————

mas natatagalan ko na ang pagpupuyat noon. kaya ko nang hindi matulog simula 4th year. marami kasing mga gawaing pasulat na kailangang gawin sa Filipino, mga 15 pages kada-meeting…nang isang buong semester. pamatay talaga.

mas lalo na ngayong kolehiyo. sa dinamidami ba naman ng sunud-sunod na mga pagsusulit at gawaing pasulat…may makakatulog pa ba? oo, mga tatlong oras. maraming beses na akong natulog ng isang oras lang bago ang isang mahabang pagsusulit. marami na ring beses akong natulog sa klase (lalo na sa soc sci 1 at chem 31) dahil sa sobrang pagkapuyat kinagabihan.

natutunan ko na ang “art of sleeping in class”…pero mukhang kailangan ko pang gawing pulido ang skill na ito para sa med proper…tsk tsk tsk…practice makes perfect.

———————–

kaya nga, kahit ngayong sembreak…ganito pa din ang buhay ko. tulog nang late, gising nang late. at least ngayong break…nakakatulog ako ng mga 12-hours bawat araw…di tulad kapag may klase, 1-5 hours lang…

pahamak din kasi yung mga available na mga pang-aliw e. gaya ko, may TV sa kwarto, may computer pa…andami kong pwedeng gawin, mas masayang gawin kaysa matulog. tsaka hindi ako napapagod bawat araw kaya hanggang sa pinaka mataas na pag-eexpend ko ng ATPs ng katawan ko…gising pa din ako.

hindi ko hinihiling ngayon na makatulog. mas OK nga ito e…adjusted na ako sa pagiging buhay estudyante ko…na siyang pinakamalaking parte marahil ng bawat taon kong pagkabuhay sa mundo. ang buhay estudyante ang trabaho ko ngayon, nasa break lang ako…mahabang break.

———————–

ayan 4:05am na, tapos na akong mag-blog. wala na ring mapanood sa TV. pangit na din ang nasa radyo…pwede na siguro akong humiga at magmuni-muni, hanggang maisip ng utak ko, “pwede na sigurong matulog itong si gerald…”