malapit nang mag nobyembre! malapit nang magnobyembre! tralalalalala!

tuwing nobyembre, di lang undas ang aking hinihintay…hindi lang ang pagpunta sa sementeryo, kabonding ang mga pinsan ko…hindi lang ang espesyal na pagkatakot ko tuwing novembver 1 & 2 sa mga multo dahil sa paniniwalang mas mahina ang power ni Jesus sa mga panahong ito (ayon sa shake rattle and roll VII) ang hinihintay ko tuwing nobyembre…

malapit na ang birthday ko! malapit na ang birthday ko! tralalalalala!

lapit na nga no? at mag na-19 na ako. paker…patanda na ako nang patanda pero di ko pa rin nararamdaman ito. feeling ko hayskul pa rin ako mag-isip…immature pa kumbaga. a ewan.

anong gagawin ko sa birthday ko? simula grade 6, naghahanda ako para sa mga kaibigan ko dito sa bahay. naging tradisyon na ng barkada kumbaga. pero ‘di iyon ang nangyari last year kasi nasa Maynila ako noong birthday ko last year…Wednesday yun, ikalawang wednesday ng buwan…nilibre ko na lang yung mga kaibigan ko sa Intarmed sa Malate (oo, pinapasok ako nang 17 ako at sa dance floor ako nag-18. bow.)

E ngayon? mag-na-19 na ako. di ko alam. Ang hassle kasi mag-organize ng panibagong party e. May mga nagsusuggest na mga kabarkada ko na gawing partypart 6 na lang yung birthday ko…uhmm, bali ika-anim na BIG party na ng barkada simula nang kami’y grumadweyt sa UPIS. ewan…tsaka ko na lang iisipin pag malapit na. hahaha! ayos ba?

malapit na ang birthday ko! malapit na ang birthday ko! tralalalala! weeee!

kelan? hulaan nyo.😀