Pumunta akong Manila kanina. Kailangan ko kasing magbayad sa dorm at ayusin ang lab schedule ko sa Physics. Magkikita din kami ni Maan, kaya hapi-hapi.😀

Dumating na dad ko from the US kaninang umaga at mom ko ang sumundo sa kanya. Kinailangan ko munang hintayin yung mom kong umuwi sa bahay bago ako umalis dahil wala akong pambayad sa dorm at wala rin akong pera.

Ang hirap rin pala ng sembreak, walang pasok…walang baon…walang panggastos.

Nag fx lang ako papuntang Maynila. Sumakit ang ulo ko dahil sa mga umpog na natamo ko habang pilit kong inihihimlay ang ulo sa sa window. Tag tag. Tug tog. Aray. Malubak pa naman ang dinaanan namin. ‘Di tuloy ako nakatulog nang mahimbing.

Trapik sa Espanya kaya sa side-streets dumaan ang fx na sinakyan ko. Ayus, mas natagalan kami dahil mas trapik doon. Hay. Isa’t kalahating oras din ang byahe ko kaninang umaga. Kakapaogod.

Mag-aalas-onse na nang dumating ako sa dorm. Binayaran ko na ang monthly dues ko, at dumeretso na kami ni Maan sa Med office. Pagdating namin dun, wala pa yung nag-aasikaso ng preenlistment kaya kumuha muna kami ng classcards sa AS. Isa lang ang nakuha ni Maan, ako wala. Bukas pa daw ipamimigay yung classcards na hinihintay namin. Nyar! Ansarap mangain ng tao nun.

Pagkakain namin, nanood pa kami muna ni Maan ng The Grudge. napatunayan ko na todo-duwag talaga ako. Kahit pangalawang beses ko na pinanood yung pelikula (yung una yung original), takot na takot pa din ako (kahit alam ko na kung ano ang mangyayari sunod). Hay ewan…sadyang duwag lang talaga ako pagdating sa mga multo.

Naayos na rin namin ni Maan yung preenlistment namin kanina at matapos nun ay kumain pa uli kami sa McDo. Umuwi na rin kami pagkatapos patilain ang ulan…

Pag-uwi ko, parang ‘di pa rin sapat ang kinain ko nung araw na iyon. Naghanda pa ako ng sandwich na may chocolate spread (Nutella) at cream cheese. Sinabayan ko pa ng milk. (Ayan, kaya nagtatampupruroooot na naman ako, lactose intollerant kasi ako mula pagkabata).

Ang takaw ko na talaga. Kahit alam kong masama sa aking katawan ang ginagawa ko, sige pa rin…hehe…sarap e.😀 Tsaka masustansya naman kahit papaano…calcium din yun tsaka carbohydrates at onting protein! Haha.

Natanggap ko na rin ang admission slip ko para sa NMAT. Natatakot na naman ako. Sa Disyembre na kami kukuha ng NMAT o National Medical Admission Test. Sabi ko na sa mga magulang ko na ‘di ako magrereview para dun. Sabi nila ok lang, di ko naman daw kailangan, 40% lang naman ang percentile na kailangan namin para makapasok sa UP Med e. Pero ewan…di ko alam. Dahil percentile yun, di ko alam kung ang hindi ko pagrereview ay makaaapekto sa pagkakabilang ko sa lower 39% ng mga kasabay kong mageeksam. E kung sila nagreview, ako hindi…baka ako yung maging pinakamababa sa kanila. Hay…good luck na lang! Bahala na si batman.

Manonood na ako ngayon ng dvd ng Saved! kung saan starring ang isa sa mga kinamumuhian kong mga starlet ng Amerika: Mandy Moore. Bahala na…lalasapin ko na lang ang istorya at hindi ko na lang siya papansinin. Sabi kasi ni Lyle, maganda daw.

Sana nga.